32.

30 4 7
                                        


I decided not to tell Jiyong that I know, and I also decided na ituloy ang lahat like nothing happened. He made this possible for my sake, and I am very thankful and appreciate what he did kaya as much as possible ay hindi na ako dadagdag sa isipin nya.

Yeah. That's it. Everything will be like before.

I'll just have to make everything as comfortable as possible for Jiyong.

Jiyong: What do you want for dinner?

Naglilinis ako ng fridge nang mareceive ko ang message na iyon ni Jiyong.

Me: Tapos ka na sa meeting?

Kating kati ako magtanong kung anong napag-usapan but I am afraid I will be obvious. I mean, hindi naman kasi ako talaga pala-tanong ng specific sa mga ganitong ganap nya and I feel like he won't tell a thing anyway.

Jiyong: Yup. I'll have to drop by somewhere then I'll bring our dinner later. What do you want to eat?

I wasn't craving for anything so I told him to bring what he wants. Pasado alas otso sya dumating. Instead na takeout ang dala nya, sa grocery pala sya pumunta and namili ng mga karne at side dishes. Gusto nya raw mag samgyupsal.

He prepared everything habang ako naman, nag shower. Nang lumabas na ako sa kwarto na naka bihis na, inaayos nya na sa dining table ang lahat pati na ang portable griller na dala rin nya. He moves and navigates swiftly within my small kitchen and dining area like he's really used to the space.

I am drying my hair with a towel nang lapitan ko sya.

"Let's blow dry your hair," Agad na sabi nya.

Umiling ako. "Hindi na. It's fine." I like it when he really observes little things like this.

"Sure?"

"Yep. Nagutom ako bigla. Tara na," He pulled a chair para makaupo ako and then he sat next to me.

I was observing him while we are eating. Magana naman sya kumain, he even throws jokes and he's talking to me like usual. It made me think na hindi naman siguro intense ang nangyaring pag-uusap nila ng kapatid nya.

At the back of my mind, I just want this project to be over quick and sana, maging okay ang lahat. I am praying that despite the fact na alam ko na malaki pa rin ang chance na masaktan si Jiyong because that's what his sister wants.

"Babe?"

I blinked a few times. Hindi ko namalayan na napatulala na pala ako habang hawak ko pa ang chopsticks. Nakatingin lang sya na mukhang nagtataka.

"Ah, s-sorry. Iniisip ko lang kung may nakaligtaan akong ipasa sa email." Damn. Nagiging habit ko na ata magsinungaling and I didn't like it.

Nangunot ang noo nya. "What is it?"

"R-revisions," I grinned. "Ubos na cheese ko..."

Tiningnan nya ang small bowl sa harap ko. "I'll get the cheese," Inilapag nya ang chopsticks na hawak nya at tumayo para kuhain ang squeeze bottle kung saan nakalagay ang cheese dip.

Sya na ang nagrefil sa bowl ko when he came back.

Naging busy ako magluto ng mga nasa griller.

"Pupunta ka na ba next shoot?" Maya-maya ay tanong ni Jiyong. He's busy putting pork and kimchi in his lettuce.

"Oo naman," Sagot ko agad.

He stopped moving and looked at me. "Good." Seryosong sabi nya lang. He then wrapped the lettuce and ate.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Sep 22, 2025 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yup! I'm That NoonaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon