Chapter 18

60 4 0
                                    

Nagising ako na ako na lang mag isa sa sofa ang natutulog tapos may kumot na din ako. Jusko! anong oras na? napabangon agad ako.Dito ba talaga kami nakatulog ni sir Ashton?? Saan na kaya siya?? bakit ba kase nag iinom siya di pala kaya ang sarili! Naku sana walang nakakita samin!

Tumayo na ako at nilibot ko ang paningin sa buong kwarto na to malinis na din. Wala na ang mga bote ng alak sa table tapos wala na din yung bubog ng nabasag na bote kagabi.

Nakakahiya ano baka kung ano isipin ni sir Ashton! Pero siya naman ang humila sakin at ayaw bumitaw ah arghh! napapasabunot pa ako sa sarili ko kase di ko alam ano dapat gawin.

Lumabas na ako dun at pumuntang kusina baka makita ko sila ate issay para tulungan na sila sa gawaing bahay baka isipin nila feeling amo din ako.

Pero si Leah lang ang naabutan ko dun na naglilinis. Tumingin siya sakin saglit bago dinampot ang basahan at binalik sa lagayan.

"Hi goodmorning Leah! Nasaan sila?"tanong ko sa kanya.

"sinong sila? sila sir ba? o sila ate?" pagtatanong niya na parang wala sa mood. Bakit kaya??

"ahm sila ate?" sagot ko kase wala naman ako pake kung nasaan sila ni sir e.

"naka day off sabay sila lagi mag day off" sagot niya.

kumuha siya ng kawali at pinainit na niya ito tapos nagprito na siya. Nilapitan ko siya para sana sabihin na tutulungan ko siya magluto.

"ahh ako na lang magluluto ngayon Leah"sabi ko sa kanya dahil dalawa lang pala kami ngayon at hihingiin ko na sana sa kanya ang sandok pero nagulat ako na sinadya niya ipalo ang mainit na sandok sa braso ko bago umaktong nagulat ko siya sa paglapit ko.

"anu ba naman yan Sheyna?!!  nakita mo naman diba na ginagawa ko na yung pagluluto bakit ba lahat na lang gusto mo agawin?!" sabi niya at medyo tinaasan niya ako ng boses. Bakit nagagalit siya sakin? ako na nga ang napaso niya e! sakit nun ahh!.

"sorry sige iwan na lang muna kita dito" sabi ko sa kanya kase muka talagang mainit ang ulo niya.

Iniwan ko siya dun sa kusina tapos pumunta ako sa medicine cabinet malapit sa bar area nila sir. Naghanap ako ng gamot para sa paso kase mukang malaki ang paso ko sa braso ko.

"What happen?? Anong hinahanap mo dyan Hon?"

"Ay kalabaw mong nalipad!!" Nagulat ako sa pagsulpot ni sir Enzo.

"Kayo po pala sir Enzo!"

" yah ako nga! So anong nangyare may sugat ka ba? or need ng gamot? may sakit ka na naman ba?" pagtatanong niya habang tinitignan ako sa katawan ko.

Huminto ang tingin niya sa braso kong may paso.

"What the f#ck ano yan? Napaso ka? Bakit?" sasagot pa lang sana ako pero hinila niya ako at ewan saan niya ako dadalhin??

"Hey Zach napaso si Sheyna pakicheck please! " tawag niya sa kapatid niya na busy sa laptop nito pero tumingin samin pagkakita niya kami ang pumasok sa kwarto niya.

"patingin saan ang paso mo?" kalmadong tanong ni sir Zach sakin.

Pinakita ko naman sa kanya yun.Tapos ay may kinuha siyang cream sa isa sa cabinet sa table niya. Siya dapat ang maglalagay ng cream sakin kaso inagaw yun ni sir Enzo at nagpasalamat bago ako isinama palabas ng room ni sir Zach.

"Papagalitan ko talaga mamaya si Leah!" sabi ni sir habang ginagamot ang paso ko at hinihipan pa niya.

"Hindi naman po niya yun sinasadya sir nagulat ko lang po siya!" sabi ko sa kanya.

"tssk sige sabi mo e!"

"hon mag ingat naman sa sunod please? hindi kita lagi mababantayan o machecheck ayokong makitang may sakit ka ulit! Tatawagan mo ako kapag kailangan mo ng tulong okay? Andito lang ako lagi para sayo. Hindi kita papabayaan. Kahit na alam kong baka hindi din naman ako ang piliin mo sa huli" sabi niya bago siya tumayo pagkatapos niya gamutin ang paso ko at mahinang tinap ang ulo ko.

Nag iisip pa ako kung anong sasabihin ko sa kanya pero nagpaalam na siya.

"See you later hon may importanteng meeting lang ako. Tawagan mo ako kapag may problema dito ahh. Tsaka lumayo ka muna kay Leah okay?"

Kaya tumango na lang ako sa kanya at nginitian niya pa ako bago siya umalis.

Naglinis na lang din ako tapos nakita ko si sir Lawrence may bitbit na gitara.  Huminto siya at binati niya ako

"hi goodmorning sweetypie! nagbreakfast kana ba?" tanong niya. Naku hindi pa pala ako kumain pero parang wala naman akong gana ngayon kumain lalo na parang medyo nasakit ang puson ko.

"ahh mamaya na lang po ako kakain sir! kayo po magpapractice po ba kayo ng gitara?"tanong ko.

"nope may binubuo kase akong bagong kanta para sa concert. Para sa special na babae at gusto kong marinig niya yun."

"ahh ganun po ba goodluck po sir sa concert" tatalikod na sana ako para magwalis pero niyaya ako ni sir na sumunod sa kanya sa music room niya.

"I-if you want sama ka muna sakin sa music room ko"

First time kong makakapasok sa room na yun dahil si ate nomi ang taga linis dun.

Pagdating namin dun nkita ko ang malaking piano at mga gitara meron din siyang drums sa gilid.

malawak at maganda ang room.

"Dito ako nagpapractice madalas kapag kailangan ko bumuo ng bagong kanta pero matagal na yun nung last akong gumawa ng kanta para sa isang babae. 2 yrs ago na siguro. sabi ko pa noon di na ako bubuo ulit ng kanta para sa isang babae pero mukang may nagbigay ulit sakin ng reason para gawin to"

mahabang pagkekwento niya sakin.

"ah ang swerte naman po niya sayo yung bagong gagawan mo ng kanta sana magustuhan niya yung kanta mo sir .Wag niyo na po isipin yung dati na sinayang ka lang kahit gwapo kana, talented pa tapos mabait". sabi ko habang di siya tinitignan kase natingin ako sa mga nakadisplay niyang gitara naalala ko si Grace mahilig din yun mag gitara dati kaso binenta na niya gitara niya para sa bayarin namin.

Lilingunin ko sana si sir Lawrence kase bigla siyang tumahimik. Kaso mukang hindi tama na basta na lang ako lumingon. Muntik ko na siya mahalikan dahil sobrang lapit pala ng muka niya sakin. bakit hindi ko narinig ang paglakad niya palapit sa likod ko kanina. bahagya pa siyang nakayuko para ilevel ang ulo niya sa bandang balikat ko.Kaya kamuntik na talaga kami magkiss.Nakakahiya yun kapag nangyare!

Agad siyang lumayo at namumula ang tenga niya. habang ako ay bigla na lang parang tumambol ang puso ko. Ano yun bakit?? siguro dahil lang sa gulat kaya bumilis ang tibok ng puso ko.

"I-im sorry gugulatin sana kita" nauutal pang sabi niya na nag iiwas ng tingin bago tinungo ang piano niya.



My Dear ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon