KABANATA 36
Nag-almahan ang mga tao sa huli kong pahayag. Lahat sila ay hindi makapaniwala rito habang ang leader naman nila'y tahimik lang na nakatitig sa akin, like the calm before the storm.
"Kailan mo pa naging kaibigan ang isang 'to?" Agad na nagsipagtahimik ng nagsalita na ang kanilang hari.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya bago sumagot, "Importante pa ba 'yon?" I moved to release the devil, who by this time was struggling, from the King's clutches.
"Impor--" He stopped midway through his words. Muli akong bumaling sa kanya at nakita itong mariing napapikit bago humugot nang malalim na hininga na tila nagtitimpi.
Ilang sandali lang ay padarag nitong binitawan ang hawak.
Agad kong inalalayan si Drake nang muntikan itong mapaupo sa lupa. Napaawang naman ang bibig ng hari nang makita ang aking ginawa.
"Nababaliw ka na ba, Ian? Nakalimutan mo na ba kung anong ginawa ng lintek na ito sa atin? Muntik ka ng gripuhan ng gagong--"
Marahan kong sinapak ang balikat ni Drake nang bigla itong bumungisngis nang banggitin ni Reign ang aking pangalan. Maging iyon ay hindi nakawala sa paningin ng hari. The expression in his face told me he didn't like what he just saw.
Nang masigurong maayos na ang aking katabi, agad ko namang inalis ang pagkakahawak dito at saka tumikhim. "Matagal na iyon, Ren. Hindi ba pwedeng kalimutan na lang natin--"
"Seryoso ka ba, Ian?" Mapait na tugon ni Cecilia na tumabi kay Reign. Humalukipkip ito at may matigas na ekspresyon sa mukha habang palipat-lipat ang tingin sa amin ng aking katabi, "Gusto mong kalimutan ko na lang na muntikan na nila akong ginahasa?"
The pest on my side shamelessly snorted his amusement. I sharply stared at him but he still continued his mirth. May death wish yata itong isang 'to!
"Rape? Come on! I barely did anything to you!" Utas nito na agad na umani ng bayolenteng reaksyon mula sa mga tauhan ng hari.
Pumagitna agad ako at iniharang ang sarili para hindi nila ito malapitan. Namilog ang mga mata ng aking mga kaibigan sa aking ginawa. I bit the inside of my lower lip when I saw their disappointment.
"Please. He's not here for trouble," maagap kong sabi sa kabila ng mga pag-aalma nina Jepoy.
Nabigla ako nang umakbay si Drake sa akin. Hindi nakawala sa aking paningin ang pagtalim ng titig ni Reign dito.
"You heard my man," maangas na sabi ng aking katabi, "I'm not here to fight. Although, I can do your King a favor and--"
Mabilis ko siyang siniko para patigilin sa pagsasalita. Pilit akong tumawa.
"Palabiro ka talaga, Drake. Ha. Ha. Ha," I anxiously uttered while eyeing my friends' dangerous forms, "Stop infuriating them, you dimwit!" I whispered to my side.
"I'm not doing anything," he whispered back, his lips casually brushing my ear.
"Ian!"
Napatalon ako sa lakas ng sigaw at agad na napalingon sa pinanggalingan nito. Pulang-pula ang mukha ni Reign. But he wasn't looking at me. His sharp stares were directed at the person beside me who, didn't even care if it's going to be the end for him or not.
BINABASA MO ANG
Paper Stars (Self-Published)
General FictionWATTYS 2018 WINNER The Heroes Category Synopsis: For a lot of people, a name holds the very meaning of a person's existence. It's a word that defines who you are and can dictate what you're going to be in the future. But for Arianne Michelle, the na...