Chapter 5

81 4 0
                                    

Mga bandang 8 pm nagising ako kase naalala kong nagyaya pala si sir Enzo na manood daw ng movie hindi ko lang siya natanong kung sino sino makakasama namin sa panonood. Bumaba  muna ako at tumulong ako kanila ate issay sa gawain pagtapos ay  niready ko na din nga ang mga popcorn at drinks.Pagkatapos masiguro namin na tapos na kami sa lahat ng gagawin at magpapahinga na din sila ate ay umalis na ako sa kusina habang naiwan sila ate dun kase iinom lang daw muna siya at ako naman  ay pupuntahan si sir Enzo.

Nakasalubong ko si sir Ashton at tinanong ako.Nakasuot siya ng jacket akala ko lalabas siya ng bahay pero hindi pala.

"Para saan yan?"

"ahh kay sir enzo po nagyaya po siya manood ng movie"

"Kayong dalawa lang??!" parang nagulat pa siya.

"ahh hindi naman po siguro baka yayain niya sila ate, kayo at si Leah po"sagot ko naman.

"wait me here!" pumunta siya sa kusina at nilapitan si ate issay na parang nagtatanong siya. Pagbalik niya ay hinarap niya ako na nakasimangot.

"hindi niya din niyaya sila ate at ako. ibig sabihin talagang kayong dalawa lang ang manonood. hindi ako papayag sama ako" sabi niya na parang batang nagtatampo kase hindi pinayagan sa gala.

"sige po kapatid niyo naman po yun e"

Pumunta na kami sa entertainment room kung saan may big screen sila para sa panood ng movie. Iba talaga pag mayaman e kahit ano pwede gawin sa bahay.

"uyy di ka invited ahh" bungad ni enzo sa kapatid niya ng makitang kasama ko ito.

"why? may balak ka ba sa kasambahay natin kaya siya lang ang pinapapunta mo dito. Sabihin mo lang agad kase ako na mismo unang papatay sayo" seryosong sabi ni ashton.

"woohh chill kuya Ash! gusto ko lang naman i date si sheyna e kaso di ko alam kung saan ko siya pwede idate"sagot niya habang sumusulyap sakin. Ano daw date??! ako??! bakit??

"bakit mo ako ide-date sir?" naguguluhang tanong ko.

"wala lang. gusto lang kita makilala pa"

"tsss humanap ka ng iba"sagot ni Ashton sabay umupo pasalampak sa sofa na mahaba habang nilalapag ko naman sa table ang mga dala ko.

Tama si sir Ashton dapat humanap siya iba wag ako kase kasambahay lang nila ako nakikisama lang din ako sa trip nila para hindi nila ako tanggalin sa trabaho lalo at nagiipon ako ng ipangbabayad sa utang.

"pero i like her at single naman siya. kaya walang masama kung idate ko siya or ligawan."

"ah sir sorry pero hindi po ako ready sa ganyan atsaka kasambahay niyo lang po ako trabaho po ang ipinunta ko dito. kaya hindi po talaga pwede ang gusto niyo. pasensya na po."sabi ko sa kanya.

"awts rejected na  ba ako? hahahaha okay lang for sure magiging close pa din tayo atsaka wala akong pake kahit ano pa pinunta mo sa bahay namin. maaga pa para ireject mo ako"

hinila ako ni sir Ashton paupo.

"maupo ka na nga sheyna akala ko ba manonood tayo ng movie? ang dami mo sinasabi Enzo"

Hindi ko talaga akalain na makakatagpo ako ng ganitong mga amo na parang hindi kasambahay ang turing samin dito.

Umupo  na ako sa space katabi ni sir Ashton at sa sahig naman umupo si sir Enzo para siguro sa harap siya mismo ng mga chips at drinks.

habang namimili na si sir Enzo ng movie biglang bumukas ang pinto at pumasok si sir Renz. sumulyap siya sakin saglit at binalingan si Enzo.

"parang nakalimutan niyo ako ahh kayo lang ba magkapatid? hahaha" tatawa tawang sabi niya.

pagkatapos ng nangyare sa pool area ay hindi pa kami nag uusap ulit ni sir Renz hindi nman ako galit e nabigla lang talaga ako sa ginawa niya.

"oh tamang tama lang pasok mo paki pindot ng ilaw palitan mo ng dim lights"utos niya kay Sir Renz habang busy siya kakapindot sa remote para humanap ng movie.

pagkatapos mapalitan ng ilaw at lakasan ang aircon talagang lumamig ang buong kwarto hindi pa naman ako nakadala ng jacket. buti pa tong katabi ko nakajacket parang naghanda talaga siya.

umupo din si sir Renz sa sahig katabi ni sir Enzo. habang nag uumpisa na ang movie na horror pala ang pinili ni sir.mahilig pala sila sa ganun. hayss matatakutin pa man din ako. bahala na may kasama naman ako manood e.

Maya maya inibutan ako ni sir Renz ng chips na tinanggap ko naman. Nag umpisa na ang movie pero hindi ako makafocus dahil sa lamig parang mangangatog pa ako.

Napalingon ako sa katabi ko kase naghubad siya ng jacket niya at isinuot sa balikat ko.

"sir okay lang po ako"mahinang sagot ko at ibabalik na sana sa kanya ang jacket.

lumingon siya sa mga kapatid pero nakafocus sila sa panonood.wala na ako nagawa kundi isuot na lang ang jacket para di na kami magtalo pa.

"thanks" mahinang sabi ko.

lumingon lang siya sakin at ngumiti sabay dumampot ng unan sa tabi niya at pinatong yun sa mga hita ko.

Kahit papano hindi na ako nilamig dahil sa jacket ni sir Ashton. Infairness sobrang bango ng jacket niya tingin ko kakapit sakin yung amoy niya. bahala na.

Naging sobrang comfortable ako at hindi ako natakot sa pinapanood namin imbes naging comedy dahil kay Enzo na puro kalokohan na yung mga multo e ginagawan niya kung ano anong kalokohan na akala mo e script writer. Nahuhuli ko pang lagi nakatingin sakin si sir Renz kapag tumatawa ako sa kalokohan ni Enzo.

Sobrang nakaramdam na ako ng antok hindi ko alam kung anong oras na hanggang sa nakapikit na ako at hindi ko na alam ang sunod na nangyare.

.......

Samantala hindi alam ni Sheyna na habang tulog siya ay nakasandal ang ulo niya kay Ashton na hinayaan niya lang din dahil gusto niya ang pagkakasandal nito sa balikat niya.Tinanggal niya sa kamay si sheyna ang chips na binigay kanina ni Renz at pasimple niyang kinunan ng picture si Sheyna habang nakasandal ito sa kanya gamit ang phone niya  habang di nakatingin ang mga kapatid niya at ng mapalingon si Enzo nakita niyang tulog na si sheyna. Agad pinatay ni Enzo ang tv at sinabi niyang tatawagin niya daw sila ate issay para maalalayan si sheyna papasok sa kwarto at makahiga ng comfortable. hindi naman siya pinigilan nila Renz at Ashton hanggang makalabas ito ng room.

Si Renz naman ay akmang lalabas na din sana sa room after niya makita na tulog na tulog sa balikat ni Ashton ang babaeng gusto niya sana makausap at hingian ng tawad.pero napatigil siya dahil tumunog ang phone ni Ashton at nakiusap sa kanya na bantayan muna si sheyna para sagutin ang tawag sa labas para di maistorbo ang pagtulog ni Sheyna. Tumango na lamang si Renz.

Dahan dahan nila pinahiga si sheyna sa sofa at tinabunan ng unan ang hita. At lumabas na si Ashton.

umupo na lang ni din si Renz sa sahig katabi ni Sheyna.habang tinitignan ang tulog na si sheyna.Nilabas niya ang isang box na may lamang bracelet na may design na tulips flower binili niya to para ibigay kay sheyna at humingi ng sorry sa kanya dahil sa nangyare sa pool area.

"I'm sorry i hope di kana magalit sakin hindi ko na uulitin na bigyan ka ng ganung trauma. wala naman akong balak lunurin ka"bulong niya dito kahit tulog ito. naalala niya din na after niya sa pool ay pumunta siya sa kwarto ni sheyna para bigyan ito ng pagkain dahil hindi ito sumabay sa kanila sa pagkain. Pero naabutan niya itong tulog at namamaga ang mata halatang galing sa iyak at alam niyang dahil tinakot niya ito sa pool.

Ilang saglit pa ay dumilat unti unti ang mata ni sheyna at nagkatitigan sila ni sir Renz. Agad na napaiwas ng tingin si Renz.

..........

My Dear ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon