Nagsimula na siyang tumugtog ng piano niya yung kantang
statue by Lil Eddie mahinang kinakanta niya din yun. Napaka ganda pala talaga ng boses ni sir Lawrence.Tapos kapag nasa chorus line na 'I'm like a statue stuck staring right at you' nakatitig sakin si sir Lawrence na parang para sakin ang line na yun.
Ang puso ko walang tigil sa pagbilis ng tibok na parang akala mo may sinasalihan akong karera. Bago sakin ang ganitong pakiramdam hindi ko alam kung tama ba tong maramdaman?.
After niya kumanta at magpiano ay nagsalita siya.
"sweetypie alam mo bang madami nagsasabi na mga fans ko na kapag kumakanta daw ako parang mabubuntis ko daw sila" sabi niya habang tumatawa na parang yun na ang pinaka nakakatawang joke na narinig niya.
Nang makabawi ako sa pagkanta ni sir ay sinagot ko agad ang sinabi niya.
"magaling ka po kase kumanta sir. Ganun ka siguro nila purihin sir! tsaka kung totoong nakakabuntis ang boses mo madami kana palang anak sir" pagbibiro ko pa.
"ayaw ko magka anak sa kung sino sino lang. Pero kung ikaw ang magiging mom ng mga anak ko magiging sobrang proud siguro ako" sabi niya habang nakangiti sakin. Tapos may kinuha siyang papel at iniabot sakin yun.
Kinuha ko naman at nakitang lyrics yun ng kantang sinabi niya na binubuo niya pero bakit niya yun pinapakita sakin.
"ano po ang gagawin ko dito sir?"
"Alam mo bang para sayo yan. Sana magustuhan mo kapag narinig mo sa mismong concert ko."
"po? diba po para ito sa babaen.." napahinto ako ng may marealize. Ako ba ang babaeng tinutukoy niya kanina??? na nagbibigay ng reason para bumuo ulit ng bagong kanta??? pero bakit?
"Naku sir baka magsisi lang po kayo pag ako talaga ginawan niyo ng kanta."
"Never ako magkakaroon ng regret na kantahan ka at gawaan ng marami pang kanta sweetypie. Magiging kuntento at masaya na ako na pinapakinggan mo lahat ng ginagawa kong kanta para sayo kahit alam kong sa iba ka mapupunta" sabi niya bago tumayo at nilapitan ako para yakapin. Lalo nagwala ang puso ko na parang pati sa tyan ko ay umaabot na ang paglikot nun.
bumitaw sakin si sir Lawrence ng may kumatok sa pinto at tinatawag siya ni Leah.
"maiwan muna kita pwede ka magtry mag aral ng piano din may guide naman na books dyan. Tuturuan kita next time"
"s-sige po sir" nginitian niya lang ako bago siya lumabas na dahil sabi ni Leah may naghahanap daw kay sir sa labas.
Lumabas na ako ng music room iniwan ko lang na nakaipit dun sa gilid ng piano ang lyrics ng kanta ni sir Lawrence na para daw sakin.
Pagbaba ko naabutan ko si sir Nathan na may sinisilip sa bintana malapit sa front door parang nagmamarites siya kalalakeng tao marites pala to. Nilapitan ko siya.
Nagulat pa ako na umakbay siya sakin na akala mo tropang lalake niya ako. Tinatanggal ko pagkaka akbay niya kaso ang kulit at sinabihan pa akong wag maingay baka marinig kami.
"Ano ba kase tinitignan mo dyan?? kalalakeng tao mo tsismoso ka!" sabi ko sa kanya at hinayaan na lang ang akbay niya.
"pare! tignan mo kase si kuya Lawrence kinakausap niya ex niya. Hindi manlang niya pinapasok dito" ex ni Lawrence ang sinabing naghahanap kay sir kanina?
Nakisilip din tuloy ako at ayun dalawa na kaming mukang marites dito ng lalakeng to. Dinamay niya ako e.
"diba maganda? model yan e kaso niloko si kuya Lawrence kahit binibigay naman sa kanya lahat" sabi pa ni sir Nathan.
"Oo nga maganda, maputi, tsaka mukang koreana ahh" sabi ko naman.
"panis ka pare! kaya nagtataka ako bakit kaya ano baliw na baliw din siya sa......" sabay tingin niya sakin na parang balak manglait. Pero mabilis ko siyang tinampal sa braso niya.
"tssk" di na lang niya tinuloy ang sasabihin niya ng samaan ko pa siya ng tingin at patuloy siya na sumisilip sa bintana.
Nag eenjoy pa kami sa pagmamarites dito ng bigla may sumingit na ulo sa gilid ko at nagsalita.
"Oh? talaga may maganda?? Nasaan?" sabi niya. Si sir Renz pala ito. hinarap ko siya ay nahihiya sa naabutan niyang ginagawa namin ni sir Nathan pero mukang walang pake si sir Nathan sa pagdating ni sir Renz.
"sir kayo po pala sorry po! marites kase tong si sir Nathan e"
"sshhhh wag nga kayo maingay di ko marinig sinasabi nung babae" talaga bang seryoso siya sa pagiging tsismoso niya dyan??
Hinayaan na lang namin siya na magmarites dun. Tapos Sinenyasan ako ni sir Renz na sumama sa kanya mukang may sasabihin sakin. Iniwan namin si sir Nathan dun mag isa bahala siya.
Sumunod ako kay sir sa may pool area. Naalala ko naman yung ginawa niya sakin dito.
"Wag ka mag alala di kita ihuhulog sa pool! Tara upo tayo dun. Sa gilid lang ng pool lubog lang natin paa natin. Promise di kita itutulak!" sabi pa niya at tinitignan ang reaksyon ko kung papayag ako. Sa huli ay pumayag ako.
Umupo kaming dalawa sa gilid ng pool habang nakalubog ang mga paa namin sa tubig. Iginalaw galaw ko ang paa ko sa tubig malamig ah tsaka parang nakakarelax.
"Iinvite sana kita sa birthday ko bukas sa bahay nila tita gaganapin. Kasama naman kayo lahat nila ate issay, ate nomi at Leah and wear formal hindi kayo magwowork dun. Sasamahan niyo ako ieenjoy ang birthday ko kaya ininvite ko din sila" sabi niya habang sinimulan din igalaw ang paa sa tubig.
Naalala ko na hindi ko pa pala nabibigay sa kanya yung necktie na nabili ko sa mall nakatabi lang sa cabinet ko yun kase di ko pa alam paano ko ba ibibigay sa kanya yun. Tama yun na lang ang ireregalo ko sa kanya sana magustuhan niya.
"sige po! advance happy birthday po! pero wala po pala akong isusuot dun. Hihiram na lang ako sa bestfriend ko para naman po maging presentable ang itsura ko sa birthday niyo at hindi po kayo mapahiya sa mga bisita niyo. Baka magtaka sila na may nakapasok na mukang mangkukulam sa party niyo." pabirong sabi ko habang natawa.
"akala ko regalo ang poproblemahin mo. Pero iba pala. Hmm wag kana humiram sa kaibigan mo samahan mo na lang ako ngayon sa mall may balak din kase akong bilhin and bibilhan na din kita ng isusuot mo para sa party! oops bawal tumanggi please?" sabi niya ng balak ko tanggihan yung alok niyang ibibili niya pa ako ng damit.
"maraming salamat po sir sa alok niyo babawi po ako" sagot ko na nahihiya.
"you're welcome! so ano magbihis kana para makaalis na tayo agad" tumango ako at nauna si sir tumayo sakin bago inalalayan niya akong makatayo din at sabay kaming pumasok sa loob sinabi niyang hihintayin niya ako sa parking area.