Chapter 23

51 4 7
                                    

Naging kalmado na ako makalipas ang ilang minuto tapos ay inalalayan ako nila sir hanggang sa makahiga ako sa kama ng kwarto na binuksan ni sir Renz.

"tulog ka muna. Wag kana mag isip ng kung ano ano baby okay?" sabi ni sir Ashton.

"Pare goodnight! Matulog ka dyan wag kana umiyak ang panget e parang tunog pusa" sabi pa ni sir Nathan kaya nakatikim siya ng mahinang batok kay sir Zoren.

Pagkatapos nila mag goodnight sakin ay iniwan na nila ako dun.  Hanggang sa nakatulog nga ako.

Kinabukasan ay nagising akong nandito sila lahat sa kwarto parang hinihintay na gumising ako.

"goodmorning" sabay sabay na bati nila sakin ng makitang gising na ako.

"okay kana?" tanong ni sir Zach sakin

"may dinala kaming breakfast mo! kain ka muna bago tayo sabay sabay umuwi! nauna na namin pinauwi sila ate issay, ate nomi at Leah." sabi pa ni sir Zoren.

"thank you po! kayo po kumain na po ba kayo?"tanong ko sa kanila tumango naman sila.

"yup kanina sumabay kami kanila ate hindi ka muna namin inistorbo sa tulog mo para makapagpahinga ka!" sagot ni sir Lawrence sakin.

"ahh okay po" nag umpisa na ako kumain habang may kanya kanya silang ginawa naglalaptop sila sir Ashton at sir Renz mukang sa trabaho nila.

Tapos nagbabasa ng magazine si sir Zach habang katabi naman niya si sir Lawrence at sir Zoren na busy sa mga phone. Tapos si sir Nathan naman nakatulala lang habang may hawak na lighter niya at pinaglalaruan yun nakatingin pa siya kay sir Enzo.

Tumayo si sir Enzo at nilapitan ako. Habang sinusundan siya ng tingin ng mga kapatid niya.

"hon galit ka ba sakin? sa nagawa ko kagabi? pero di ko na kase mababawi yung pera na yun? I'm sorry..kung iniisip mong sisingilin kita! hon hindi kita sisingilin dun promise! patawarin mo na sana ako" pagmamakaawa niya sakin.

Marahan akong umiling sa sinabi niya.

"Hindi po ako galit. Naisip ko lang na malaking halaga ang binigay niyo hindi ko po alam paano ako makakabawi sa lahat ng yun. Tsaka wala akong karapatan magalit dahil tinulungan niyo lang naman ako. Kaya maraming Salamat po sir Enzo" sincere na sabi ko sa kanya habang nakatitig ako ng diretso sa mga mata niya.

Agad nagliwanag ang muka niya na parang ang saya niya na hindi ako galit sa kanya.

"Thank you hon!" sabi niya lang habang nakangiti sakin.

Mabilis lumipas ang araw. Halos mag 2 month's na din simula ng matapos ang nangyare sa birthday ni sir Renz at hindi na din naman nagpakita pa yung Celine tapos hindi namin pinag usapan nila sir ang about sa utang kase tinapos na talaga ni sir Enzo yun. At ayun talaga sinermunan ko ng matindi si Grace nung nag day off ako at nagkita kami pasalamat siya at mahal ko siya kaya pinatawad ko na siya sa ginawa niya.

Kasalukuyan akong nagliligpit ng mga plato dito sa kusina. Biglang pumasok si Leah nginitian niya pa ako at binati.

Pero hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako na makita siya ngayon. Kase matagal na niya ako iniiwasan e at hindi kinikibo kapag hindi tungkol sa trabaho ang babanggitin ko sa kanya.

"hi goodmorning! ang ganda mo yata ngayon? hmm may gusto lang sana ako sabihin sayo. Saktong sakto na maganda ka ngayon.." sabay lumapit siya sakin at hinahaplos pa ang buhok ko bago siya bumulong sakin

"kase sisiguraduhin kong ito na ang huling araw mo sa bahay na to" sabi niya at nagulat ako na may hawak pala siyang kutsilyo sa kabilang kamay niya na hindi ko napansin. Mabilis niyang sinaksak sa sikmura ko yun. Nakita kong ang daming dugo ang umagos sa katawan ko nanginig ang kamay kong duguan na pilit pinipigilan si Leah at sobrang sakit ng mga sugat ko. Tatlong beses niya ako sinasaksak hanggang sa dumilim ang paligid ko.

..........

Bumaba si Zoren na bagong gising dumiretso siya sa kusina para kumuha ng maiinom at tignan kung sino ang nagluluto ng breakfast nila. Kaso iba ang nakita niya dun gulat na gulat siya sa nakita. Si Sheyna na duguan walang malay tapos si Leah na may hawak na kutsilyo.

"PUT#####!!! SHEYNA!!!!" Sigaw niya bago tinulak si Leah ng malakas. Nabitawan ni Leah ang kutsilyo.

"H-hindi ko po sinasadya... I-im sorry" nanginginig ang boses na sabi niya.

"ZACHHH HELP ME HERE!!!!!" sigaw pa ni Zoren tinatawag si Zach habang natatarantang nakatingin kay Sheyna.

Maya maya natatarantang tumatakbo ang magkakapatid at lahat sila halos mapamura nung nakita si Sheyna na ganun.

"Zach P-please s-save her!" umiiyak na sabi ni Ashton habang nilalapitan din si Sheyna.

Mabilis na lumapit si Zach at tinignan ang pulso ni Sheyna pati ang paghinga nito saka niya hinubad ang suot na shirt para gamitin itong pang bigay pressure sa sugat ni Sheyna para hindi magtuloy tuloy na maubusan siya ng dugo. Tapos ay nag utos siya kay Renz na tawagan ang ambulance at agad nito iyong ginawa kahit na siya ay parang nawawala din sa sarili dahil sa nakitang kalagayan ni Sheyna.

tatakbo na sana si Leah palabas ng bahay at umiiyak pero mabilis na nahawakan siya ni Nathan sa braso niya ng mahigpit habang matalim ang tingin nito sa kanya.

"ano sa tingin mo ang ginawa mo!?! at balak mo tumakas sa krimen na ginawa mo dito mismo sa bahay namin!?!!!bakit mo ginawa yun sa kanya?!!" galit na tanong nito.

My Dear ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon