Chapter 13

44 4 0
                                    

Habang tinitignan ko si Nathan bigla na lang siya nagmumura.

"Pu#####! nakalimutan ko yung motor at helmet ko! Papatayin ko talaga mga gag0ng yun pag ginalaw nila motor ko!" sabi pa niya tapos kinuha niya ang phone niya at may tinawagan.

Pagkatapos ay humarap siya sakin.

"ikaw talaga! gagamitin mo din yang pagiging siga mo sa iba pare hays kala ko chixs yung tutulungan ko kanina hindi ko kase agad nakita ng malinaw sa malayo dahil sa ulan na to. Kung alam ko lang na ikaw yun at mamalasin ako sana iniwan na lang kita dun"

"Aba hoyyy hindi ko sinabing tulungan mo ako ahh tsaka kasalanan ko bang mas pinili mo tumakbo kasama ako kaysa sumakay sa motor mo!" inirapan ko siya dapat magpapasalamat sana ako sa kanya kaso nakakabwisit lang pinagsasabi niya.

"tsk" dinukot niya ang sigarilyo sa bulsa niya kaso lalo lang siya nainis kase nabasa din ito ng ulan.

Kaya lumakad na lang siya at sumunod ako sa kanya habang nilalamig na din. Kanina pa ako nababad sa ulan ahh lagot talaga pag nakasakit ako neto.

Nakita kong may humintong kotse sa harap namin ni Nathan bumukas ang salamin nito at nakaupo sa driver seat ang isang hindi ko kilalang lalake na mukang kasing yabang ni Nathan.

"sakay na bro!" sabi pa nito kay Nathan.

akala ko iiwan ako Nathan at mauuna siya sumakay sa likod ng kotse pero pinagbuksan niya pala ako bago inalalayan sa ulo ng kamay niya para hindi ako mauntog papasok sa loob ng kotse. Bago siya sumunod sakin.

pagpasok niya hinagisan siya ng jacket ng lalakeng magdadrive para samin.

"thanks! pakihinaan aircon bro!" sagot ni Nathan.

Nagulat ako na iniabot sakin ni Nathan yung Jacket.

"tsk isuot mo hayaan mo yan mabasa baka magkasakit ka pa dyan. Mas lalo kang magalit sakin at baka putulan mo ako ng ulo." mahinang natawa ang lalakeng nagdadrive na ngayon.

Hindi na ako kumibo pa kase sobrang nilalamig na talaga ako at ang bigat na ng ulo ko. Mukang sasama nga ang pakiramdam ko bahala na inuman ko na lang ito ng gamot. Hindi naman siguro ako dadalhin ni Nathan sa kung saan diba? Inaantok na din ang mata ko hanggang sa hindi ko alam ang sunod na nangyare.

..........

Nakatulog na nga si sheyna tinitigan lang siya ni Nathan tapos nagulat pa siya ng magsalita ang kaibigan niya na siyang nasa driver seat. Habang tinitignan siya sa mirror.

"Anu yan bro new girlfriend mo?"

"No! at never bro! eww! tong babae na to sobrang tinalo pa siga sa kanto. Dating lalake yata to bro" sagot niya sa kaibigan habang nailing iling pa.

"saan ko kayo ihahatid niyan?" tanong pa ng kaibigan niya.

"sa bahay! oh wag ka mag isip ng kung ano bro! dun siya samin nagtatrabaho kasambahay namin to! hindi ko alam saan siya nakatira tsaka kung bakit ganitong oras nandito siya sa labas." pagpapaliwanag niya sa kaibigan na mahinang. tinawanan lang siya at nagpatuloy na sa pagdrive.

Pagkahatid nga sa kanila ng kaibigan ni Nathan. Nagpasalamat siya sa kaibigan bago inayos niya ang pagkakasuot ng jacket kay sheyna na natutulog pa din at napansin niyang  nilalagnat ito.

"sh!t sakitin pala ang babaeng to ang lakas ng loob magala gala habang naulan." sabi niya bago binuhat ito para ipasok na sa loob ng bahay.

Nakasalubong niya si Ashton at ate nomi nagulat pa sa nakita nilang walang malay na si sheyna na buhat ni Nathan.

Hindi din nila namalayan na nasa gilid si Leah at masama ang tingin kay Sheyna habang wala itong malay na buhat ni Nathan. Sinundan lang sila ng tingin nito habang paakyat sila.

"What happen to her?" pag aalala ni Ashton.

"tsk ewan ko napulot ko lang to dun sa daan" pagbabalewalang sagot niya.

"ate nomi pwede po ba sumunod ka samin para matulungan kami mabihisan to" utos ni Nathan kay ate nomi.

"sige po sir" At agad sumunod sa kanya si Ashton at ate nomi papunta sa kwarto ni Sheyna.

Dinala na nga ni Nathan si Sheyna sa kwarto nito at inihiga sa kama. Bago binalingan si ate nomi.

"Ate pasuyo ikaw na din kumuha ng mga damit niya at pakipalitan siya ng suot niya baka tumaas pa lagnat niya"

"what?? nilalagnat siya? ano ba talaga nangyare sa kanya? pinag day off ko siya para mag enjoy siya kasama kaibigan niya at makauwi sa bahay nila ngayon tapos dadalhin mo siya dito ng ganyan na!" hindi maiwasan ni Ashton magtaas ng boses dahil nag aalala talaga siya.

Itininaas agad ni Nathan ang dalawang kamay niya na parang sumusuko.

"wooh!  easy brother wala ako ginawa dyan nakita ko lang sa daan. Muntik pagtripan ng mga adik  pasalamat ka pa nga dapat sakin kase niligtas ko siya muntik pa masira gwapong muka ko dahil sa kanya"

"tsk siguraduhin mong tama yang sinasabi mo kundi mag umpisa ka na ngayon magtago pag nalaman ko ang totoo" sinamaan pa niya ng tingin si Nathan.

"tsk ewan ko sayo! tawagan mo si Zach para pumunta dito at tignan ang lagay ng 'baby mo' "pang aasar niya sa kapatid ng sabihin niya ang baby.

Naunang lumabas si Ashton sa kwarto para mabihisan na ni ate nomi si Sheyna. At sumunod si Nathan bumaba naman siya para kumuha ng tubig dahil parang pati siya at bumibigat ang pakiramdam.

Nasalubong niya si Renz At Zoren paakyat sila pero huminto ito sa harap niya.

"anong nangyare sayo? bakit basang basa ka?" natatawang sabi pa ni Renz sa kanya.

"Siguro napaaway ka na naman noh?" tanong pa ni Zoren.

"Kasalanan to nung Sheyna niyo!" sagot ni Nathan sa dalawa at lalagpasan na sana sila pero nagsalita pa ulit si Zoren

"Bakit anong nangyare kay sheyna?"

"Nasaan siya??" tanong pa ni Renz.

"Andun sa taas sa kwarto niya may sakit"sabi niya sa kanila at sobrang bilis nilang nag uunahan pa sa pagpunta sa kwarto ni Sheyna.

Hindi na niya pinansin pa ang mga kapatid at sumasakit na din ang ulo niya.

My Dear ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon