Chapter 4

76 4 0
                                    

Halos di ko mapigilan mapaiyak sa nangyare sakin dahil takot ko kanina na akala ko malulunod na ko at sa pagkainis sa ginawa ni sir sakin.

Nakatulugan ko na pala ang pag iiyak ko kahapon at umaga na ako nagising. Pag gising ko ay merong pagkain sa lamesa ko sa tabi ng kama at may note na "sorry" hindi ko na lang din ginalaw yun dahil mukang kagabi pa iniwan ang pagkain dun.

Matapos ko magkapaghilamos at mag ayos ng sarili ay bumaba ako para kumuha ng maiinom at mag umpisa na sa gawain ko dito sa bahay. Dinala ko na din sa baba yung pagkain na hindi ko ginalaw.

Naabutan ko sila ate issay at ate nomi na nag uusap habang busy sa pag aayos ng mga sangkap para sa lulutuin mamayang gabi na pagkain.

hindi ko sana sila papansinin pero tinawag ako ni ate issay at sinenyasan ako lumapit sa kanila. Wala pala si Leah dito hindi ko alam kung nasaan siya.

"bakit po ate?"

"close ba kayo ni Leah?"

"ahh opo bakit niyo po natanong?"

"wag masyado magtiwala dun kahit maging sobrang bait nun sayo. may pagkaplastik yun e" sabi ni ate issay.

nagtataka ko silang tinignan dahil paano nila nasabi yun. e sila nga tong hindi ko madalas nakakausap. Sinisiraan ba nila si Leah? pero bakit naman nila ginagawa yun?

"paano niyo po ba nasabi?"tanong ko ulit sa kanila.

"ah basta binabalaan ka lang namin. ayaw namin na maging kawawa ka din. ikaw na bahala kung maniwala ka o hindi" sagot ni ate nomi.

"hindi po ba kayo mag aalala na baka sabihin ko lahat to kay Leah?"

"ikaw bahala kung gusto mong magkagulo dito sa bahay nila sir"

napabuntong hininga na lamang ako at naghanap ng pwedeng gawin ko. At hindi na ako nagsalita pa.

Napalingon kami sa pinto ng kusina ng makita namin si sir Ashton na naglalakad at gulo gulo ang buhok mukang kakagising lang at walang tshirt.

Dumiretso siya sa ref at kumuha ng tubig hindi manlang bumati samin at parang walang pake na wala siyang suot na tshirt.

"what?" tanong niya sakin ng makita niyang inirapan ko siya kase ang yabang niyang ipakita yung abs niya. Nagpatuloy sila ate nomi at ate issay sa ginagawa nila.

"wala lang po sir hindi ka po ba nilalamig?"

"no. why? ikaw ba nilalamig?" pagtatanong niya sakin pabalik at lumapit pa sakin para lang ipatong ang palad niya sa noo ko para icheck kung may sakit ako. Halos di ko namalayan ang paglapit niya dahil hindi maalis sa utak ko na wala siyang tshirt.At kahit noon samin sa kanto ng tinitirhan namin ni grace madalas may mga lalakeng tambay ang walang tshirt ay hindi ganito ang reaction ko dahil hindi naman ganito kaganda ang mga katawan nila.

"sheyna?"

"uyy sheyna okay ka lang ba? tinatanong ka ni sir" nagulat ako sa pagtawag sakin nila ate.

habang nakatitig lang sakin si sir. Hindi ko namamalayan na nakatulala na pala ako.

"ayos lang po ako sir wala po akong sakit" mahina siyang natatawa.

"yeah wala ka ngang lagnat. I know nabigla kita sorry haha nawawala kase shirt ko e."bahagyang yumuko siya sa kaliwang tenga ko sapat na para sa pagbulong niya sakin.

"pero kung gusto mo ako yakapin at haplusin sa katawan ko ayos lang feel free magiging asawa din naman kita. Sayong sayo to." bulong niya sakin na hindi narinig nila ate nomi at ate issay.

bahagya ko siya natulak dahil sa ginawa at sinabi niya. Magsasalita pa lang sana ako pero umalis na siya agad sa kusina ayaw ko naman sabihin ng malakas ang gusto ko sabihin dahil nandito sila ate siguradong maririnig nila at mag iisip sila ng kung ano. Nagpapasalamat ako at hindi nakatingin sila ate samin ng bumulong si sir bago siya tatawa tawang umalis.

Matapos ang lahat ng gawain namin. Ay pinagpahinga muna kami ni sir Enzo nung nakasalubong ko siya kanina at mukang may lakad tapos sinabi niya din na mamaya daw hapon nood kami ng movie sa entertainment room magdala daw ako ng popcorn and drinks.

Mukang magandang idea ang gusto ni sir Enzo lalo na sa ganitong weather na medyo maulan sa labas.

Nagtanong na din pala ako kay sir Enzo kung pwede ba ako mag day off bukas. At agad siya pumayag kahit wag na daw ako mag paalam kanila sir Renz at Sir Ashton.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad ko tinawagan si grace. Na mabilis namang sumagot.

"ohh gaga buhay ka pa pala noh? naka alala ka pa pala hahahahaha muntik na kita kalimutan kung hindi ka lang nagpapadala sakin ng pera hahaha" sabi niya agad.

Oo nagpapadala ako sa kanya ng pera sa mga nakaraang sinahod ko na binigay ni sir Ashton sakin. Hindi ko lang madalas makausap si Grace kase mahina signal ng cellphone ko at minsan nagloloko na din.

"gaga kakalimutan ba naman kita edi lumungkot ang buhay ko! kamusta ka dyan?? baka may mga lalake kang inuuwi dyan? matampal talaga kita dyan pag punta ko" sabay pakunwareng umirap sa kanya.

"baliw ka ba as if naman noh may maiiuwi akong oppa" sagot niya habang natawa.

"e ikaw kelan mo ako babalikan dito sa mansyon natin?"

"ah bukas nagpa day off ako at pumayag si sir kaya magkikita. na din tayo"

"ayy sa wakas naman hahaha gusto sana kita yayain din sa bagong bukas na salon malapit satin nakapromo sila haha pagupit tayo okay?"

"sige gusto ko yan" at nahaba na din naman ang buhok ko e.

Pagkatapos ng ilang kamustahan ay tinapos ko na din ang call at nakakaramdam na din ako ng antok.

My Dear ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon