Chapter 10

51 3 0
                                    

NATHAN ZALLAZAR ang pangalan nung lalaking hangin na yun? ibig sabihin kapatid siya nila sir Ashton,Sir Renz, Sir Zoren at Sir Enzo? omy G! lagot na ba ako? napapatulala na lang tuloy ako dito.

Kanina pa nakaalis yung lalakeng yun kasama ni Leah at nagbanta pa ang baliw sakin. Wag na wag daw sana magkita ulit ang landas namin kase yare daw ako!

hmp! bakit ako matatakot e siya naman ang may kasalanan tsaka kung papalayasin ako ng mga kapatid niya dahil sa kanya. Sisiguraduhin ko mauuna kong masisira ang muka niya.

Nakakagigil talaga naglakad ako papasok habang may galit pa din sa lalakeng Nathan daw ang pangalan. Hindi ko namalayan bumangga ako sa dibdib ni Sir Ashton.

awts sakit nun ahh ang tigas ng katawan ni sir. hinimas ko ang noo ko na tumama kay sir.

"hey okay ka lang?" pag aalala niya

"ayos lang po ako sir Ashton! Hindi ko po kayo nakita agad. Kanina ka pa po ba dyan?"

"no kakadating ko lang kase hinahanap kita kanina."

"ah bakit niyo po ako hinahanap sir?" may iniabot sakin si sir na paper bag na dala niya pala ngayon.

"ano po ito? para saan po sir?" pagtataka ko habang iniaabot niya sakin yun.

"para sayo open mo"

"po? bakit may paregalo po kayo sakin e malayo pa po ang birthday ko"

"open mo na lang yan! bakit si Renz nga tinanggap mo din ang bracelet na yan kahit di mo birthday" parang nagtatampo pang sabi niya sabay iwas ng tingin sakin.

"ah di ko naman po need ng ganito sir. Yung kay sir Renz binigay niya sakin to kase po nagsosorry siya sa nagawa niya sakin."

"basta iopen mo na lang yan. pasasalamat ko sayo kase ano.." napahinto siya na parang iniisip ano ang sasabihin sakin.

"ano kase palagi mo nililinis kwarto ko!"

"naku trabaho ko naman po yun sir"

"basta iopen mo yan pls wag mo ako tanggihan kahit ngayon lang baby pls?" pakikiusap niya hayss ang kulit din nito. stress pa nga ako sa kapatid niyang si Nathan e.

"thank you po dito sir!" iniopen ko na lang ito ang nakita kong flat sandals ito na may design ding tulips flower sobrang cute.

"same sa design ng bigay ni sir Renz?"

"yah mukang yan kase favorite mong flowers."

"thanks po ulit sir"
ngumiti siya sakin at niyaya niya na ako pumasok sa loob.

Nakita kong nakakabit na yung mga kurtina.

"Sino po nagkabit ng kurtina?" tanong ko kay sir Ashton.

"Ako. why? may problema ba dun?"sagot ni sir Ashton

"ako po sana magkakabit nun iniwan ko lang saglit kase po tumawag sakin bestfriend ko."

"it's okay di mo din naman maabot yun e" ngiti niya sakin.

Hays naalala ko na naman si sir Zoren na tinawag akong mini kase maliit daw ako!  Parang ganun din ang gusto iparating ni sir Ashton na maliit talaga ako ah.

Nakarating kami ni sir Ashton sa dinning area nila nilapag ko muna sa gilid ang paper bag na binigay sakin ni sir at naabutan namin dun na nag uusap sila sir Enzo,Sir Renz, Sir Zoren at ang walangyang si sir Nathan at kumakain din sila. Andun si Leah at sila ate inaayos nila ang ibang pagkain sa mesa kaya naman tumulong na din ako sa paglalagay ng mga baso nila sir.

"Nathan ikaw talaga lagi kang kontrabida sa mga sinasabi ko." sabi ni sir Enzo.

"bakit totoo naman ahh kaya ka lagi iniiwan ng mga babae kase napaka baduy mo" sagot ni Nathan sa kapatid.

Napahinto sila sa pag uusap ng makita nila kami ni sir Ashton.

"kain na tayo! umupo na kayo Leah, ate issay, ate nomi, mini upo na sabayan niyo kami kumain"

pag aaya ni sir Zoren samin. ganito talaga silang magkakapatid gusto lagi kami kasabay kumain sa kanila na parang hindi nila kami kasamabahay.

"thank you po sir" 

"salamat po"

sagot namin nila ate at Leah bago umupo tumabi na lang din ako kay Leah at ang Nathan na to sinadya pa talaga lumipat katabi sakin kala ko ba wag na wag magdidikit landas namin banta niya kanina. Bahala siya dyan di ko siya papansinin.

Nag umpisa na kami kumuha ng pagkain at maglagay sa mga plato.

Akmang maglalagay na ako ng pagkain ko pero etong epal na katabi kong lalake nag uutos pa sakin.

"oyy psst abot mo nga sakin yung Chicken" utos niya iaabot ko na sana kahit sobrang lapit lang nun sa kanya parang sinasadya niya.

"Nathan itaas mo nga kamay mo!"  utos ni si Renz sa kanya nagtataka man sinunod niya naman ang kapatid at tinanong siya nito.

"Ilan kamay mo?" tanong pa nito.

"dalawa bakit mo ba tinatanong weird nito!" pagsusungit niya sa kapatid.

"tsk dalawa pala e bakit di mo magamit pagkuha ng chicken! sa harap mo" sabi ni sir Renz kala lahat kami ay natawa. Mukang naasar siya sa sinabi sa kanya. Tama yan kala mo wala ako kakampi ahh

mabilis siya dumampot ng chicken at parang galit pang kumagat dito. Sinamaan niya pa ako ng tingin.

maglalagay na sana ako sa plato ko ng ulam pero nagulat ako na kumilos si sir Zoren at nilagyan ako ng ulam na hipon

"mini kumain ka ng madami"sabi ni sir Zoren

magpapasalamat pa lang sana ako kaso sumunod si sir Renz naglagay ng Caldereta sakin.

"pakabusog ka mahal okay lang kahit tumaba ka" sabi naman ni sir Renz.

nagtataka lahat ng nakarinig sa sinabi niyang "mahal" jusme di naman ako nabibingi noh??

sunod ay si sir Enzo naman "here! try mo shanghai made with love ako gumawa kanina niyan hon" proud pang sabi niya

mahal??? hon??? ano naman ba sumapi sa mga poging lalake na to!

"ahem! baby here mas masarap tong adobo tikman mo" sabay lagay ni sir Ashton sa plato ko. Halos natutulala ako sa ginagawa at sinasabi nila.

nagulat ako ng biglang nagsalita tong mokong na katabi ko.

"oy pare!" nagulat ako pati sila sa tawag niya sakin.

Akala ko lalagyan niya din ako pagkain pero biglang tinusok niya ng tinidor ang mga ulam ko at sinubo yun sabay nguya na sinasadya niya pang ipakita samin ang pagkain nun bago siya nagsalita.

"thanks mga bro ang sarap neto ahh solid hindi muna ako magdiet hahaha"

"may dalawang kamay din naman tong pare ko ahh bakit kayo naglalagay ng pagkain niya? siya na ba bagong kapatid niyo? tsaka bakit may pa- endearment pa?"

tatawa tawang sabi niya habang ang mga kapatid niya masama ang tingin sa kanya.

"Shut up!!!!" sabay sabay na sabi ng mga kapatid niya sa kanya at mukang balak siya katayin. kaya umakto siya zinizip ang bibig niya.

maya maya ay nagsalita si Leah.

"sir Nathan gusto niyo pa po ba?" tanong nito kay mokong.

"no thanks!  okay lang ako share na lang kami ng plato nitong pare ko!"

Nakakagigil ang sarap niya tuktukan sa ulo.

Ang ending nagpalit kami ni mokong ng plato at sinabi ko na kanila sir ako na lang bahala kumuha ng pagkain ko na hindi naman nila tinutulan kaya kahit papano nakakain ako ng maayos.

My Dear ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon