Chapter 26

46 4 0
                                    

Lumipas pa ang ilang linggo naghihilom na din ang tahi sa sugat ko na laging si sir Zach ang naglilinis. Nalaman din ng bestfriend ko ang nangyare sakin. Sobrang nag alala siya hindi daw niya manlang ako napuntahan sa Hospital nung mga panahong nasa kapahamakan ako. Binalak niya pa sugurin sa presinto si Leah na pinakulong nila sir. Kase hindi daw nila ito kayang balewalain lalo na at ganun ang ginawa sakin.

Tapos si Nathan madalas bumubuntot sakin at kinukulit ako kasama ang aso niyang Sheyna Marie ang pangalan. Tumigil na din siya sa bisyo niya na sigarilyo at pambabae mas madalas ako ang lagi niya kinukulit habang wala ang mga kapatid niya at parang nagiging natural na lang din ang pag kakaroon namin ng away minsan. Parang hindi nga nabubusy sa buhay si sir Nathan.

Tapos ay minsan nagbibigay din ng mga bulaklak sila sir Ashton sakin pati sila sir Zoren, sir Lawrence, sir Renz at sir Enzo. halos madami na nga e at nalalanta lang sa kwarto ko gusto daw kase nila ako ligawan at wag daw ako mapressure kase naiintindihan daw nila ang pagkalito ko sa mga ginagawa nila. Samantala si sir Zach ay madalas lang ako samahan kung saan ko gusto pumunta lalo na kapag hindi siya busy sa Hospital.

At gusto ko aminin na meron ng isa sa kanilang magkakapatid ang nagpapagulo ng buong isip at puso ko. Sa tuwing nakakasama at nakakausap ko siya ay iba yung nararamdaman ko bumibilis ang tibok ng puso ko at parang gusto ko hilingin na sana bumagal ang oras na kasama ko siya. Kaya gusto ko sana makumpirma itong nararamdaman ko at ayaw ko ng itago pa sa kanya.

Hanggang sa isang gabi hindi ako makatulog at sila halos lahat ay tulog naisipan ko pumunta sa kusina para uminom ng gatas baka makatulong itong magpaantok sakin. Naka dim lights na ang ilaw sa buong bahay hanggang kusina. Kaya hindi din ganun kaliwanag ang paligid.

Naabutan ko dun sa kusina ang lalakeng tinutukoy ko..

"hey bakit gising ka pa? hindi ka din ba makatulog? gusto mo nito?" alok niya sakin sa hawak niyang tea.

"ah gatas ang gusto ko! ako na magtitimpla" sagot ko habang hindi mapakali na naman ang puso ko.

kumukuha ako ng mug ng biglang lumapit siya sakin at pumulupot ang kamay niya sa bewang ko tapos ay pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. Kaya parang niyayakap niya ako sa likod ko.

"alam ko madami ako kaagaw at mismong mga kapatid ko pa yun. Sobrang nahihirapan akong makipagkumpitensya sa kanila Sheyna.Hindi ko alam anong dapat kong gawin" sabi niya sakin habang hindi ako binibitawan kaya lalong nagwawala ang puso ko.

Dahan dahan kong tinanggal ang mga kamay niya sa bewang ko para makaharap ako sa kanya tapos ay pinatong ko ang mga braso ko sa balikat niya. Magkaharap kami ngayon at nagtitigan sa mata. Muli niyang nilagay ang mga kamay niya sa gilid ng bewang ko at marahang humahaplos iyon habang pinagdikit niya ang mga noo namin at bumulong ako sa kanya...

"hindi ko din sigurado kung paano ko ba sasabihin. Pero pwede bang hayaan mong ako mismo ang unang magkumpirma sa nararamdaman ko?" pumikit ako bago dahan dahan siyang hinalikan sa labi niya.

Akala ko ay puputulin niya ang halik ko pero mas pinalalim niya yun at binuhat niya ako kinapit ko ang mga kamay ko sa batok niya habang patuloy kaming magkahalikan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at may kung anong umiikot sa sikmura ko.

"mahal kita sheyna." sabi niya sakin pero hindi ko siya sinagot agad.

Hindi ko namalayan nakarating na kami sa kwarto niya at ibinaba ako sa kama niya. Tinatanggal niya na ang butones ng suot niyang longsleeves white polo mukang nahihirapan pa siya kaya tinulungan ko na siya at muli niya akong hinalikan habang humahaplos ang mga kamay ko sa katawan niya.

Pagkatapos ng nangyare saming dalawa at nakumpirma kong siya yung mahal ko nakiusap ako sa kanya na pwede bang umakto siyang normal na parang hindi namin ginawa ang bagay na yun. hangga't hindi ko pa alam paano ko sasabihin sa mga kapatid niya kung sino ang pinipili ko. Dahil ayokong basta na lang sila saktan dahil sobrang nakita ko kung gaano nila pinapakita sakin na gusto nila ako. Agad naman siyang nangako at pumayag.

Lumipas pa ang mga 3 linggo naging maayos pa din naman ang lahat.Pero madalas sumasama pakiramdam ko tapos nagsusuka ako.

Ngayong araw nga ay sabay sabay kaming kumakain. Tapos nung akma susubo na ako nung toccino na niluto ni ate issay bigla akong parang naduduwal sa amoy nun kaya mabilis akong pumunta sa lababo at dun sumuka.

"ano nangyayare sayo?"

"may sakit ka ba baby?"

tanong nila sir Ashton at sir Zoren.

Pagkatapos ko sumuka ay humarap ako sa kanila.

"wala po mukang hindi lang ako natunawan sa kinain ko kagabi" sagot ko dahil hindi ko din alam kung ano nangyayare sa katawan ko.

"namumutla ka! sama ka muna sakin sa office icheck up kita" sabi ni sir Zach.

susunod pa sana ang mga kapatid niya pero pinigilan ko sila.Lalo na ang isa sa kanila.

"pwede bang wag muna kayo sumama samin? gusto kong ako muna at si sir Zach ang makaalam ng lagay ko." pakiusap ko sa kanila.

"sure!"

"okay"

"maghihintay kami hanggang matapos kayo mag usap ni Zach"

sagot nila sir Ashton, sir Zoren,at Sir Enzo.

habang si sir Nathan at sir Lawrence at tumango lang samin.
Kaya sumunod na ako kay sir Zach habang naiwan sila dun.

Pagkapasok namin sa office niya ay may ilan siyang tinanong sakin.

"madalas ba yang pagsusuka mo? mga ilang araw na?"
tanong ni sir Zach sakin.

"mag apat na araw na po. tsaka nahihilo po ako tapos may mga amoy na ayaw ko." tumatango siya habang may sinusulat.

"okay.hmm kelan huling period mo?" tanong niya sakin.

Naisip kong delay na ako ng ilang araw.

My Dear ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon