Daerin's POV
Saturday ngayon at may practice ako sa D Floor, kaya nagpeprepare na ako para makapunta na ako agad dun.
By the way yung about dito sa D Floor. Hindi ko yun pag-aari ok?
Napunta ako dito dahil sa isang pangyayari.
*Flashback* (4th year college)
Nandito kami ngayon ni Shane sa isang bar. Pero hindi ito yung bar na katulad ng iba. Sabihin na nating yung bar na to ay para sa mga matitinong tao.
Kaya siguro "Peacers" pangalan nito.
Nandito kami ngayon dahil... broken hearted si Shane. Actually first time nga namin to ni Shane pumasok sa bar eh.
Ito rin yung first time na nakatikim ako ng alak. Oo damay ako.
"Daerin, bakit? *sobs* I tried my best to make our relationship last *hik* p-pero bakit *sobs*?" nakainom na si Shane pero wala pa naman siguro siyang tama.
"Shane, baka naman may valid reason siya?" hindi ko rin alam kong bakit nakipagbreak si Kris, kasi ayon sa nakikita ko mahal nila ang isa't-isa.
"B-bakit di niya sabihin sakin*sobs*?"
--------------------
At yun na nga nauwi sa girl drunk talk ang mga sumunod na pangyayari. Oo napainom na rin ako.
Hanggang sa tumunog yung favorite dance song ko.
*I wanna dance inlove
And dance again* Hindi ko alam pero parang tinatawag ako ng dance floor.
Kaya pinuntahan ko to. At nakipagusap ako sa dance floor sa pamamagitan ng sayaw.
Maya maya lang, napansin ko na lang na nakapalibot na pala yung mga tao sakin at pinapanood ako. Nung napansin ko yun agad akong huminto at yumuko.
May babaeng lumapit sakin.
"Excuse Miss, can I talk to you?" HALA! mali na bang sumayaw? (O0O)
*End of Flashback*
And that talk leads to them getting me as their dancer. Kaya ngayon D Floor na ang pangalan ng bar, ako ang main attraction dito.
Pero nakalagay sa agreement namin na, wala dapat makakaalam ng basic and personal infos ko at mag peperform lang ako every weekend.
Siguro nagtataka kayo kung bakit bigla bigla nalang ako sumayaw no? Actually hidden talent ko lang talaga yun. Kaso nga nalasing ako,hind ko iniexpect na bigla nalang siya lalabas. Ayaw ko na may nakakakitang saking sumasayaw dahil nga sa Nerd Image ko. Baka sabihin ng mga tao "Sus, nasa loob pala kulo ng babaeng yan."
Kaya tuwing nagpeperform ako eh puno ng make up yung mukha ko.
FAST FORWARD
Nandito na ako ngayon sa practice room. At nga pala sa performance lang ako nakamake up. Kaya kilala ng mga back up ko yung totoong Bang D, sa mukha.
And by the way, Im not wearing my Ma'am Ursula get up today ok?
Syempre kailangan naka sweat pants ako. Alangan namang mag floor length skirt ako habang sumasayaw.
"Hi" bati nila sakin, nagsmile lang ako as an answer.
"D" tawag sakin ni Dyna
"Yes?" ni lingon ko si Dyna na kakapasok lng sa pintuan. Si Dyna yung anak ng original na may ari nitong bar nato at halos magkasing edad lang kami.
"Bago partner mo ngayon ah." at tuluyan na nga siyang lumapit sa kin.
"Bakit?" takang tanong ko.
"Chase can't come." Si Chase palang yung unang naging kacollab ko sa stage. Kaya hanggat maaari sana ayaw ko siyang palitan. Dahil hanggat dumadami yung mga taong nakakakita ng BARE FACE ko lalong nalalagay sa kapahamakan ang LISENSYA ko.
"And where is he?" Eh wala naman akong nakikitang bagong mukha dito.
"His on the way."
So naghintay kami ng ilan pang minuto. At salamat dumating na rin siya. Kibagobago late.
"I told you Im not going to have pratice if Bang D's not here." bungad niya pagkapasok na pagkapasok niya ng pinto.
"I-im here." medyo utal nasabi ko. Yung pagkasabi niya kasi nun para may authority, may diin.
O.o "Your Bang D?" sabi niya sabay lapit sakin. Take note, SOBRANG LAPIT, napasandal nga ako sa salamin eh. Tapos kung makatingin sakin kala mo kinakabisado yung facial features ko.
"Thats Bang D, without make up.Roize" sabay kaming napalingon kay Dyna. Roize pala name niya
"OK." sabay layo
"Lets start." ano ba tong lalaking to? Mood swings?
So yun nga. umupo muna kami sa isang tabi at pinanood yung magiging routine namin. after ng dalawang ulit.
"Ok, I get it. Lets get started." biglang tumayo tong si Roize tapos naglahad ng kamay sa harap ko.
"Wait isa pa!" sabi ko kay kyle na siyang nag piplay ng video.
"Akala ko ba magaling ka bat yun lang di mo makuha?" aba nakakainsulto to ah.
Alam ko na naman talaga yung sayaw eh. Hindi ko lang alam kong pano ko gagawin, I mean ang awkward kasi bago siya eh.
"Fine!" I grab his hand.
We start dancing. Kuha na nga niya yung routine. And I think the awkwardness is melting, I mean parang gumagaan na yung loob ko sa kanya.
And when we reach the part na para kaming magka back hug., may binulong siya sakin.
"I like your bare face." and I think that made me blush.
"Your cute when you blush." Shocks! nakita niya?
Dummie! nakaharap pala kami sa salamin. Nung tumingin ako sa salamin, our eyes meet, he smile pero binawi ko agad yung tingin ko.
We continue dancing. After ng ilang ulit, nanghingi ako ng water break kay Dyna. Umupo ako sa isang sulok kung saan nakalagay yung mga gamit ko.
"Hey." biglang lumapit tong si Roize. Tiningnan ko lang siya.
"I know you already know may name, but were not introduce formally. So, Im Roize" sabay lahad ng kamay.
"Bang D. call me D for short" I accepted his hand.
"True name ko yung sinabi ko sayo, so you should also introduce with your true name not your stage name."
"I can't" cold na sagot ko.
"Why?" kunot noong tanong niya
"I just can't" at nanatili lang akong nkayuko.
"Ok, water breaks done. Last run na to guys." sigaw ni Dyna. At tumayo na rin ako.
And again we dance. Pagdating sa part ulit na parang nakayakap, may binulong nanaman sakin si Roize.
"Pag di mo sinabi sakin yung true name mo before this day end, I'll make sure that you will be surprise in our live performance "
Tumingin ako sa salamin, when i saw his eyes kinabahan ako. Dahil sa mata niya nakita kong seryoso siya.
Natapos ang araw na hindi ko nasabi, correction, sinabi sakanya yung pangalan ko.
Should I be nervous? Ano kayang balak nung WEIRD na lalaking yun?