Jacob POV
Nan dito ako ngayon sa kwarto ko. Kakagising ko lang. Hindi ako makatulog ng maayos dahil namimiss ko si red. Gusto ko katabi ko siya matulog. Siguro dalawang oras lang ang tulog ko dahil sa kakaisip ko sa kanya. Baka kase gumala siya. Pasaway pa naman ang isang yon. Bumangon na ako mula sa pagkakahiga ko sa kama ko saka ako nag tuloy sa banyo para maligo. Pupunta na ako sa bahay ni red para makasiguro na hindi talaga siya gumala.
Ng matapos ako maligo ay nag madali na agad ako maligo dahil iba talaga ang pakiramdam ko. Gusto ko makasiguro na hindi siya gumala kasama ang chad na yon. Bwisit kase halata naman na panay tingin ng chad na yon sa gf ko.
Ng matapos ako mag bihis ay lumabas agad ako sa kwarto ko para pumunta sa bahay ni red.
Nakarating ako sa may gate nila sakto naman na nan dito si mario sa labas. Itatanong ko palang sana si red pero naunahan niya na agad ako.
"Umalis si red kasama si khella at may kasama pa silang lalaki." Bungad agad sakin ni mario. Dumating naman si marco.
"San raw nag punta.?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi sinabi kong saan. Basta sinabi lang ni red na may pupuntahan sila." Sagot naman ni mario. Napakuyom naman ako ng kama-o ko. Sinabi kuna nga ba na hindi makikinig sakin si red.
Kinuha ko naman ang phone ko sa bulsa ko saka ko tinawagan si red pero hindi niya sinagot. Napamura na rin ako dahil sa inis.
Tinawagan ko naman si khella pero pinatay ko agad dahil alam ko na hindi niya rin ito sasagutin lalo na mag kasama sila ni red. Kaya naisip ko na tawagan si jiro baka kase alam niya kong nasan ang dalawang yon. Naka ilang ring palang ay sinagot niya na agad.
"Kasama mo ba si khella?" Bungad na tanong ko sa kanya. Hindi naman agad siya naka sagot sa tanong ko.
"Uulitin ko pa ba ang tanong ko jiro!" Inis na tanong ko ulit sa kanya. Napabuntong hininga naman siya sa kabilang linya.
"Kasama ko si khella pati si red. Nan dito kami sa bahay ni chad dahil birthday ng mama ni chad ngayon." Sagot niya naman sa kabilang linya.
"San yan?" Tanong ko sa kanya.
"Dito lang sa katabing bahay ni khella." Sagot naman niya. Bumalik naman ako sa bahay para kunin ang motor ko. Hindi kuna nga nagawang mag paalam sa mga kuya ni red. Dahil sa inis ko ay umalis na agad ako.
Sumakay agad ako sa motor ko at mabilis na pumunta sa bahay ng chad na yon. Bwisit na yan pumuporma ba siya kay red. Baka hindi niya kilala ang binabangga niya. Bwisit!
Nakarating agad ako sa tapat ng bahay ng bwisit na lalaking yon. Sinalubong naman ako ni jiro na halatang kinakabahan.
"Asan si red.?" Bungad na tanong ko sa kanya.
"Nasa loob." Maikling sagot niya.
"Tawagin mo at sabihin mo na nan dito ako sa labas. Hindi na ako papasok dyan baka ano pa magawa ko." Sabi ko naman sa kanya. Hindi naman na siya sumagot at mabilis na pumasok sa loob. Ilang saglit pa ay lumabas naman agad ito habang naka sunod si red at khella sa kanya. Lalo naman ako nainis ng makita ko ang suot ni red dahil naka short lang ito at malaking t-shirt na halatang panlalaki.
"Pano mo nalaman na na dito ako.?" Kinakabahan na tanong ni red. Masama naman ako na naka tingin sa kanya.
"Sinabi ko sa kanya. Ako kase ang malilintikan." Sagot naman ni jiro.
"Nag usap na tayo na wag kang gagala pero hindi ka nakinig!" Galit na sabi ko naman sa kanya.
"Tingnan mo nga yang suot mo. Gagala ka ng ganyan." Dugtong ko pa. Napayuko naman siya. Lumapit ako sa kanya sabay hawak sa kamay niya.
YOU ARE READING
MR. POLICEMAN IS A WALKING RED FLAG (BOYxGAY)
Roman d'amourAng kwentong ito ay isang katang isip lamang.. sana magustohan niyo. ps: rated SPG ang kwentong ito. 18 pataas lamang ang pwede mag basa ng kwento nito.