Roize POV
Sunday morning may practice. Mamaya na nga pala yung performance.
So, I am driving now, papunta sa D Floor, para nga sa practice.
Makikita ko nanaman siya. that thought made me smile
Nung makarating na ako sa D Floor, umakyat ako agad sa practice room.
"Wala pa siya?" tanung ko dun sa mga back up
"Every Sunday, hapon na pumupunta dito si D. Mabait kasi yun eh nagsisimba hahahaha" sabi ni Kyle na halatang kuntodo practice dahil pawisan na.
"Sige, babalik nalang ako mamayang hapon." Parang nabadtrip ako bigla eh, kaya sinara ko yung glass door ng practice room at umalis na nga ako.
Pumunta ako sa malapit na Zen Tea ayaw ko muna kasing umuwi. Wala rin kasi akong ginagawa dun sa unit ko.
Nag order na ko ng maiinom ko at saka umupo sa labas.
"Bang D, Bang D, Bang D...Bakit yung excitement ko kanina habang nagdadrive napalitan ng inis nung dumating akong wala ka?"
*sip* *sip*
"Bakit kita iniisip kahapon at ngayon?"
*sip* *sip*
"Bakit pagpumipikit ako ikaw nakikita ko?"
*sip* *sip*
"Bakit pagnakikita kita gusto kitang---"
"HOY!"
"F*ck!" napatayo ako sa gulat.
"Daming tanong, isa lang naman sagot." ang gag*ng si Chase pala.
"What do you mean?" anong pinagsasabi nitong baliw na to?
"Your inlove dude." sabi niya at umupo sa harapan ko.
"TSS. Chase. I've been inlove and Im telling you. The feelings not mutual." yeah I really have been inlove, BEFORE.
"Ive been inlove too, and Im telling you that it all starts there."
--------------------
Bumalik na ko dito sa D Floor, after namin magkita ni Chase sa Zen Tea, umuwi ako sa condo ko para mag isip isip. Pero wala, lalo ko lang siya gusto makita. Nung tumingin ako sa wall clock 3 na kaya pumunta na ko dito.
Pagdating ko,wala pa rin siya. Pero after ng kulang kulang isang oras siguro dumating na rin siya.
"Bat ang tagal mo?" salubong ko sa kanya.
"Eh kasi after namin magsimba nagmeryen-- Teka nga bakit ba ko nagpapaliwanag sayo?" balik na tanong niya sakin.
"Hay nako D, kanina ka pa niyan hinihintay, bored na bored na nga yan eh." sabat naman nitong si Jake, isa rin sa mga back up.
Sinamaan ko ng tingin si Jake at sinagot niya ako ng ok-behave-na-ko look .
Binalik ko yung tingin ko kay Bang D--shet I dont want to call her that. Hinawakan ko yung wrist niya tapos inakay ko siya sa labas.
"O-Oih, San tayo?" takang tanong niya habang hinihila ko siya.
"Kakain." simpleng sagot ko lang.
"Tapos na ko, kaw nalang." Huminto ako sa paglalakad.
"Kanina pa kita hinihintay, hindi pa ako naglalunch kaya sasamahan mo ko kumain." Tapos hinila ko na siya ulit.
Hindi na siya umimik hanggang sa makalabas kami ng D Floor
"Sinabi ko bang hintayin mo ko?" nakapasok na kami sa kotse ko nung nagsalita ulit siya.
"Just please..." yun lang ang sinabi ko at pinaandar ko na yung kotse.
Buong byahe namin tahimik lang siya.
Nakapagpark na ko . Lumabas ako ng kotse para pagbuksan sana siya, kaso lang pagpagsara ko ng pinto sa drivers seat binuksan niya naman yung pinto sa passenger. Tapos nauna na siyang maglakad. Tumakbo ako para masabayan siya.
"San mo gusto kumain?" tanong ko nung maabutan ko na siya. Wala parin siyang imik. Is she mad?
"Are you mad?" tanong ko.
"Bat ako kasi tinatanong mo? Eh diba ikaw ang may gustong kumain?" paismid na tanong niya sakin. So galit nga siya?
Hinawakan ko yung balikat niya at tinanong siya.
"Ayaw mo kumain?"
"Eh kasi nga kaka--" medyo nakapout na na sabi niya.
"Tara na." parang nawalan na ako ng ganang kumain dahil ayaw niya kaya naglakad ako pabalik ng parking lot.
Binilisan niya yung lakad niya at huminto siya sa harap ko.
"O- Oih di ka kakain?"
"Di na." kaswal na sagot ko lang
"Bakit?"
"Kasi ayaw mo." totoo naman yun eh. Nawalan ako ng gana nung nalaman kong ayaw niya.
"O sige na sige na kakain na ko."
"Wag na napipilitan ka lang eh." hinawakan ko yung kamay niya at nagsimulang maglakad na pabalik ulit ng parking lot. Ewan ko ba pero parang nasasanay na akong hawakan yung kamay niya. Ang gaan kasi sa pakiramdam pag hawk at nakakulong yung maliit niyang kamay sa kamay ko.
"Hindi, tara na KFC tayo." this time siya naman yung humila sakin pabalik at patungo sa KFC.
Parang automatic na tumaas yung sulok ng mga labi ko. Bumalik yung happy and excited mood ko na nawala nung dumating ako sa practice room na hindi ko siya nakita.