KABANATA 9
The drive to Gene's house was lively. He was animatedly telling stories about the twin's naughtiness. Tawa lang kami ng tawa ni Mimi habang pinapanood siyang gayahin iyong mga expressions ng kanyang mga anak.
Kanina ko lang nalaman na maaga palang ipinahatid ang kambal pauwi dahil hindi ito matigil sa pag-iyak. Panay din daw ang hanap nila sa akin matapos akong dalhin nila sa library. Na-guilty naman ako kasi naalala ko kung gaano sila natuwa coming to the party in their cute kimonos before I came out and ruined it all for them. I bit the inside of my lips para pigilan ang sarili kong malungkot sa harap nila at pinanatili ang ngiti sa aking mukha.
Tama ng iyong pinag-alala ko sila kanina. I don't need them worrying more just because I feel guilty. Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa ginagawa ni Gene. He was still doing his impressions on the twins. Si Mimi naman ay sinasaway na iyong asawa niya kahit tawang-tawa pa rin.
As for Kyo's threat, ipagsasabukas ko na lang iyon. There's no use worrying for things na hindi pa naman nangyayari. Right now, I just want to enjoy this kind of moment with Gene's family. Ito ang unang pagkakataon na magkakasama kami sa iisang bubong. Hindi ko man sinasabi sa kanya, but I've waited years for this. At ngayong nandito na ako, I'll spend every night having fun and just being happy with them. Eto naman talaga ang gusto mong mangyari, hindi ba Rekka?
Mabilis lang ang naging byahe namin dahil sa mga pinaggagawa ni Gene. Nasa labas pa ang kambal at binabantayan ng mga yaya nila nang makarating kami sa harapan ng bahay nila. Pansin kong nakapambahay na ang mga ito, mga bagong ligo at tila handa ng matulog.
Pagkakita sa sasakyan, kaagad naman silang nagsilapitan. Hindi pa man nabubuksan ay dinig na namin ang tawag noong dalawa.
"Alright, alright..." Natatawang sabi ng papa nila bago binuksan iyong pinto.
"Chichi!"
"Haha!"
Halos magkasabay nilang tawag.
"Have you been good?" Agad na tanong ng mama nila at nagsitanguhan ang dalawa.
They were all smiles nang biglang dumako ang paningin ni Rei sa akin. Natigilan ito at namilog ang mga mata.
"Hi," nahihiya kong usal na bahagyang nakataas ang isang kamay para kawayan sila.
"Neechan?" Mahinang usal ni Gun nang mapansin ako.
"Neechan!" Magiliw namang sigaw ni Rei nang matauhan. Umakyat pa ito at mabilis na yumakap sa aking baywang.
"Neechan's here! Neechan's here!"
May kung anong kumurot sa puso ko nang sabihin niya iyon.
"Look who's here to see his princess?" Iniling ko ang aking ulo pagkaalala noon at napatingin muli sa nakaakap na bulto ng bata.
I was never like this with Rekka. I never showed any affection, or any emotion for that matter, towards him. If I've done this, ganito rin kaya ang mararamdaman niya? Matutuwa rin kaya siya to the point he'd be crying buckets dahil nilambing ko siya? If I did this, would he prefer to stay?
Bigla na lang sumikip ang dibdib ko sa naisip.
Stupid, Aya, why did you have to think about that!? Wala ng magagawa ang mga what if's mo. They're all in the past now. Move on.
I was in the middle of castigating myself nang maramdaman ang isang hila mula sa ibaba. Napadungaw ako roon and saw Rei's excited face.
"Neechan, come on! Let's get inside the house already! Let's play tag and Gun's gonna be the it!" Anito sabay hila uli sa akin.
BINABASA MO ANG
Paper Stars (Self-Published)
Ficción GeneralWATTYS 2018 WINNER The Heroes Category Synopsis: For a lot of people, a name holds the very meaning of a person's existence. It's a word that defines who you are and can dictate what you're going to be in the future. But for Arianne Michelle, the na...