Kabanata 8

2.4K 83 6
                                    

KABANATA 8



Nasa itaas pa ako ng puno ng sakura as I watched Reign drove off on his motorcycle. Hindi mawala-wala sa mga labi ko ang labis na saya. Iniisip ko pa lang na makakabalik pa ako roon para makalaro ang iba pang miyembro, nae-excite na ako.

If I ask him, would he teach me how to fight? Or at least teach me how to do the eye thing? I could really use that someday. You know, give shivers down the spines of those who belittle me.

Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni nang makarinig ako ng kaluskos ng mga dahon. Agad naman akong napalingon sa dakong iyon.

"Aya? Is that you?"

Napakurap ako nang marinig ang boses ng isang lalaki.

"Aya?"

Napaawang ang bibig ko nang makita ko si Himamura na nakatayo sa isang sangang hindi kalayuan sa bintana ng library.

"Anong ginagawa mo rito?" I asked in a hushed tone.

"I was worried when you fell I immediately followed—" nasapo ko ang noo ko sa narinig.

Ilang oras din akong nawala. Sigurado akong kanina pa kinakatok nila Gene ang pintuan ng library. At dahil sinundan nga ako ng isang ito, siguradong nagwawala na iyon nang walang sumasagot sa mga katok niya. Worse, baka nagkakasagutan na naman sila ni Dice.

"Well, I'm here now. I'm fine. I'm safe. So, let's hurry down and get back inside bago pa nila malaman iyong pagkawala ko kanina," I said as I started my descent.

"Uh..."

Asar ko siyang binalingan nang marating ko na ang sangang kanyang tinatayuan.

"Um, before I went after you, I told Gene and the others that you told me to tell them to leave you alone until you decided to come out yourself. Somehow, they believed my story so they probably won't be knocking on that door anytime soon," anito na bahagya pang napaatras sa lapit naming dalawa.

Mataman ko siyang tinitigan.

"Bakit hindi mo na lang sinumbong kay Gene na nahulog ako? He'll immediately run to where I've fallen, for sure. Kailangan mo pang pahirapan ang buhay mo," pagod kong sagot rito.

Dinungaw niya ako pero kaagad niya ring iniwas ang paningin niya sa akin. Kaagad din siyang humakbang palayo.

Nandidiri ba siya sa akin? Bahagya akong napaatras sa natanto.

Of course. Sino bang hindi iiwas sa isang katulad ko? Baka makapitan ko pa siya sa sumpang hawak ko. Inilipat ko na lang ang aking paningin sa mga sakura.

"Whatever your reason is, thank you," malamig kong tugon dito.

"Uh—"

"But next time, do yourself a favour. Stay away from me. If you don't want trouble, don't come near me. Stay away," hindi ko matanggal ang pait sa aking pagkakasabi.

Tinalikuran ko siya at nagsimula na uli akong bumaba nang hawakan nito ang aking braso. Napatingin muna ako sa dakong iyon bago ko binalingan ang kanyang mukha.

He's sporting a hurt expression. Agad na kumunot ang noo ko sa nakita.

"Nasugatan ka ba pagkaakyat mo?" Hindi ko mapigilang mainis.

I just can't understand why he went through such lengths when he should have been staying away from me. Maybe because he felt responsible being the last person I was with before that epic fall?

Paper Stars (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon