Chapter 3

100 5 0
                                    

Si sir RENZ IAN ZALLAZAR ang dumating at sinabihan agad si sir Ashton na mabaho hahaha.

sabay silang tumingin sakin dahil sa pagtawa ko napa tssk si sir ashton sa ginawa ko bago ako pinakilala sa kapatid niya "Renz bagong kasambahay natin si sheyna" ngumiti ng malawak sakin si si renz bago nagsalita.

" kamusta ka naman dito? hindi ka ba pinapahirapan nitong mokong na si ashton?" agad naman sumabat si ashton sa sinabi ng kapatid niya.

"shut up! mabait ako sa kanya"

"ow talaga? hahaha."

"I'm renz nga pala bahala ka kung gusto mo may sir or renz na lang itawag mo sakin miss pretty" bigla na lang parang naging reklamador tong katabi kong lalake.

"tssk wag ka ngang epal dyan Renz!" agad kong inirapan si sir ashton dahil sa asta niya sa kapatid na kakarating lang.

Maya maya ay tuluyan ng lumapit samin ang isa pa nilang kapatid na si Enzo na may bitbit na pine apple juice. Hindi namin napansin na nakapasok na pala siya sa kusina para kumuha ng juice niya.

"Enzo kung  saan saan ka agad napunta di mo ba babatiin tong mokong na kapatid natin dito!"

"ow hi bro di ba muna tayo kakain?? nagugutom na ako tsaka pinagod mo ako sa pagmamaneho kuya renz!" pagrereklamo niya.

Siya si sir LORENZO ZALLAZAR pero mas sanay yata siya tawagin na Enzo lang.

Sabay sabay kami kumain kasama si Leah dahil pinatawag din siya nila ni sir at habang nakain nga kami hindi pa din natigil sa pag uusap sila sir Renz at Sir Enzo nagkakamustahan sila habang si sir Enzo naman ay busy sa cellphone niya. Maya maya ay nagulat kami ng magsalita si Enzo. napabaling sa kanya ang lahat ng tingin namin.

"ano ba magandang puntahan baguio or tagaytay?" sabi niya habang pinapakita samin ang cellphone niya.

"hmm baguio sir mukang mas maganda po lalo na may mga strawberries po" mabilis na sagot ni Leah. tumango tango naman ng ulo si sir Enzo sa sagot ni Leah sabay ako naman ang tinanong niya.

"ano naman balak mo gawin sa baguio or tagaytay? bakit may girlfriend kana ba na hindi namin alam? sino?" makakasunod na tanong ni sir Renz. Pero hindi siya pinansin ng kapatid sa halip ay sakin siya tumingin at nagtanong.

"Ikaw miss? Asheng? ashna? ano nga pangalan mo? sorry di ako nakapagpakilala sayo kanina. Pero di ako masungit at snob na boss okay? Enzo na lang itawag mo sakin" sabi niya na nahihiyang ngumiti sakin at nagkakamot ng batok niya. tahimik lang nakain sila sir ashton, sir renz at leah pero nakikinig din samin.

"Sheyna ang pangalan ko po sir nice to meet you po!" sabi ko at akma makikipagkamay kay sir ng biglang tumumba ang baso ni Sir Ashton at nabuhos kay sir Enzo.

Agad na tumayo si Leah para kumuha ng pamunas pero inagaw agad ni sir ang pamunas sa kanya at siya ang nagpunas sa sarili sabay tingin sa kapatid.

"kuya Ashton naman eh parang walang mata!" sabi niya na parang naasar kay sir ashton.

"sorry! pwede ka naman magpalittapos tumitingin sakin si sir Ashton na parang ako pa ang may nagawang mali. Inirapan ko na lang siya at pagkatapos ay inisa isa na muna namin iligpit ni Leah ang mga dapat ligpitin dahil saktong tapos na din kami kumain.

Habang nagliligpit kami pasimpleng bumulong sakin si sir Enzo.
"sheyna samahan mo ako tagaytay tayo next week mag day off ka okay? please?" nagpapacute pa siya hindi ko tuloy maiwasan mapangiti sa ginawa niya.

pumayag na din ako kay sir Enzo dahil amo ko siya at baka tanggalin niya ako sa trabaho kapag tinaggihan ko siya.

"Pero bakit po ako ang gusto niyo isama andyan naman po si Leah or si ate issay at ate nomi?" takang tanong ko kay sir.

"ahm basta! wala lang tingin ko mas okay ka kasama" sabay ngiti niya sakin. At nagpaalam na matutulog na muna siya sa kwarto.

Bandang hapon naman ay nasalubong ko Si sir Ashton pero mukang nagmamadali siya hindi manlang niya ako tinignan naglalakad siya habang may kausap sa phone niya. Hinayaan ko na lang din siya at naisipan kong maglinis ng pool area nila sir kase hindi ko nalinis to simula pa nung linggo.

Pagdating ko sa pool area ay inumpisahan ko na ang paglilinis ng magulat ako ng bigla may nagdive sa pool.

"ahhhh!" napatili ako sa gulat at maya maya nakita kong umahon ang nagdive. Si sir Renz pala yun. napatalikod ako ng makita kong wala siyang suot na tshirt kundi shorts lang. Nakita ko din ang abs niya na halatang alaga sa gym. Agad ako humingi ng pasensya.

"pasensya na po sir hindi ko alam na magsiswimming po pala kayo ngayon dito. sa sunod na lang po ako maglilinis." sabi ko sa kanya habang nakatalikod pa din.

Narinig kong tumawa siya at sinabing pwede na ako lumingon dahil naka tshirt na daw siya. Lumingon ako at sumenyas siya sakin na lumapit sa gilid ng pool na agad kong ginawa.

"bakit po sir?"

"tulungan mo ako aahon ako"

"huh? pwede naman po kayo dun sa kabilang side sir umahon may hagdan naman po dun ahh" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"sige na pls haha mas malapit kase to sa towel ko para hindi na ako iikot" sabay ngiti sakin.

Agad kong inextend ang kamay ko para kapitan ni sir at makaahon siya pero laking gulat ko ng hawakan niya ang kamay ko hindi para umahon kundi isama ako sa paglubog niya sa pool. Hindi pa naman ako marunong lumangoy. Akala ko talaga lulunurin ako ni sir Renz pero agad niya ako inalalayan sa bewang ko habang tawa siya ng tawa sa kalokohan niya.

"SIR BAKIT NIYO PO GINAWA YUN?! BASANG BASA NA DIN AKO SIR! LULUNURIN NIYO PO BA AKO? ANO BANG GINAWA KONG MASAMA?" sigaw ko sa kanya na may halong inis.

lumangoy muna siya papunta sa hagdan kasama ako dahil inaalalayan niya ako sa bewang.

"galit ka ba shey? s- sorry di ko naman sinasadya balak lang kitang biruin hindi na mauulit promise!" sabi niya at mukang nag aalala din sa ginawa niya sakin.

"ayoko na ulit ng ganun sir pasensya na din po sa pagsigaw ko sa inyo" sabi ko bago umalis sa pool at bumalik sa loob.










My Dear ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon