Matapos namin kumain nila sir Zach kasama sila ate issay at ate nomi na suportado din samin ni sir Zach. Totoong mababait silang dalawa sakin sabi pa nila parang anak na din daw nila ako. Sobrang natutuwa ako kase ganun yung turing pala nila sakin. At simula ng sinabi namin na kami na ni Zach ay hindi na nila ako hinayaan maging kasambahay nila. Pero sanay pa din akong tawagin silang sir minsan.
"Yan na ba lahat ng dadalhin mo?" sabi ni Renz sakin
"oo ito na lahat. Thank you po pala sa lahat Renz at sa pag intindi pasensya na kung nasaktan po kita." tukoy ko sa pagpili kay Zach.
Ngumiti l si Renz sakin bago nagsalita.
"Ikaw lang naman ang nakakaalam kung kanino ba tumitibok ang puso mo. Ikaw lang din ang dapat pumili ng tingin mo dapat para sayo. Mahal lagi mo piliin kung saan mararamdaman mong worth it ka at hindi ka bibitawan sa kahit anong bagyo. Palagi kita susuportahan sa lahat ng gusto mo kaya masaya ako para sa inyo ni Zach kung siya na talaga ang gusto mo" sabi niya.
Tinignan ko lang siya tapos ay tinulungan na niya ako magbitbit ng ibang gamit ko palabas.
Susunod na sana ako kay sir Renz pero nakita ko si sir Zoren.
Akala ko ay galit siya dahil nasaktan ko din siya pero nagulat ako na ngumiti siya sakin habang tinitignan ko lang siya.
"mini? okay ka lang?" sabi niya habang natatawa pa.
"hays mamimiss kita mini! maaasahan mong lagi kita pupuntahan kahit saan ka pa kapag nalaman kong pinaiyak ka ni Zach. Ingat ka lagi okay? call me kapag namiss mo ako o kapag inaway ka ni Zach"
Naluluha akong tumingin sa kanya.
"I'm sorry and thank you" sabi ko sa kanya.
"mini wag ka umiyak baka hindi ko kayo paalisin ni Zach niyan!" pagbibiro niya pa.
"May gusto ka ba kainin muna bago ka umalis?" tanong niya.
"gusto ko ng buko shake po sana" sabi ko kase lagi yun ang hanap ko talaga buti hindi naman ako nahuhuli ni Zach na nainom nun lalo na sabi niya bawal ako sa sobrang malalamig.
"sure okay bibilhan kita babalik ako agad!" sabi niya bago ako iniwan para bilhan ako nun.
Parang inaantok ako pero ayoko matulog kase baka buhatin lang ako ni Zach kapag aalis na kami kaysa ang storbohin ang gising ko nakakahiya naman yun.
Kaya naisip kong magpunta sa pool area nila at ibabad ang paa ko sa tubig dun.
"hey sweetypie! kanina pa kita hinahanap ahh nandito ka lang pala! wala ka ba balak na magpaalam sakin?"
sabi ni sir Lawrence bago umupo sa tabi ko at ginaya ang ginagawa ko.
"sir Lawrence salamat po sa inyo at pasensya na din po" sabi ko sa kanya dahil katulad kanila Sir Ashton, sir Renz, sir Enzo at sir Zoren ay alam kong nasaktan ko din siya.
"tsk okay lang yun! atsaka alam mo naman na bida ako lagi sa mga teleserye at movie ko diba? Kase ayaw ko maging kontrabida. Kaya hindi ako magiging kontrabida sa inyo ni Zach. Sana lang makahanap pa ako ng kagaya mo" sabi niya habang nakatingin sakin kaya nag iwas ako ng tingin. Kase inaamin ko nagkaroon din ako ng crush sa kanya simula ng tugtugan niya ako ng piano. Pero hindi lumalim yung feelings ko na yun para sa kanya. Naalala ko pa nga nung minsan na hahalikan sana ako ni sir Lawrence pero ako mismo ang umiwas kase hindi naman pala siya talaga ang ginugusto ko. Kinalimutan na lang din naman agad yun dahil parehas namin ayaw na magkailangan sa isa't isa.
"tama yan wag ka maging kontrabida kase sayang pagiging pogi mo" sabi ko sa kanya at mahinang tumawa pa.
"ingatan mo lagi sarili mo sweetypie at maging masaya lang" sabi pa niya.
Tumango lang ako sa kanya tapos ay narinig namin boses ni Zach.
"bee tara na naayos na mga gamit natin na dadalhin. diba dadaan ka pa sa bestfriend mo para mag paalam?"
"ahh oo sige!" sabi ko bago ako inalalayan ni sir Lawrence na makatayo.
"kita na lang tayo later" sabi niya kase sasamahan nila kami ni Zach sa rooftop ng hospital nito mamaya dahil andun ang pag mamay ari din nilang helicopter na maghahatid samin sa ibang bansa na pupuntahan namin ni Zach.
magpapaalam muna ako sa bestfriend ko na siguradong matagal na naman bago ko siya makita.