Shane's POV
Break na namin ngayon pero wala parin si Daerin. 10 minutes late na siya.
"Good Morning Ms. Lou" I just smiled
Oo Miss lang din tawag sakin ng mga estudyante ko, same reason as Daerin. Pero yung sakin apelyedo gamit ko. Shane Lou kasi fullname ko.
Nilabas ko yung phone ko kasi itetext ko na sana si Daerin, Pero nakita ko na siyang pababa ng hagdan.
Tumingin siya sa pwesto namin, nginitian ko siya, ngumiti rin siya pero halatang pilit.
"Si Jaedy ba?" tanung ko pagkaupo na pagkaupo niya sa harap ko.
"Huh?" tingnan mo to. Alam ko namang alam niya ang ibig kong sabihin eh. Nagkukunyari pang hindi.
"Si Jaedy, tinawag ka nanamang Ma'am Ursula?" tumango lang siya.
"Naku yang bata na yan namimihasa na ah. Kausapin na kasi natin yung principal." sabi ko sabay kuha nung maon n binilil ko.
"Wag na Shane, hayaan nalang natin siya." tapos kumuha rin siya nung mamon na binili ko para sa kanya. Ako na yung bumili ng foods namin kanina kasi pagdating ko wala pa siya eh.
"Hayaan eh nakakasakit na siya eh." marahas kong kinagat yung mamon. Kawawa naman nadamay pa tuloy siya sa galit ko :3
"Kumain na lang tayo."
At nagsimula na nga kami kumain ng tahimik. Enjoy-in ko nalang tong mamon ko.
Simula nung nagtrabaho kami ni Daerin dito, ginaganyan na siya nung Jaedy na yan. Siya nga nagpauso ng Ma'am Ursula na tawag ka Daerin eh.
Pagsinasabi ko kay Daerin na kausapin yung pricipal tungkol sa ugali ng batang yun ang lagi niyang sinasabi "Hayaan nalang natin siya."
Ilang beses ko na rin talagang muntik muntikang kausapin yung batang yun para madala sa guidance pero itong si Daerin, ang mabait kung bestfriend na sa sobrang bait eh ok lang na nasasaktan na siya ay lagi akong pinipigilan.
Sabi niya, baka daw hindi napapansin yung bata sa bahay nila kaya dito kumukuha ng pansin. Ang sabi ko naman kailangan talagang kausapin yung bata pagganun pero ayaw talaga niya.
Kaya hindi rin tumitigil yung bata kakaasar sa kanya eh, kasi wala siyang ginagawa.
Pero hindi ko siya masisisi sa kabaitan niya. Dahil noong high school palang ganyan na talaga yan. Hindi ko alam kung ano ba talagang tawag sa ugali niya eh, kung 'bait' ba? 'mapagparaya'? o sadyang 'duwag' lang siya?
She was being bullied when I first saw and meet her.
FLASHBACK
"Yan! yan yung sapatos nung transferee." sabi ni Princess. nandito kami sa washroom kasi kakatapos lang nung swimming class namin at kailangan na naming magbanlaw para sa next subject.
Kinuha ni Joan yung sapatos ni Daerin yung bago naming classmate. Nanatili lang akong nagmamasid sa gilid ng mga locker.
Nung saktong aalis na dapat si Joan, biglang lumabas si Daerin sa cubicle.
"Joan, saakin yan." mahinahon niyang sabi.
"Alam namin. Kinuha niya dahil inuusan ko siya. Joan! ibato mo yan sa poo!" sigaw ni Princess.
"T-teka--" pero wala na. Nabato na ito ni Joan sa pool.
"Hoy Princess!" di ko na napigilan pa yung sarili kung di manghimasok.
"Shane?" at napahakbang siya paatras.
"Bakit mo ginawa yun?" sabi ko at naglakad ako palapit kay Daerin.
Hindi naman sa siga ako no? Kilala lang talga ako bilang palaban sa school..
"Hayaan mo na, kukunin ko nalang." sabi ni Daerin at akmang pipinta na sa pool side pero pinigilan ko siya sa paghawak sa braso.
"Ok lang sayo? ok lang sayo na ginaganyan ka? ok lang sayo ni binubully ka?" tanong ko.
"I-isusuot ko nalang yung slippers ko sasabihin ko nalng nalag--"
"So ok nga lang?"
Hindi siya sumagot. nanatili siyang nakatayo at napayuko.
"Puwes sakin hindi" at sinugod ko si Princess.
END OF FLASHBACK
Sinugod ko si Princess pero di ko siya sinaktan ah. Baka sabihin niyo basagulera ako. Dinala ko lang siya sa guidance office, para san? para mabigyan siya ng GUIDANCE.
hahahaha ^^V
Shane Lou on the side ----------------------------->