Chapter 14

51 4 0
                                    

Pagpasok ni Nathan sa kusina ay naabutan niya dun si Leah sa aktong binato ang isang baso kaya lumikha yun ng ingay bago nagsalita.

"P##### bakit mo ba lahat inaagaw?!!!" nakatalikod siya kay Nathan kaya di niya ito napansin habang tinitignan siyang nagagalit.

Agad na nagsalita si Nathan ng mapansin niyang dadampot pa ng baso si Leah.

"Easy baka tumalsik sayo yung bubog niyan!" Napalingon si Leah at gulat na tumingin sa kanya.

"S-sir Nathan? kanina pa po ba kayo dyan? pasensya na po kayo. Nainis lang po ako sa kaibigan kong traydor na tumawag kanina" pagdadahilan niya.

"okay lang! madami pa naman tayong baso dyan! Pero wag mo naman ubusin" nilagpasan niya si Leah at dumiretso sa medicine cabinet para humanap ng gamot na iinumin niya.

"pasensya na po talaga! Sir! A-ano po hinahanap niyo? gamot po ba para kay s-sheyna?"

"nope! ako ang iinom ng gamot nasakit kase ulo ko. Ayun Nakita ko na!"

"ahh pagaling ka po sir! tawagin niyo po ako kapag may kailangan po kayo."

"sure! thank you!  ah by the way wag mo pupulutin yung mga baso baka masugatan ka gamitan mo na lang ng walis. Maiwan na kita" sabay lapag ni Nathan ng tubig sa kamay ni Leah

"inom ka muna masyadong mainit ulo mo kanina" bago nito iwan si Leah na parang baliw na nakangiti mag isa.

Para magpahinga dahil masama na din talaga pakiramdam niya.

.........

Samantala sa kwarto ni Sheyna ay mahimbing pa din ang tulog niya dahil sa lagnat niya.

Tapos na siya mabihisan at si Ashton ang nagpupunas sa mga braso ng basang towel makakatulong daw kase to para bumaba ang lagnat ni Sheyna sabi ni ate Nomi kanina at inutusan niya din itong magluto ng soup para ipakain kay Sheyna kapag nagising na ito. Kanina din ay tinawagan ni Ashton ang doctor nilang kapatid na si Zach para pumunta dito at icheck ang lagay ni Sheyna.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Sheyna at pumasok ang dalawang kapatid niya na si Renz at Zoren. Nag aalala din at nagtatanong anong nangyare kay sheyna.

"si Nathan ang may bitbit sa kanya kanina dito" sagot ni Ashton sa mga kapatid niya.

"Sana gumaling siya agad"

"pagaling kana mini"

tumingin lang si Ashton at Renz kay Zoren ng tawagin niya itong mini.

nagring ang phone ni Ashton at si Zach ang tumatawag agad niya itong sinagot.

"Sino sa inyo ang may sakit? papunta na ako dyan wait niyo ako!" sabi nito.

"wala samin ang may sakit. pakibilisan. bye" pinatay niya na agad ang tawag at pare- parehas nilang tatlong magkakapatid tinitigan ang tulog na si Sheyna.

Dumating na si Zach at agad chineck si Sheyna.

"lagnat lang dahil sa naulanan siya. Don't worry okay na siya mamaya nilagay ko na lang sa IV niya yung gamot para bumaba ang lagnat niya. Since tulog siya at di siya makakainom ng gamot." pag eexplain ni Zach sa mga kapatid.

Hinawakan ni Zach ang braso ni Sheyna dahil napansin niya kanina ang mga pasa dito.

"itong mga pasa na to di ko alam saan niya nakuha pero hintayin na lang natin siya magising"

"sino ba tong babae na to?" Baling niya sa mga kapatid pagkatapos niya icheck ang lagay ni Sheyna.

"Bagong kasambahay natin dito" sagot ni Renz.

"and? " tanong pa ni Zach kaya napatingin sa kanya ang tatlong kapatid na hindi siya naintindihan.

"I mean sobrang concern niyong tatlo sa kanya haha wag niyo sabihin sakin gusto niyo siya?" natatawang sabi ni Zach.

Sasagot na sana si Ashton kaso bigla bumukas ang pinto at pumasok si Enzo na nag aalala din kay Sheyna. Agad siyang lumapit dito.

"hon bakit naman nagkasakit ka?"mahinang pagtatanong niya sa natutulog na si Sheyna.

"Paano mo nalaman na may sakit siya?" tanong ni Renz kay Enzo.

"sinabi sakin ni ate nomi kanina kase nakita ko nagluluto siya ng soup para daw kay sheyna." sagot niya

"Teka! teka nga! anong hon? kinasal ka na Enzo at di ba ako invited? anong mga ganap na to?" naguguluhang tanong ni Zach.

"Walang nag mamay-ari kay sheyna. Usapan namin kung sino ang pipiliin niya ng kusa samin ay tatanggapin namin yun kahit ano pang dahilan niya." sabi ni Ashton.

Inalala niya ang pag uusap nila sa office nito nung nakaraan nag usap sila pero wala si Nathan ng oras na yun pinahanap pa nila kay Leah.

"so you mean lahat kayong apat Ashton? Renz? Zoren at Ikaw Enzo itong nag iisang babae na to ang gusto niyo?" Parang namamanghang sabi pa ni Zach sa mga kapatid.

Napapailing na lang sila sa sinabi ni Zach.

"Well goodluck sa kanya at Get well soon!" tinapik ni Zach ang braso ng mga kapatid bago siya nagpaalam na at magpapahinga na daw.

Hindi na umalis sa kwarto ang apat naglatag ng comforter si Renz at tumabi sa kanya sa sahig si Enzo at Ashton habang si Zoren ay sa sofa ng kwarto ni Sheyna natulog para daw mabantayan nila ito at salitan sila mag check kung bumaba na ba ang lagnat ni sheyna hanggang sa nakatulugan pala nila ang pagbabantay.

...........









My Dear ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon