A/N: Tri, otanjoubi omedetou gozaimasu! ;)
KABANATA 15
Napapikit ako habang hinihintay ang paglapat ng isang matalim na bagay sa aking balat patungo sa kaloob-looban ng aking laman. Pero dumaan na ang ilang sandali ay wala pa ring nangyayari. Instead, I heard my captor released a pained grunt before falling to the ground. Doon ko lang nakita ang galit na anyo ni Reign na naghahabol pa rin ng kanyang hininga.
Suot nito ang uniporme ng farm na medyo lukot-lukot na dahil sa pagmamadali. Tumaas ang kilay ko nang mapansing he's got smudges of red in his mouth towards his neck. Nahagip ng aking paningin ang nakahilata nitong motorsiklo sa gitna ng kalsada. Tumatakbo naman patungo sa amin sina Kulas sa kanyang likuran. Habang nasa tabi naman nito si Cecilia na patagong minamataan ang tulog na bulto ni Drake.
Walang sabi-sabing hinatak ni Reign ang aking braso at hinigit patungong tabing-dagat. Nakasunod naman sa amin ang grupo nina Kulas at Cecilia.
"What the hell were you thinking?!" Sigaw nitong bigla matapos huminto at marahas na hinila ang braso ko, "Why did you think you can fight them on your own?!" Nanggigilaiting tanong nito.
Pansin ko ang pagtagis ng kanyang mga ngipin dahil sa galit. Agad naman akong tinubuan ng inis sa pinakita nitong reaksyon. Bakit siya magagalit gayong iniligtas ko lang naman ang buhay ng kababata niya?
"In case you didn't know, muntik na nilang tangayin si Cecilia kanina and God knows what evil plans they were to do with her if I hadn't interfered and fought them," pagdedepensa ko.
Punung-puno ng frustration nitong ginulo-gulo ang buhok bago muling bumaling sa akin. Pinaghalong pagod, galit at pag-aalala ang nasa mga berdeng mata nito.
"Tumakbo ka na lang sana nang makita mong nakatakbo na si Cel!"
"They were going to run after her kung hindi ko sila hinamon—"
He let out an angry scoff nang marinig ang aking mga sinabi.
"At ikaw pa pala ang naghamon?! Anong pumasok sa kokote mo't iyon ang ginawa mo?! You think you're so strong, kaya mong kalabaning mag-isa ang hayop na Drake na iyon?!" Pasigaw nitong tanong habang tinuturo ang direksyon kung saan namin iniwanan ang katawan noong tatlo.
"What do you expect me to do? I can't run away from a fight. That's only for the cowards—"
"Tumakbo ka, tanga! Duwag na kung duwag huwag lang mawalan ng buhay!"
Naitikom ko agad ang aking bibig sa kanyang inutas. Mabilis ang paghinga nito habang pinapatawan ako ng maaalab na titig.
"Wala na ba talagang halaga ang buhay para sa iyo, Ian? Are you really that eager to end it?"
Hindi ako nakapagsalita. I studied his frustrated form a little more. Sa ayos niya ngayon siguradong nasa kalagitnaan ito ng pakikipaglaro sa kanyang babae nang malaman ang nangyari. Hindi maayos ang pagkakabutones ng kanyang uniporme. Hindi na naka-buckle ang kanyang sinturon. Hindi rin magkapares ang suot nitong tsinelas. Siguro sinuot na lang nito kaagad ang kung anong pwedeng suotin para lang makaalis kaagad.
How could he show this much concern towards someone na hindi naman niya kaano-ano? Ni sarili ko ngang kadugo hindi ako siguro kung tutulungan ba ako o pagtatawanan lamang habang pinapanood ang pagtatapos ng aking buhay. Heck, what am I thinking?! Of course they'd be celebrating if my life have finally ended right there! Bonus na iyong nandoon sila to witness my demise!
Namataan ko mula sa sulok ng aking mata ang malulungkot na mga anyo nina Kulas na nakatayo sa gilid. They were nervously eyeing one another. Cecilia was fidgeting on one side. Are they also here because they were worried about me?
BINABASA MO ANG
Paper Stars (Self-Published)
General FictionWATTYS 2018 WINNER The Heroes Category Synopsis: For a lot of people, a name holds the very meaning of a person's existence. It's a word that defines who you are and can dictate what you're going to be in the future. But for Arianne Michelle, the na...