Kabanata 3

3K 91 8
                                    

KABANATA 3


Natuloy ang balak ni Gene na pamamasyal namin sa buong estate. Nang sabihin niyang buong estate hindi ko akalaing buong lungsod ng Asteria pala ang tinutukoy niya! Umabot na ng hapon, wala pa kami sa kalahati ng buong 'estate'!

Papasok na kami ngayon sa isa sa mga mango farms ng angkan. Ayon sa nakasulat sa pamphlet na hawak ko, ito daw ang pinakamalaki at pinakakilala sa buong Pilipinas.

Pansin ko agad ang mga taong kung hindi man papunta ay galing na sa loob ng farm. Ang karamihan sa kanila ay parang mga dayo pa. Sinilip ko ang nasa unahan namin at nakita ko agad ang malaking signage sa itaas ng matayog na gate.

Asteria X Mangoes.

"Milo, bakit may maraming taong pumupunta rito? Open pala ito sa publiko?" Tanong ko sa driver namin nang di inaalis ang paningin sa mga taong naglalakad at mga tricycles na bumabyahe patungo sa gate ng farm.

"Mayroon din po kasing pasalubong shop sa loob ng farm na ito, Lady Aya. May snack bar din na nagbebenta ng mga mango products ninyo tulad ng ice cream, ice candy, iced tea, juice at shake..." Sagot nito na naputol nang may biglang tumikhim sa tabi ko.

Hindi ko iyon nilingon. Tumango lang ako sa narinig mula sa driver tsaka muling ibinaling ang paningin sa mga kaganapan sa labas ng sasakyan.

Nang makapasok na kami sa loob, namataan ko kaagad ang tinutukoy nitong shop. Punung-puno ito ngayon ng mga kustomer na gustong bumili ng mga pasalubong. Mayroon din akong nakitang mga 'Asteria' souvenir shirts na nakabitin sa labas ng tindahan.

Hindi kalayuan doon, nakita ko naman ang open snack bar. Nasa kalagitnaan ito ng farm at pinagawa talaga ang anyo nito katulad ng isang kalahating mangga. May mga maliliit na mesa ang nakakalat sa paligid ng bar. Kapansin-pansin rin ang haba ng pila ng mga kustomer na bibili. Lahat nakangiti at tila excited sa mga o-orderin.

May mga napansin akong nakapila na nangingisay habang tinuturo ang nasa counter. Mayroon pang mga tumitili. Napaangat ang kilay ko sa nakita. Ganun na lang ba kasarap ang mga inumin dito at ganyan sila kasabik?

Pilit kong sinilip kung anong meron sa counter na tila pinagkakaguluhan nila pero nalagpasan na namin iyong bar bago ko pa makita. Inilibot ko na lang sa ibang sulok ng farm ang aking mga mata. Kahit saan ako tumingin, mga puno ng mangga ang nasisilayan ko.

Napunta kami sa parte ng farm na may maraming mga burol na puno pa rin mga puno ng mangga. May nakita akong mga manggagawa na busy sa pagbubuhat ng mga basket na punung-puno ng mga bunga. Kumaway pa ito nang dumaan ang sasakyan namin. Bumusina lang sa kanila ang driver namin at nagpatuloy sa pagmamaneho.

"Kakilala niyo?" Tanong ko rito.

Sumulyap siya saglit sa rear view mirror bago ako sinagot.

"Opo, Lady Aya. Pero kahit hindi naman, kumakaway talaga sila bilang pagbati sa tuwing pumapasyal dito ang pamilya ni Master Gene," nakita ko pang panandalian din nitong sinulyapan ang katabi ko bago nagpatuloy, "Kilala kasi ang pamilya niyo rito bilang mababait at mauunawaing mga tao hindi tulad ng ib..." Muli na namang tumikhim ang katabi ko na nagpatigil sa driver naming magsalita.

Hindi na niya kailangan pang dugtungan. Alam na alam ko naman ang ibig niyang sabihin.

Ang farm ay isa sa mga pagmamay-ari ng pamilya ni Dice under Hans' management. Si Hans ang nakababatang kapatid ni Gene. Sa magkapatid, ang bunso ang mas matured mag-isip pero tinitingala pa rin niya ang kanyang kuya.

Paper Stars (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon