Red POV
Nan dito na nga kami ni jacob sa sala kong san nakakasiyahan ang mga pinsan at kapatid ko. Uupo na sana ako sa tabi ni kuya alex pero bigla naman ako hinila ni jacob kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Lumapit naman siya sakin saka bumulong.
"Ayoko tumabi ka sa lalaking yan." Mahinang sabi niya. Naalala ko na pinagseselosan niya nga pala si kuya alex.
"Dito nalang kayo tol." Biglang sabi naman ni kuya mario saka sila tumayo ni kuya marco para lumipat ng upoan. Lumapit naman kami don ni jacob saka naupo. Naka kapit pa siya sa bewang ko para alalayan ako. Tumingin ako sa kanya saka ngumiti kaya ngumiti rin siya sakin pabalik.
"Ano pala binigay mo kay lola bakit naka sobre?" Biglang tanong naman ni alex. Napatingin tuloy kami sa kanya.
"Kunting pera lang yon." Sagot naman ni jacob. Sabay abot ng alak ni binigay ni kuya mario saka ito nilagok.
"Pwede ba namin malaman kong magkano yon.?" Tanong naman ni kuya marco. Nabatukan tuloy siya ni kuya mario. Ngumiti naman siya saka tumingin sakin.
"10K." Maikling sagot niyo kaya napatingin kaming lahat sa kanya.
"Mayaman ka siguro." Sabi naman ng rob. Pinsan ko na lalaki.
"Di naman. Sakto lang." Sabi naman ni jacob sa kanya. Inalis ko naman ang kamay niya na naka kapit sa bewang ko kaya napatingin siya sakin sabay kunot ng noo niya. Tumayo naman sako para pumunta sa kusina pero bigla niya naman hinawakan ang kamay ko.
"San ka pupunta.?" Tanong niya.
"Sa kusina kukuha lang ako ng may sabaw." Sagot ko naman sa kanya.
"Bilisan mo lang." Sabi niya pa kaya tumango naman ako sa kanya.
Ininit ko muna ang sabaw para masarap ito higopin. Ng okay na ay nag halin na ako sa mangko pero naibaba ko naman agad dahil ang init. Nag kuha pa akng plato para ipatong ang mangko at para maidala kuna doon.
"Tabi niyo muna yan. Mainit to." Sabi ko sa kanila. Inayos naman ni jacob ang ibang naka patong sa mesa kaya nailapag kuna yong hawak ko. Naupo ako sa tabi niya. Hinawakan niya naman ang kamay ko saka ito tiningnan.
"Okay ka lang?" Tanong niya. Tumango naman ako sa kanya.
"Dapat tinawag mo ako para ako na nag dala niyan rito." Sabi niya pa saka hinipan ang kamay ko.
"Masakit ba?" Tanong niya. Umiling naman ako sa kanya.
"Okay lang ako." Sagot ko sa kanya saka ko siya hinalikan sa ulo.
"Hayy... Don na kaya kayo sa kwarto." Biglang sabi naman ni kuya marco.
"Nag papaingit ang dalawang to." Dugtong pa niya.
"Wala ka kaseng jowa eh." Sabi naman ni kuya alex.
"Parang siya meron." Sabi naman sa kanya ni kuya marco.
"Kwarto na ba tayo.?" Tanong niya sakin.
"Mamaya na ang aga pa naman eh." Sagot ko naman sa kanya.
"Mag 11pm na. Anong maaga pa.?" Tanong naman niya. Ngumiti lang ako sa kanya.
"Ngayon lang naman eh. Saka gusto ko mag inom." Sagot ko naman sa kanya. Pero umiling naman siya sakin.
"Bawal ka mag inom." Sabi niya naman.
"Bakit naman bawal?" Tanong ko sa kanya.
"Dahil ayoko na mag inom ka." Sagot niya naman.
"Hmm ang daya." Sabi ko naman saka ngumuso.
YOU ARE READING
MR. POLICEMAN IS A WALKING RED FLAG (BOYxGAY)
RomanceAng kwentong ito ay isang katang isip lamang.. sana magustohan niyo. ps: rated SPG ang kwentong ito. 18 pataas lamang ang pwede mag basa ng kwento nito.