Chapter 24

47 4 0
                                    

Tumatawag na ng ambulance si Renz pero nagsalita na si Lawrence.

"matatagalan pa kung hihintayin natin ang ambulance. Baka maubusan ng dugo si sheyna" Agad siya lumapit at binuhat si Sheyna papunta sa kotse niya.

Nagmamadaling sumunod sa kanya ang mga kapatid para ihatid sa Hospital si Sheyna. Naiwan si Nathan na kaharap si Leah.

"tinatanong kita bakit mo ginawa yun sa kanya?! anong nagawa niyang masama sayo?" tanong ni Nathan sa kanya.

"K-kayo ang may k-kasalanan nito!! At I-ikaw sir Nathan!" sabi niya habang umiiyak.

"s-simula ng dumating siya lagi na lang siya ang napapansin niyo! Napaka manhid mo sir Nathan matagal na kita gusto pero ni minsan hindi mo ako pinapansin kagaya ng ginagawa mo kay Sheyna! Ano bang meron ang babaeng yun?!" sigaw niya pa habang patuloy sa pag iyak.

"napaka babaw ng dahilan mo para gawin yun Leah! pinagkakatiwalaan namin kayo lalo ikaw! at alam mong sa umpisa pa lang! kahit wala pa si sheyna dito! kahit nung hindi ko pa siya nakikilala! alam mong hinding hindi kita magugustuhan." sabi ni Nathan na medyo tumaas ang boses dahil sa inis. Maging siya ay hindi alam bakit naiinis siya na nasaktan ngayon si Sheyna kahit madalas sila nag aaway nun ayaw niyang may manakit na kahit sino sa babaeng yun.

Umiiyak lang lalo si Leah sa narinig mula kay Nathan bago may tinawagan si Nathan at inuutusan na damputin si Leah.

"S-sir patawarin mo ako! Minahal lang naman kita! Pero ang tanga ko pala!" sabi ni Leah at tuluyang napaupo sa sahig at yumukong umiiyak habang may dugo pa ang mga kamay niya galing kay Sheyna.

"hindi ka namin mapapatawad kapag natuluyan si Sheyna dahil sayo!" dumating na ang pinsan nila Nathan na police at yun ang inutusan niyang kumuha kay Leah.
Akala niya ay hindi sasama si Leah sa pinsan niya pero hindi naman ito pumalag habang nilalagyan ng posas ang mga kamay ay patuloy lang itong naiyak hanggang maisama na siya ng pinsan niyang police at sinabi ni Nathan na ipapaasikaso nila agad ang kaso na isasampa kay Leah.

Sumunod si Nathan sa Hospital pagkaalis ng sinasakyan nila Leah.

Pagdating sa Hospital na pag mamay ari ni Zach ay naabutan niyang nasa labas ng emergency room ang mga kapatid niya hinihintay nila matapos ang ginagawang pag gagamot ni Zach kay sheyna.

"hindi naman siguro tayo iiwan ni sheyna diba?" pag aalala ni Enzo na halatang umiyak din

"yah malakas siya at alam niyang madaming naghihintay sa kanya" sagot ni Renz bago napatingin sa kanya ito at tuluyan na siyang napansin ng iba pang mga kapatid.

"ano na nangyare kay Leah? saan mo siya dinala? tumakas ba siya?" sunod sunod na tanong ni Ashton sa kanya na halatang umiyak din at may bakas ng dugo ni sheyna sa damit ganun din si Lawrence may dugo din ang suot niya dahil sa pag buhat at paglapit nila kanina kay Sheyna. Habang si Zoren ay nakatingin lang sa kanila at hindi naimik pero nag aalala din para kay Sheyna.

"Pinasama ko kay Harvey sa police station. sinabi kong aasikasuhin natin agad ang kaso para kay Leah" tumatango ang magkakapatid sa sinabi ni Nathan.

"kamusta ang lagay niya?" tanong niya sa mga kapatid.

"hindi pa tapos si Zach sa paggamot sa kanya" sagot ni Lawrence.

Lahat sila ay nag aalala at nasstress sa ginawa ni Leah. Akmang kukuha ng sigarilyo si Nathan dahil pag stress siya ay naninigarilyo siya noon. Pero naalala niya tinigil na niya ito kase baka magalit si Leah sa kanya kaya ibinalik na lang niya ito sa bulsa niya. At sumandal na lang din sa pader habang tahimik na lang din silang naghihintay sa labas ng room kung saan ginagamot si Leah.

Maya maya pa ay lumabas na si Zach habang inaayos ang doctor coat niya.

"Kamusta siya?"

"madami bang dugo ang nawala sa kanya?"

"magigising ba agad siya?"

"malalim ba yung mga sugat niya?"

magkakasunod na tanong nila Lawrence, Ashton, Renz at Zoren. Magtatanong din sana si Enzo pero nagsalita na si Zach.

"success ang operasyon sa kanya at nasalinan na siya ng dugo wala ng dapat tayong ipag-alala mamaya ay ililipat na siya sa isang private room dito kaya pwede na kayo huminga. Ligtas na si Sheyna. Lalo na at alam niyong hindi ko din siya papabayaan na mawala." sagot niya sa mga kapatid habang may maliit na ngiti sa labi bago tinapik niya ang balikat ni Ashton na malapit sa kanya at iniwan niya muna ang mga kapatid para ayusin ang ibang result ng test na ginawa kanina kay Sheyna.

Sabay sabay na parang lumuwag ang hinga magkakapatid sa narinig nilang sinabi ni Zach.

Nailipat na nga si Sheyna sa private room.Pansamantalang umuwi muna si Ashton at si Lawrence para makapagpalit ng damit nila. Kaya naiwan sa kwarto na kasama ni Sheyna ay sila Nathan, Enzon, Zoren at Renz na nakaupo sa isang sofa na mahaba sa gilid ng kwarto.

Nakatingin lang silang lahat kay Sheyna na wala pa ding malay hindi pa sigurado kung kelan ito magigising.

Napatingin ang magkakapatid kay Nathan ng kinuha nito ang isang upuan at tinabi sa higaan mismo ni Sheyna bago hinawakan ang kamay ni Sheyna.

"anong ginagawa mo Nathan?" tanong ni Renz sa kanya.

"Gusto ko lang din hawakan ang kamay niya kagaya ng ginawa niya sakin nung nagkasakit ako. Kaya hayaan niyo muna ako" sagot niya dito habang hindi niya tinitignan ang mga kapatid nakatitig lang siya sa muka ni Sheyna habang tulog pa din ito.






My Dear ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon