Chapter 1

306 8 2
                                    

"Sure ka na ba dyan Sheyna?" tanong sakin ni Grace ang bestfriend ko simula pagkabata matapos niya malaman na meron na akong trabaho at stay in ito. Kahit na kase tinutulungan ako ni Grace sa mga ibang bayarin ko dito sa apartment na inuupahan namin matapos ko mapilitan ibenta lahat kasama ang bahay namin noon para lang magkapera dahil napaka laking halaga ng utang na naiwan ng mga magulang ko umabot ng 5 million dahil na din sa pagsusugal noon ni tatay. At heto nga si grace na ang nakasama ko simula ng mawalan ako ng parents at mapag iwanan ng napaka daming utang nila.

kung ano ano raket na nga ng trabaho ang pinasok ko e at puro pagod lang natitira sa lahat ng sinasahod ko . sobrang kulang samin ni grace lalo na at tumataas na ang mga bilihin ngayon at balak pa ng may ari ng apartment taasan ang renta namin hays napaka salbahe din ni aling Mirna. Hindi lang kami makalipat ni Grace kase etong location ang pinaka malapit sa mga raket namin pwede namin lakarin lang ang kanto neto hanggang sa pinapasukan namin.

........

Kasalukuyan akong nag ayos para sa pagpunta ko sa pinapasukan kong mga raket bilang janitress, singer sa isang bar, waitress sa isang resto at cashier. Hindi ko pa nga naisipan niyan mag apply sa call center kasama ang bestfriend ko kase di naman ako kagalingan sa english lalo na at hindi ako tapos ng college baka mahirapan lang ako.

Pupunta ako sa mga naging trabaho ko para mag paalam na sa kanilang lahat sa mga boss ko at mga kaworkmate na naging mabait din sakin.

sobrang dami ko na halos napasukan pero kulang pa ang ipon ko para matapos sa utang at binigyan lang ako ng 1 yr ng pinagkakautangan ni tatay kundi lagot ako kapag di ako nakabayad may natitira pa akong 8 months para sa pagbabayad kaya kailangan ko kumayod pa.

Pagdating nga sa dati kong trabaho napaka dami nilang nalungkot dahil sa biglaang pag alis ko dahil meron na ako malilipatan na trabaho at stay in yun. Kaya hindi na ako makakapag trabaho pa sa iba. Siguro naman sasapat ang magiging sahod ko dun para makapag ipon sa 8 buwan.

nagkwentuhan pa kami ng ibang kaworkmate ko at matapos yun ay napag isipan ko na din umuwi lalo na at mukang uulan. at baka abutan ako ng baha at maging mermaid pa ako.

Kaya naman nagtry din ako maghanap online ng mga work at meron akong nakita na isa na sobrang malaki ang pasahod mukang legit naman yata to agad kong sinend ang resume ko na nakaready na at hihintayin ko na lang na merong magcontact sakin sa lahat ng pinasahan ko. Lord sana naman meron ng kumuha sakin kahit ano pa man trabaho.Hindi naman ako nabigo ng may natanggap akong message sa isang pinasahan ko na pagiging kasambahay at stay in ito. binigay na din sakin ang address ng bahay at kailangan ko daw pumunta dun bukas ng 9 am.

Napatingin ako sa librong katabi ng laptop ko pagkatapos ko magreply sa message sakin ng inapplyan ko. nagbabasa ako ng libro kapag may libreng oras ako. Ang storya na binabasa ko ay tungkol sa isang babaeng nagpanggap na mahirap tapos naging secretary ng nag iisang napaka gwapo at yamang bida na lalake hanggang sa parehas na nahulog ang puso nila sa isat isa pero hindi pa din alam ng bidang lalake ang totoong pagkatao ng bidang babae hays haha mukang dodoble ng saket netong story na to dahil sa pagsingit naman ng bruha na kontrabidang ex ni male lead. Hays isinira ko ang libro bago pa maubos ang oras ko sa pagbabasa. Pagkatapos ay tumingala sa mga bituin sa bintana ng kwarto namin ni Grace dahil share lang kami . Hindi ko maiwasan na kausapin ang mga bituin na akala mo sasagutin nila ako. hays kelan ba ako makakaahon sa buhay na to. Goodluck sakin sa bagong trabaho ko basta aayusin ko ang trabaho ko lalo na't mataas ang pasahod ng papasukan ko at mukang mababait din ang magiging amo ko.

Umihip ang malakas na hangin nakaramdam na ako ng lamig kaya nagdesisyon na akong isara ang bintana. Agad akong napabuntong hininga at naisip ang mga magulang ko. Nay! Tay! kung saan man kayo wag kayo mag alala kinakaya ko naman po lahat di ko namamalayan na tumulo na pala ang luha ko kaya agad kong pinunasan yun at nag umpisa ng pumasok sa cr para maligo at magready na sa pagtulog.

My Dear ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon