Chapter 22

43 2 0
                                    

Matapos ko mag ayos ay binaba ko na ang call namin ng kaibigan ko at sinabing sa chat na lang kami mag usap next time.

Pag labas ko ng Cr wala  sa table sila ate at Leah kasalukuyan silang kumukuha ng pagkain at nakikipag kwentuhan sa ibang kakilala yata nilang kasambahay na dito nagtatrabaho sa mansyon na ito. Naisipan kong kumuha din ulit ng pagkain kaso papunta pa lang ako dun ng humarang sakin yung babaeng mukang manika kanina na nakita ko sa cr. May hawak siyang wine sa kanang kamay niya habang tinignan niya ako mula ulo hanggang paa habang nakataas ang isang kilay. Sino ba siya? May kasalanan ba ako sa kanya?

"Hindi ko alam kung sino ang pumayag na pumasok sa party na to ang kagaya mong gold digger!" sabi niya tapos uminom  sa wine na hawak pero hindi niya inubos. Nagulat ako na after niya uminom sa basong hawak binuhos niya ang laman nun sa ulo ko.

Napatingin samin ang ibang hindi pa nauwing bisita.

"S-sino po ba kayo?" naiiyak na tanong ko kase napapahiya na ako sa ginagawa niya at sa sinabi niya.

"Fiance lang naman ako ng isa sa mga sinasabi mong gusto mo maging boyfriend para manakawan mo ng 5 million!" mataray na sabi niya.

Fiance nino??

"What the f###  Celine?!!" sigaw ni Ashton na makita niya kung ano ang pinagkakaguluhan tignan ng ibang mga bisita at may ibang kumukuha pa ng video.

"Sheyna! Okay ka lang ba mahal?!" agad ako nilapitan ni sir Renz na nag alala at akmang pupunasan niya ako ng panyo na dala niya pero mabilis na may humawak sa magkabilang balikat ko at hinarap niya ako sa kanya bago sinuot sa balikat ko ang suit niya. Si sir Zoren ang may gawa nun at siya na din ang nagpunas sakin.

"ANO NA NAMAN BA TO CELINE?!" galit na tanong ni sir Zoren sa babae.

habang ang mga bisita ay nawala ang atensyon samin kase si sir Nathan ang nagasikaso sa kanila at sinabing tapos na ang party kaya inalalayan niya palabas ang mga bisita habang nahingi ng pasensya.

Nagsalita ang babae "wow so totoo nga huh!!?! nagugustuhan niyo ang cheap at gold digger na babae na to??"

"P-pati ikaw Ashton??! H-how could you!?!  ako ang fiance mo diba?!" sigaw pa ng babae na tinatawag nilang Celine at hinahampas pa si sir Ashton na pinipigilan niya naman.

"Celine nabaliw kana ba ng tuluyan? tatlong beses ko na tinanggihan ang gusto ng Dad mo na magpakasal ako sayo! hindi kita mahal! at kahit kelan hindi kita mamahalin!"

Napatigil ang babae at umiyak dahil sinabi ni Ashton sa kanya.

"Ashton! Gamitin mo naman ang utak mo! Kayo lahat na may gusto sa babaeng yan! Gumising nga kayo sa katotohanan pinapaikot lang niya kayo kase gusto niyang makakuha ng limang milyon para makabayad sa utang niya! Gold digger and b!tch ang babaeng yan!" sigaw niya pa habang tinuturo pa ako.

"really? paano kung willing kaming magbigay ng kahit ilang milyon sa babaeng to! wala kang karapatan sabihan siya ng kung ano ano!" sagot ni Ashton

"kahit ako ang mauuna ang magbigay ng 10 million!" singit naman ni sir Renz

"me too!" sabi naman ni sir Lawrence na nakikinig samin.

magsasalita pa sana si sir Enzo at sir Zach. Pero sumingit bigla si sir Nathan.

"woww thank you Celine! Nabigyan mo ako ng idea paano holdapin mga kapatid ko!" sabi niya sabay lapit sakin  at inakbayan na naman ako!

"pare magandang pagkakataon na to  tanggapin mo lahat ng bigay ng mga kapatid ko sayo tapos hati tayo! Oy Celine bibigyan ka din namin ng parte mo para naman mapagawa mo ng pantay yung ilong mo medyo tumatagilid e!" sabi ni sir Nathan sa kanya. Mahinang natawa sila si sir Zach at sir Zoren sa huling sinabi ni sir Nathan.

Tapos yung Celine inis na inis sa narinig niya binato niya pa yung wine glass na hawak niya kaya nabasag yun.

"Babalikan kitang babae ka di pa ako tapos sayo! Sa akin lang si Ashton!" sigaw niya habang nagdadabog na lumakad paalis.

Maya maya nagsalita si sir Enzo kaya sabay sabay kaming tumingin sa kanya.

"finish! tadahh wala ka ng problema Hon! binayaran ko na utang mong 5 million sinobrahan ko pa! hiningi ko sa bff mo yung information ng pagsesendan ko ng pera! subukan lang nilang singilin ka pa yare sila sakin! galing ko diba?" proud na proud na sabi niya habang tinataas ang phone niya para ipakita samin ang ginawa niya.

Halos mapanganga ako sa narinig kong sinabi niya! Trinaydor ba ako ni Grace? paano niya nagawang ibigay ang info. ng utang ko kay sir? paano ako makakabayad neto sa kanya?.

Muntik pa ako matumba pero mabilis ako naalalayan nila sir. Parang sa dami ng nangyare ngayon halos manghina ako. Una yung takot na naramdaman ko kanina sa babaeng yun, sunod sa pag iisip na napahiya ako sa mga bisita, nasira ko ang party at higit sa lahat sa nalaman kong gusto talaga ako nila sir tapos etong si sir Enzo pinangunahan ako makabayad sa utang ko na matagal kong pinaghihirapan ipunin tapos ibibigay ni sir ng ganun kadali sakin. Bakit ako ang ginugusto nila?? Anong nakita nila sakin na wala sa ibang babae??

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala  ako at napapahikbi pa.

Niyakap ako ni sir Lawrence.

"sshhh tama na let's go? pahinga ka na muna may available rooms dito samahan ka namin."

Nakatingin lang samin ang mga kapatid niya habang yakap niya ako at pinapatahan.

My Dear ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon