Daerin POV
Last Friday nagcelebrate kami ni Roize ng fifth monthsary namin. Akalain mo yun nakafive months na kami. Parang kailan lang nong una ko siyang makita. Nung di ko pa siya magawang tingnan sa mata nung unang beses na nagreherse kami. Nung una ko siya nakitang magpacute nung kumain kami sa fastfood.
Napangiti ako.
Kahit kailan hindi sumagi sa isip ko na magkakaroon kami ni Roize ng gantong klaseng koneksyon, gantong klaseng relasyon. Hindi ko alam kung kailan ako nagsimulang mahulog sa kanya. Nung oras na tinanong niya ako kung pwede ba daw ba niya ako maging girlfriend I didn't think twice, I answered "Yes" right away.
At hinding hindi ko pinagsisihan yun. Araw araw mas lalo akong nahuhulog.
"Hoy! Tulala ka nanaman!" hinampas ako ni Shane sa balikat, na siyang nagpabalik sakin sa kasalukuyan.
Nasa school open court kami ngayon. Naghihintay na magsimula ang flag ceremony. Kumpleto na ang bawat section ng iba't ibang year levels. Ang tanging hinihintay nalang ngayon ay ang representative nang Grade 8 na siyang nakaasign na maglelead para sa araw na 'to.
Nginitian ko lang si Shane.
"Iniisip mo nanaman yung boyfriend mo. May pangiti ngiti ka pa dyan." mapang-asar na sabi niya.
"Hinaan mo nga yung boses mo, baka marinig ka nang mga bata." pabulong na sabi ko at saka tumingin sa paligid, nakita ko namang may sari-sariling pag uusap ang mga estudyante ko.
"Basta Rin Rin, sinasabi ko sayo, dancer siya, gwapo, hindi natin alam baka—alam mo na." nadama ko naman ang concern sa kanyang boses.
"Shane hindi siya ganun." and I gave her an assuring smile.
At nakita kong may pumwesto na sa harap.
—————————-
Wala akong klase para sa last subject ngayong araw na 'to kaya naman ay nandito lang ako sa aming faculty. Im cheking the quizzes I gave to my classes earlier this morning when i heard my phone beep.
"Im here. Sa parking lot :)"
It was Roize. Agad kong tiningnan ang wall clock, it reads 3:00pm Thirty minutes pa bago ang uwian. I replyed.
"Bakit ang aga mo?"
After a few seconds, my phone beep again.
"I miss you."
And there, those three words made the butterflies in my stomach go wild again. I tried to hide it by typing...
"Cheesy mo!"
After thirty minutes, Im off to go. Agad akong nag out sa biometric time clock namin.
Agad ko namang nakita si Roize na nakasandal sa kanyang itim na kotse. Nag madali akong lumapit sa kanya. He opened his arms thinking that I was gonna hug him but no. Pumunta ako sa kabilang banda at agad na pumasok sa shotgun seat.
I heard him sigh when he got in.
Pinatong ko ang kaliwang kamay ko sa kanya.
"Im sorry."
He just sighed again.
Ganto lagi ang nagyayari kapag sinusundo niya ako. Gusto niya ako lagi salubungin ng yakap, sabi niya nga kahit yakap nalang, pero kahit yun hindi ko maibigay sa kanya. Nasasaktan akong makita siyang nasasaktan, pero iniisip ko pa rin kasi yung sasabihin ng ibang tao, lalo ng ng mga estudyante ko. Sa school lang naman ako ganto, sa school ko lang naman siya hindi hinahayaan na halikan o yakapin ako.
He didnt say anything at pinaandar na agad ang kotse. Nang makalabas kami ng school grounds ay agad akong lumapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.
"Sorry na." i said while pouting.
"Seatbelt mo." he said then he grab my hand and kissed it. He then looked at me then smile.
I knew it, he cant resist me.
We've been driving for a while now, sa rutang hindi ko alam, kaya napaisip na ako.
"Saan tayo pupunta?" I asked habang patuloy na kinikilala ang kalsadang aming tinatahak.
"Secret" saglit niya akong tiningnan at kumindat pa ang loko!
******************************
Sorry po ang lame nito, pero may continuation pa po to :)