Umiyak iyak pa ang bestfriend ko ng makita ako kanina at muling nagpapaalam sa kanya. Sabi pa niya lagi ko daw siya iniiwan. Matapos ang pagdadramahan namin ng kaibigan ko ay dumiretso na kami dito sa rooftop ng hospital nila Zach at sumama sila lahat pati ang bestfriend ko at ayun ang gaga halos tumulo laway ng first time niya makita sila sir Lawrence sobrang popogi pala daw.
Si Nathan lang ang wala talaga at hindi na nagpapakita pa sakin.
Naready na ang helicopter tapos sasakay na kami.Nagsalita si sir Enzo.
"Zach ingatan mo yan! Kundi madami kami ang sasapak sayo kapag nagsumbong siya samin! hon thank you kase naging masaya kami na nakilala ka" sabi niya sakin at tinap niya ang ulo ko.
" hinatayin namin kayo bumalik ay hindi aattend pa kami sa kasal niyo" sabi niya pa.
nagsalita din ang kaibigan ko.
"bestfriend pagbalik mo sisiguraduhin ko sayo hindi na din ako single" sabi sakin ni Grace sabay tingin kay sir Lawrence.
"bye ingat kayo lahat ahh. Thank you!" sabi ko bago ako sumakay sa helicopter.
Tapos si Zach nagpaalam din sa mga kapatid binilin niya din na bantayan si Nathan.
Pagsakay ni Zach ay ready na lumipad ang helicopter isa isa ko silang tinignan at naiiyak ako kase wala kahit isa sa kanila ang nakakaalam na dinadala ko ang anak namin ni Nathan at aalis kami ni Zach na nagsisinungaling sa kanilang lahat.
Sana mapatawad nila kami sa pagbalik namin lalo na ang lalakeng mahal ko.
Babalik akong magaling na at kasama ang anak ko...
***********
Comment below kung dapat ko pa ba ituloy sa part 2😁Thank you so much sa lahat ng bumabasa ng first story ko. salamat sa pagsuporta🫶🏼 hanggang sa susunod na pagsusulat ko sana makasama ko kayo.