KABANATA 39
'Falling star, oh falling star; grant my heart's sole desire.' Parang sirang plakang paulit-ulit kong sinasabi sa aking isipan habang pinagmamasdan ang half-finished painting sa aking kisame.
Sino si Rekka?
Napapikit ako nang maalala ang malamig na tanong ni Reign noong gabing pansamantala kong nakaligtaan ang aking sinumpaang pangako. Hindi ko makalimutan kung paano nagbago ang ekspresyon ng kanyang mga mata nang ibigay ko ang aking kasagutan. When he turned his back to me, I knew I wouldn't be seeing him again.
Isang mahinang katok sa aking pintuan ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
"Lady Aya?"
"Yes?"
"Handa na po ang agahan."
"Susunod po ako, Kuya Milo."
Ilang sandali ko pang pinagmasdan ang mga nakaukit na bituin sa aking kisame bago nagdesisyong bumangon. Pagkabukas ko pa lang ng pintuan, sinalubong agad ako ng sigawan ng mga batang naghahabulan sa sala.
"Gun! Rei! Finish your breakfast first before playing," narinig kong sabi ni Mimi.
Nakapamaywang ito at matamang tinitignan ang naghahabulang kambal nang mapansin nitong nakadungaw ako sa ikalawang palapag.
"Aya!" She called, her lips automatically lifted for a big smile, "Come and join us for breakfast. Maagang umalis iyong Papa mo at may meeting daw sa siyudad."
Tumango ako bago sinunod ang gusto nitong mangyari.
It's been a week since they've all returned from abroad. Katulad ng nagdaang pasko, gusto ni Gene na dito ulit ito i-celebrate ng pamilya. Kahit na sinabi kong okay lang kung sa Japan niya ito idaos kasama nina Mimi para naman makatipid sa gagastusin para sa mga tickets.
But he was adamant that he wouldn't have it any other way, kung kaya narito sila ngayon. Hindi ko namang ikakailang masaya ako sa kanilang pag-uwi pero hindi ko rin namang maiwasang mag-alala.
"Pakiabot nga noong mga Christmas balls, Aya," narinig kong pakiusap ni Mimi habang itinuturo ang mga makukulay na bola na nasa loob ng isang lumang kahon. Tumango ulit ako at agad na kumilos.
Nang inabot ko ang isang berde at isang bughaw, hindi nakawala sa paningin ko ang mga makahulugang pagsulyap nito.
"Bakit po?"
She didn't stop attaching the accessories to the green tree as she gave me a warm smile.
"Medyo nagtataka lang kung bakit nitong huling mga buwan hindi ka na nagkukwento tungkol sa mga kaibigan mong nakatira sa may dalampasigan."
Saglit akong nabigla sa kanyang tanong. I didn't think she'd bring that topic up.
"Hindi na po ako pumupunta roon."
"Ha? Bakit? Nag-away kayo?"
Agad akong umiling.
"Hindi po. May ginagawa lang po akong proyekto," I answered, which was half-true because for the past six months, I've occupied myself reviewing for the accountancy board exams which was done last month.
Tumango-tango ito sa aking sagot bago inabot ang mga bolang kadadampot ko lang mula sa kahon.
"Mabuti naman at hindi ka pala nababagot dito kahit kayo lang dalawa ni Milo. I'm sure you can find ways in keeping yourself productive even without anyone giving you directions but," she paused as she gave me meaningful look, "Don't seclude yourself from the rest of the world."
BINABASA MO ANG
Paper Stars (Self-Published)
General FictionWATTYS 2018 WINNER The Heroes Category Synopsis: For a lot of people, a name holds the very meaning of a person's existence. It's a word that defines who you are and can dictate what you're going to be in the future. But for Arianne Michelle, the na...