Chapter 28

54 4 0
                                    

Nagpatuloy lang kaming dalawa na umiiyak habang nakayakap pa din siya sa likod ko.

Hindi ko akalain na mahuhulog ako sa lalakeng to na walang ibang ginawa kundi puro asarin ako noon . Siguro nahulog ako sa kanya simula ng nakita kong nagbago siya at talagang binibigyan niya ako lagi ng atensyon at oras niya. Lalo na nung after may mangyari samin mas inalagaan niya din ako.

Hanggang sa  hindi ko namamalayan na binabalik ko din pala sa kanya lahat ng pagmamahal na ginagawa niya sakin.

Dahan dahan kong tinanggal ang mga kamay niya sa pagkakayakap sakin para makaharap ako sa kanya.

Nakayuko lang siya habang kaharap ako.

"b-babe I'm sorry" parang hindi ko kayang masaktan siya pero kailangan. Kase walang kasiguraduhan kung makakabalik ba ako sa kanya at ayaw ko maghintay at umasa siya sa wala.

"B-bakit babe? akala ko ba ako yung pinili mo? kaya hinayaan mong may mangyari satin! Tapos eto pu##### sobrang hindi ko matanggap na kayo na agad ni kuya Zach! D-dahilan mo lang ba yung sinabi mo na ayaw mo sila saktan kapag nalaman nilang may nangyare satin. Sila ayaw mo masaktan? P-paano naman yung nararamdaman ko ngayon? bakit a-anong mali yung ginawa ko? sinaktan ba kita? a-ano yung binigay sayo ni Zach na hindi ko nabigay? G-ginawa ko naman lahat ah tinigil ko lahat ng bisyo ko yung sigarilyo, alak at pambabae kase gusto ko maging better para sayo!. Yung nangyare satin wala lang ba yun? Pu##### pinag laruan mo lang ba ako? hindi ka ba natatakot na mandiri sayo si kuya Zach kapag nalaman niyang hindi siya ang makakauna sayo?" Hirap at umiiyak niyang sabi sakin.

sinagot ko ang mga huling sinabi niya kahit na nasasaktan akong makita siyang umiiyak.

"Oo pinaglaruan lang kita kase gusto ko gumanti sa lahat ng ginawa mo sakin simula sa umpisa ng pagkikita natin! At wala akong pake kahit pandirihan ako ni Zach kase alam ko matatanggap niya yun kase mahal niya din ako" sabi ko sa kanya kahit na sobrang sakit bitawan ang salita na yun nagawa ko pa din sabihin sa kanya. Tumango tango siya sabay sabi...

"Yan ba talaga dahilan mo? hindi na ba talaga mag iiba? o baka may iba ka pang gustong sabihin na mas ikakadurog ko! bakit mahal na mahal kita hindi ko magawang saktan ka ngayon!"  sabi niya habang pilit pinipigilan ang iyak.

"hahayaan na lang kita pero kung maisip mo na bumalik sakin at piliin ako please lang wag mo na subukan pa! Tinatapos ko na lahat ng kahibangan ko sayo ngayon! by the way thanks sa isang gabi na yun!" tumalikod siya sakin.

"Simula ngayon isipin mong hindi tayo nagkakilala at Ganun din ako sayo! Iisipin kong hindi kita kilala at never na nakilala" habol niya pang sabi bago tuluyang tumalikod at umalis.

Iniwan niya ako sa loob ng condo niya habang umiiyak pa din at nahikbi bagong tuluyang napaupo sa sahig.

Nasasaktan ako ng sobra na hindi ko magawang sabihin sa kanya na nagbunga ang isang gabi na yun at wala akong pagsisisi dun. Hindi ko manlang masabi sa lalakeng mahal ko ang totoong dahilan kung bakit kailangan ko siyang saktan at iwan.

dahan dahan kong hinawakan ang tyan ko.

"sana ligtas tayong dalawa makabalik sa daddy mo" umiiyak na sabi ko sa anak ko.

Apat na linggo ang lumipas matapos ko sabihin ang samin ni Zach at ang pag uusap namin ni Nathan. Simula nun hindi na umuuwi dito sa Nathan at nabalitaan ko sa mga kapatid niya na iba't ibang babae ang madalas niya kasama. Tama lang din siguro yun na kumilala siya ng ibang babae ngayon palang at wala akong karapatan masaktan dun.

Kasalukuyan kong inaayos ang mga gamit ko na dadalhin namin ni Zach sa ibang bansa. Sasama ako sa kanya dun sinabi namin na baka matagalan bago kami bumalik at baka dun na magpakasal. Wala silang idea sa totoong plano namin  Nang sabihin namin yun sa mga kapatid niya akala ko magagalit sila.

Pero iba ang naging reaction nila.

Wala silang idea sa totoong plano namin ni Zach at ang totoong dahilan ng pag alis namin.

si sir Ashton at sir Enzo sobrang nagulat daw pero sabi nila basta masaya ako at masaya si Zach at aalagaan ako ng tama ayos na daw sa kanila yun basta lagi ko pa din daw sila maasahan kapag may kailangan ako. Hindi ko pa nakakausap si sir Renz, sir Zoren at sir Lawrence.




My Dear ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon