SIMULA
Pilipinas. March 22, 20xx.
Nakasandal ako ngayon sa salamin ng bintana ng sinasakyan naming van. Makulimlim ang langit at tila nagbabadya ang isang malakas na ulan. Nakatuon ang paningin ko sa mga dumadaang mga sasakyan. Marahil ang ilan ay papauwi na sa kani-kanilang probinsya o hindi kaya naman ay nagbabakasyon na. Hindi katulad sa America, simula na kasi ng Summer dito sa Pilipinas sa buwan pa lang ng Marso.
Patungo kami ngayon sa isa sa mga probinsya ng aming angkan dito sa bansa. Aabutin lang ng isa't kalahating oras galing ng siyudad kung dadaan ka sa Transcentral Highway. For fear of my safety kaya sa coastal road kami dumaan at mga dalawang oras ang itatagal bago kami makarating.
Sa pagkakaalam ko may kalakihan ang land area nito at karamihan sa mga nakatira roon ay nagtatrabaho sa mga paktoryang pagmamay-ari, kung hindi man ng aming angkan ay ng aming mga kaalyado. May pagsasaka, mga rancho at pangingisda pero mas dumarami na raw ngayon ang pang-industriyang pangangalakal kung saan ini-export pa sa ibang bansa ang mga produkto.
"One more hour and we'll be arriving at the Cross Estate, Master Aya," narinig kong sambit noong isang butler ng pamilya na sumundo sa akin sa airport. I think he said his name was Nestor.
Nakasalamin ito, may katandaan na rin at nakasuot ng uniporme ng mga butlers namin, the family crest pinned on his left chest. Silang dalawa ng driver ang sumundo sa akin sa Mactan International Airport. Ang sabi ay nasa meeting pa raw si Gene at hindi makakapunta para sunduin ako. Okay lang naman sa akin kasi in my twelve years of existence, sanay na sanay na akong mag-isa.
Nginitian ko ang matanda bago sinagot, "Ugh, actually, it's 'Lady' not 'Master'."
Unti-unti namang nawala ang kulay sa mukha nito nang marinig ang aking sinabi.
Hindi na bago sa akin ang mapagkamalang lalaki. Aside from my boyish looks and ways, it's a known fact that our family is a family of dragons. Ibig sabihin nito, sa bawat henerasyon, pawang lalaki lamang ang mga naipapanganak. Hindi naman dahil sa pinapatay nila ang mga babaeng punla, it's just that, in over a hundred years, lalaki lang talaga ang nabubuhay. Ang sabi ng mga matatanda, masyado dawng malakas ang chi ng angkan kaya kapag naipasa ito sa babaeng punla, hindi nito kakayanin.
Then, why am I still alive? Well, it's because I'm a curse... Or at least that's what the whole clan calls me.
Ilang sandali pa ay biglang bumaba si Mang Nestor sa kanyang pagkakaupo, lumuhod sa aking harapan at kaagad na yumuko nang malalim.
"Your utmost apologies, Lady Aya. I wasn't informed that the family member we were expecting was in fact a lady," he stuttered a bit after he said that last word before proceeding, "E-even so, that shouldn't have been a problem if I were competent enough to notice the difference. Please accept my sincerest apology," halos nakahalik na ito ngayon sa sahig ng sasakyan sa kanyang kakayuko.
"Err... it's no big deal, really. I get that all the time," kamot-batok kong sambit, "I've always liked to keep my hair short. Plus I'm never fond of dresses... Maybe that's why they've always mistaken me for a boy," tumawa pa ako ng kaonti pero nanatili pa ring nakadikit ang ulo ng matanda sa sahig.
Napuna ko ang panaka-nakang pagmasid ng driver sa kanyang rear view mirror. Maybe he was curious about the 'lady' Cross.
"Please, raise your head. There's no need for kneeling. It's a common mistake. I don't really mind," sabi ko na lang ng hindi pa rin kumikilos ang matanda.
It has always been this way. Unless I tell him he's forgiven, he'll never raise his head again. That's the Cross' way.
Humugot ako ng malalim na hininga.
BINABASA MO ANG
Paper Stars (Self-Published)
General FictionWATTYS 2018 WINNER The Heroes Category Synopsis: For a lot of people, a name holds the very meaning of a person's existence. It's a word that defines who you are and can dictate what you're going to be in the future. But for Arianne Michelle, the na...