Kabanata 25

1.6K 64 17
                                    

KABANATA 25





Tahimik ang biyahe. Manakang sinilip kami ni Milo mula sa rearview mirror ng sasakyan. Marahil hindi ito sanay na makitang ganoon ang ekspresyon sa mukha ng karaniwang ay nakangiti nitong amo. Binigyan ko siya ng tipid na ngiti ng makitang nakatingin din ako sa salamin. Mula noon ay hindi na ito sumilip pa.

Nilingon ko ang aking katabi para makita kung ano ang kalagayan nito. Nakatuon lang siya sa salamin sa kanyang banda na tila mayroong natatanaw sa likod nito. He was repeatedly rubbing his right arm and the thought that what happened might ruin his kendo made me feel more guilty.

Gusto ko sana siyang kausapin tungkol sa mga nangyari. Alam kong pinarusahan siya ni Sanada sa pagsuway sa utos nito. And because the bastard was after me, it's the same as saying they've done this to him on my account.

Gusto ko ring malaman kung bakit siya nagsinungaling dito. To say that I couldn't make it to our practice because I was feeling ill when in fact I was not. And then went ahead and cancelled our session altogether. Kung totoong galit siya sa akin at gusto niyang mawala ako agad, hindi ba't mas mapapadali iyon kung ibibigay niya na lang ako sa hayop na iyon? Or would that be more troublesome for him if he has to explain to the elders how I was missing during our practice session?

I went to open my mouth to say something but I didn't know how or where to start. He remained motionless as he stared off beyond the window. Itinikom ko na lang itong muli at inayos ang pagkakaupo. Ikinuyom ko na lang ang aking mga kamay sa kawalan ng salita.

"Malapit na po tayo," anunsiyo ni Milo.

Doon ko lang napansin ang pamilyar na mga tarangkahan.

"Bakit dito tayo? Hindi ba ihahatid natin si Kira sa bahay nila at pagkatapos ay didiretso na tayo kina Gene?"

May pag-aalalang tumingin si Milo sa salamin.

"Nakatanggap kasi ako ng mensahe galing kay Master Daisuke. Pasensiya na po, Lady Aya."

"I thought you said he went to the city?"

"Hindi po kami nagtagal doon, Lady Aya. May kinuha lang po si Master--"

"I didn't think you were supposed to report what your Master did to his constituent?"

Napalingon kami sa gawi ng nagsalita. Nakaupo na ito nang maayos at nakabalik na ang dating ngiti sa mukha.

"I'm sorry, Mas--"

"Oh, no, please carry on. I'm very curious to hear your stories about the Master's activities," usal nito sa isang kaswal na tono.

Kaagad kong pinagsisihan ang aking pagtatanong lalo na't nakita ko kung papaano namutla ang mukha ng driver namin. Nakahinto na kami sa harap ng tarangkahan at hinihintay ang kanilang pagbukas.

"I'm sorry, Milo. I didn't mean to pry," nahihiyang tugon ko rito na mabilis namang iniling ang ulo.

"Wala po kayong kasalanan, Lady Aya. Sadyang madaldal lang talaga ako minsan," sagot nito na hilaw na ngumiti, "Pasensiya na po, Master Kira. Hindi po mauulit--"

"It's fine, actually. You don't have anything to be sorry for," pagpuputol ng katabi ko rito.

Malungkot itong tumingin sa salamin bago tumango ng isang beses. Pagkatapos noon ay muli nitong pinaandar ang sasakyan para makapasok sa loob ng estate.

Malayo pa lang, kita ko na ang mangilan-ngilang taong nakaabang sa paanan ng main doors. In my counting, there were six butlers on the sides as three of their Masters were at the middle waiting for something. I could make out Dice's angry stance even from where I was sitting. He was pacing back and forth until Cute pointed us out. Nang nakalapit na kami, mabilis na kumilos ang dalawa sa mga katiwala at agad na binuksan ang sliding door ng aming van.

Paper Stars (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon