Chapter 2

141 5 0
                                    

ASHTON ZALLAZAR ang pangalan ng lalakeng sinalubong namin ni Leah papasok sa bahay na to. matangkad, matangos ilong moreno medyo kulot ang buhok masasabi kong infairness may itsura.Nakasuot siya ng gray tshirt na medyo basa dahil sa pawis at shorts mukang kakagaling niya lang sa pag eexcercise.

binati siya ni Leah bago ako nilingon at pinakilala din sa bagong dating namin na amo. "sir ash si sheyna po pala yung bagong kasambahay na makakasama namin nila ate dito"

nagpakilala din ako at ngumiti "sheyna po pala sir nice to meet you po" akala ko hindi niya ako papansinin at tatalikod na pero inextend niya ang kamay niya parang makikipag shake hands bago ngumiti at nagsalita "nice to meet you too baby ahem! i mean sheyna. ilang taon kana?" medyo nagulat ako at si Leah sa pagtawag niya sakin ng baby at agad din binawi nagkunware na lang din ako na di ko narinig yun at tinanggap ang pakikipagkamay niya para naman di siya mapahiya at baka wala pa akong kalahating araw dito ay mapalayas niya na ako. sinagot ko naman ang tanong niya " 22 po sir" napatango tango siya at ngumiti bago nagsalita ulit " pwede bang paki tanggal na lang ng po haha medyo di naman magkakalayo edad natin e I'm 24 and pwedeng ash na lang din itawag mo sakin." sabi niya sabay ngiti at nagpaalam muna na aakyat sa room niya para magshower. inutusan niya pa kami ni Leah na maprepare ng foods at kakain siya pagbaba niya na agad namin sinunod ni Leah.Nililingon pa ako ni sir habang paakyat siya at nangiti. parang buang naman si sir pero infairness pogi siya sa malapitan lalo kapag nakangiti ahh mas okay ng palangiti  maging amo ko kaysa masungit. Mukang makakasundo ko naman si sir.

Nagluto si Leah ng spam, fried rice, at egg eto daw kase madalas request ni sir kainin sa umaga at wala daw ako dapat ipag alala kase super mabait daw si sir. Pansamantala nagpaalam sakin si Leah dahil mag ccr daw siya. Kaya inayos ko na lang muna ang plato, baso at iba pang kailangan ni sir sa mesa bago siya kumain.Maya maya ay nakita ko si sir na nakatayo sa bungad ng pinto ng dinning area nakatingin sakin habang may maliit na ngiti. lumapit siya at hinila ang isang upuan na akala ko ay uupuan niya pero iniooffer niya sakin." umupo ka din sheyna sabayan mo ako kumain neto ah. ako na magtitimpla ng coffee ko thanks" agad niya ako pinigilan ng balak ko kumuha ng mug para sa kape niya na binilin sakin ni Leah kanina.

Pagbalik ni Leah ay niyaya niya din ito kumain kasabay namin habang nagkekwentuhan din sila at kinakamusta ni Leah si sir ng biglang magtanong sakin si sir "may boyfriend kana ba sheyna?" umiling ako sa tanong niya bago uminom at nagsalita

"ah wala pa sir ash hindi ko pa nakikilala yung para sakin lalo na hindi nman ako maganda kagaya ni Leah" si Leah ay single din kakahiwalay lang nila ng boyfriend niya 3 months ago at mas matanda sakin si Leah ng isang taon.

natawa si sir "ash na lang itawag mo sakin wag mo isiping amo mo ako hahaha  para maging comfortable ka dito and maganda ka okay" sabi niya bago pinagpatuloy ang pagkain habang nagiti ngiti sakin at sumabat si Leah

"ang ganda ganda mo kaya Sheyna bebe gurl" sabi niya habang nakangiti sakin ganun din si sir na tumatango pa na parang sumasang ayon sa sinasabi ni Leah.

Lumipas pa ilang araw at talagang totoong mabait na medyo siraulo pala si sir ashton madalas kinakausap niya ako na akala mo ako lang kasama niya at wala si Leah at talagang gusto niya nakakasabay niya ako kumain hindi ko alam bakit tsaka palabiro din siya minsan sabi nga niya sana isang araw makita niya yung muka kong asar na asar. Siguro daw makikita niya yun kapag dumating na ibang kapatid niya.

Pinag day off muna ni sir si ate Issay at ate Nomi dahil dalawa naman kami ni Leah ang nandito.

At ayun halos araw araw palakas ng palakas trip sakin ni sir ashton kagaya ng uutusan niya ako na ipagtimpla siya ng kape pero magbabago ang isip at gusto juice  at pinapagod niya ako akyat baba para lang sa drinks niya. Minsan napipikon na din ako pero hindi ko siya mapatulan kase amo ko siya. Kaya siguro wala siyang nagiging jowa kase kala mo matino yun pala may pagka siraulo din.habang busy ngayon si Leah sa kusina sakin naka assign ang paglalaba. Habang binubukod ko ang mga lalabahan ko lumapit si sir Ashton sakin at inibutan niya ako ng sandwich na siya daw mismo gumawa kase day off niya sa work niya at boss siya kaya magagawa niya daw mag day off kahit ilang araw pa. hindi ko agad tinanggap yung sandwich kase busy pa ako kaya nagulat ako na shinoot niya yun sa basurahan malapit sa kanya.

My Dear ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon