Ngayong araw nga ay day off ako kaya maaga ako umalis. Nagpaalam lang ako kanila ate at Leah dahil mukang tulog pa sila sir. Nakasakay na ako sa trike iniisip ko kung paano ko ba uumpisahan ang pagchichika ko kay grace ng ganap sakin dahil ang dami kong utang na chismis sa kanya marites pa naman yun.
Bandang tanghali dumating ako sa bahay naabutan ko nga ang bruha kong bestfriend na nanonood ng tv. Nagpa day off din siya ngayon para nga sa lakad namin at pagchichikahan.
"ahhhhhh miss you big gurl!" tumili pa siya at tumatalon habang lumalapit sakin para yakapin ako akala mo naman sobrang tagal kong nawala.
"kamusta ka dito? taray ah malinis ang bahay. akala ko aabutan ko na napakagulo neto" natatawa kong nilibot ang paningin ko sa bahay.
"gaga ka syempre di ko naman hayaan maging dugyot tong bahay noh" sagot niya habang hinihila ako papasok sa kusina namin.
"kumain muna tayo! so ano kamusta ka sa work? hindi ba salbahe mga boss mo?"tanong niya bago kumuha ng mga plato namin para sabay na kami kumain.
"hindi naman actually puro lalake pala ang boss ko magkakapatid sila" sagot ko naman bago umupo.
"omg! mga gwapo ba at single? naku girl! kailangan mo pala laging maging maganda malay mo mainlove sila sayo edi hindi kana maghihirap mag ipon para sa mga utang mo"
"gaga ka ba? hindi ganun yun noh! di naman ako gold digger atsaka kahit gwapo sila hindi ko sila type mga may sapi yata kase minsan e" sagot ko bago nag umpisa na din kumain.
"may sapi talaga? hahaha basta mag ingat ka pa din lalo puro sila lalake. Kahit sabihin na apat kayong babae ang kasambahay dun."
tumango tango na lamang ako sa kanya.
"nga pala nagtext ba or tumawag sayo yung inutangan ng tatay mo?"
"hindi pa naman may ilang buwan pa naman ako tsaka kahit papano nadagdagan naman ng malaki ang ipon ko dahil sa sinahod ko nung mga nakaraan. Sana bago matapos ang binigay sakin na deadline ng utang makumpleto ko na ang 5 million"
"yah kaya natin yan gurl"
nagpatuloy pa kami sa pagkain habang nagchichikahan ng kung ano ano.
Pagkatapos namin kumain nagdesisyon kaming mag grocery muna bago magpagupit ng buhok namin.
Habang nasa mall kami naabutan naming may sale pala ngayon kaya nagtingin na din kami kung anong pwede namin bilhin. May nakita akong necktie at naisip ko bigyan si sir Renz kapalit ng bracelet na binigay niya sakin.
Hindi naman din gaano madami ang pinamili namin ni grace kase siya lang din mag isa sa bahay.
"para kanino yan?" turo niya sa binili ko.
"para sa boss ko ibibigay ko sa kanya kase binigyan niya ako netong bracelet" sabay pinakita ko sa bestfriend ko ang suot ko sa kamay.
"wowww taray omg so nagkakagusto sayo ang isa sa boss mo??" parang kinikilig na sabi niya.
"sira ka ba? binigay niya to kase nagsosorry siya nung hinulog niya ako sa pool muntik na ako madeds nun ah" mahina ko siya hinampas.
"ay gagu pala wag mo yun bigyan niyan"
"nagsorry naman na siya tsaka maganda naman yung bracelet diba?"
"hahahah ikaw ahh sinsabi ko sayo wag ka gaga dyan" sabi niya at akmang kakapit sa braso ko para tumawid na kami
"oo naman! Tar---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng muntik na kami matumba ng bestfriend ko dahil sa motor na humaharurot sa harap namin buset naman na driver yun. Sa sobrang bilis niya hindi pa siya nakakalayo samin ay sumemplang siya sa motor at napaupo sa semento. Madami ang nagulat at nakakita sa kanya na mga dumadaan.
"ayy puch#" napatili din ang kaibigan ko.
Mabilis akong lumapit sa kanya para kausapin siya at pagsabihan kase talagang nang gigil ako sa kanya muntik na kami ng kaibigan ko dun mabunggo ahh.
Ng makalapit ako sa kanya habang sumusunod ang kaibigan ko. tinanggal niya ang helmet niya. nakita ko ang buong muka niya...
Matangos ang ilong, makapal na kilay, may mapulang labi na parang natural, chinito din, maangas ang itsura niya tapos may hikaw siya sa kaliwang tenga niya. Pero kahit gaano siya kapogi nahahighblood pa din ako sa pagiging bobo niya magdrive ng motor. Tumatayo siya at nagpagpag ng pantalon niya aba mukang madami siyang buhay ahh wala manlang galos.
Napansin niyang nakatitig ako sa kanya.
"why? I know pogi ako okay! tsssk" itinatayo na niya yung motor niya ng lumapit ako sa kanya at sinipa ko ang motor niya para matumba ulit bago ko siya sinamaan ng tingin.
"Put####!"gulat na mura niya sa ginawa ko.
"Hindi ka manlang ba magsosorry samin na muntik mo na kami mabangga! wala ka bang mata? tsaka inuuna mo pa yabang mo kaysa maisip yung ginawa mo kanina!" hinarap niya ako at kumuha siya ng wallet niya.
"how much ba? mukang di niyo naman kailangan ipa- hospital so ano magkano kailangan mo para makaalis na ako miss!" sa sobrang inis ko dahil ang yabang niya piningot ko ang tenga niya bago ko siya binitbit palapit sa mga police na nagbabantay sa kanto.
"Arayyyy put#### alam mo di ako napatol sa babae! pero urghh bitawan mo nga tenga ko!!! sasama naman ako kusa sayo e!!" binitawan ko siya at nakita kong namumula na ang tenga niya. habang ang kaibigan ko di naman ako inaawat mukang eto din ang gusto niya gawin sa lokong to.
"parang lalake e siga pa! hays" sabi niya habang hinihimas ang tenga niya.
"okay fine!" pagalit niyang sabi bago nauna sakin lumakad.
"miss anong pong problema dito?" tanong ng isang police.
"eto pong lalake na to muntik na kami mabangga ng motor niya."
"excuse lang miss ahh?! kayo yung harang harang sa daan nagkekwentuhan kayo pero hindi kayo natingin sa tatawiran niyo."
"ahh talagang nasagot ka pa!"
"malamang may bibig ako" pamimilosopo niya sakin.
"alam mo kung di kase mayabang magdrive di tayo aabot dito!"
"wala akong time para sa kalokohan na to miss! here tawagan niyo na lang ako kapag need mo magpa hospital tssk! sir wala silang galos at nagawa pang itumba ng babae na to yung motor ko at hilain ang tenga ko kaya tingin ko hindi niyo ako pwede ikulong!"
sagot niya at mukang duda kung babae ba ako base sa tingin niya sakin. Tumayo siya bago may iniabot na card sa mga police."ganun lang ba yun mga sir? papalagpasin niyo yung siraulo na yun na parang akala mo pag mamay ari niya yung daan" sabi ko sa mga police sa harap ko. Pero hindi nila ako sinagot.
Pipigilan ko pa sana siya kaso humarurot na ang motor niya.
bumalik na din sa pwesto ang mga pulis kanina. walangya talaga!
Pagkatapos ng nangyare na yun nagpasya na kami ng kaibigan ko magpunta ng salon para magpagupit para mabawasan ang init ng ulo ko.
"infairness ang pogi nung lalake kanina mukang nainlove na ako daii tinamaan yata ako ng pana ni kupido here sa center ng hearty ko" sabi bigla ng kaibigan ko na mukang nababaliw
"tumigil ka nga dyan muntik na nga tayo maka akyat ng langit dahil sa kanya" sagot ko na naiinis pa din.