Daerin POV
Roize is killing me!!!!
He was gone for about a month, di siya sumasama sa barkada niya sa D Floor. Di nagparamdam, ni blankong text wala. I missed him like crazy.
Then right now, he will suddenly show up in the most unexpected time, with a revelation, saying Jaedy is his niece. Jaedy, my student who hate me for a unknown reason.
He treated me ice cold, which makes me feel like he doesn't know me at all.
Then after a awhile he turned into this naughty Roize that I know. Whistling in a meeting, winking at me and telling me that we're going out.
What's up with him?
He park his car in a Korean barbecue restaurant. Nauna siyang lumabas at pinagbukasan niya ako ng pintuan ng kotse. I felt his hand at the small of my back, leading me to the entrance.
Pinili naming maupo sa medyo dulo, sa bandang corner ng restaurant.
"So obviously Korean ka, because of your name. And i thought you might like this place." sinabi niyang nakangiti.
"Not really, we have our own korean restau. Pero yes, i missed it, specially yung luto ni papa." i said whiile playing with my fingers under the table.
"Dapat sinabi mo para dun nalang tayo pumunta. Edi sana nakilala ko pa yung future in laws ko." i looked up when he said that and for the second time he winked at me.
"Roize-" naputol ang sasabihin ko sana ng biglang dumating yung waiteress.
"Can i get your order Sir, Maam?" tanong nung waitress. Inilahad ko ang aking palad at itinuro si Roize. agad namang natuon ang atensyon ng waitress kay Roize, nahihintay.
"Dalawang order ng Sam-gyop-sal, isang Bul-go-gi, paki bigyan na din kami ng Lettuce Wraps. Umiinom ka ba ng Soju Daerin?" baling sakin ni Roize. Tumango naman ako bilang sagot.
Inulit ng waitress yung inorder ni Roize, matapos maconfirm ay agad na itong umalis. Biglang nagseryoso ulit yung aura niya, parang yung aura niya kanina nung una kaming nagkita, yung aurang mala-business man. Dominant.
"Im trying to make this date as casual as possible. Gusto kita makausap na para mo lang akong kaibigan. Feel comfortable Daerin, I need you to trust me. Do you?" he looked at me directly in the eyes.
Sa tanong niyang 'yon, kinutuban ako. Parang alam ko na kung sana pupunta tong usapang 'to. At ang tanong nga ay...
Do i? Do I trust him?
Kailan lang kami nagkakilala ng lalaking 'to pero may nagsasabi saking iba siya. Simula pa lang nasabi ko na na iba siya. Noong una sinabi kong iba siya dahil, I find him weird. Pero ngayon iba na, hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nag iba. Hindi nalang siya yung magaling sumayaw, makulit, mapilit at weirdong lalaking nakilala ko.
Siguro nasimula ang lahat nang 'to sa simpleng nakaw na halik. Dahil dun, kinailangan ko pang umabsent sa trabaho, napakababaw na dahilan ano? Ni sa sarili ko di ko din masabi kung bakit ko yun nagawa. Sa hindi niya pagpaparamdam sakin ng ilang araw, linggo hanggang sa umabot ng isang buwan, napagtanto kong hindi nalang basta isang dance partner ang tingin ko sa kanya. He became special to me.
But do I trust him enough to tell him my darkest secret? Kaya niya kayang itago kung ano man ang aking tinatago?
Bumuntong hininga siya na nagpabalik sakin sa realidad
"You see, Daerin i want to know why you're doing this. Why—" i cut him.
"I trust you Roize."