Kabanata 29

1.4K 69 14
                                    

KABANATA 29




Hingal na hingal ako nang marating ang gate ng bahay. Parang sasabog ang dibdib ko sa lakas ng pintig nito.

Ano bang nangyayari sa akin? Why does he affect me so much? Hindi naman ako ganito dati, a?

Hinilamos ko ang aking mga palad sa aking mukha bago humugot nang isang malalim na hininga. I needed to calm myself down.

"Lady Aya, ikaw na ba iyan?"

Napatingin ako sa nagsalita. Nakatayo si Kuya Milo sa may pintuan at may hawak na sandok.

"Yo!" Masiglang bati ko rito nang magkasalubong ang aming paningin.

"Madilim na, Lady Aya. Galing ka ba kina Ren?" Sabi nito pagkatapos akong pagbuksan ng gate para makapasok ako, "Sana nag-text ka na lang para nasundo kita. Masyadong delikado para sa inyo ang naglalakad sa ganitong oras," sabi pa nito habang pumapasok kami sa loob ng bahay.

"You're thinking too much, Kuya Milo. Hindi naman delikado," sagot ko bago pumihit patungo sa hagdan.

"Kahit na, Lady Aya, kailangan niyo pa ring mag-ingat. Hindi man alam ng mga kaibigan mo ang tungkol sa iyong tunay na kasarian, kailangan mo pa ring alalahaning babae ka pa rin."

Napatigil ako sa huli nitong binanggit at malamig siyang tinitigan.

"So what if I'm a girl?"

Bahagyang napaatras ang dati naming driver sa malamig kong usal.

"Wala naman po akong masamang ibig sabihin roon. Nag-aalala lang ako para sa inyo, Lady Aya," buong ingat nitong tugon.

Bumuntong ako ng hininga sa narinig.

"Alam ko pong nag-aalala ka lang pero hindi ko hahayaang malagay sa alanganin ang buhay ko. You can trust me on that one, Kuya Milo," sabi ko rito, "And will you please drop the title? Ilang beses ko bang sinabing hindi na ako Kurozawa ngayon. Tawagin mo na lang ako sa aking pangalan," sabi ko pa habang tinutungo ang aking silid.

"At ilang beses ko pong sasabihin sa inyo na hindi ko iyan magagawa! Kurozawa man o hindi, Lady Aya pa rin kayo para sa akin!"

Umiling na lang ako sa isinigaw nito. Dinukot ko ang susi ng aking silid na nakasabit sa kwentas ko kasama ng dragon pendant. Nang makapasok na ay agad kong pinuntahan ang tukador para makapagpalit ng damit.

"Pagkatapos niyo pong magpalit, Lady Aya, bumaba na kayo agad para makahigop ng sabaw habang mainit pa!" Narinig kong sigaw pa nito.

Kakakain ko pa lang pero dahil tinakbo ko lang ang distansiya ng bahay galing sa tinutuluyan ng Dragons ay nakaramdam uli ako ng gutom. Mabilis akong nagpalit ng damit para makababa kaagad.

Nakahanda na ang mga pagkain sa hapagkainan nang narating ko ang kusina. May sinabawang gulay doon at tatlong pirasong tuyo.

"Pasensiya na, Lady Aya, ito lang ang naihanda ko. Ubos na kasi iyong pinadalang pera ni Master Yuujin," paliwanag pa nito. Bakas ang lungkot sa mukha nito habang nilalagyan ng mais ang aking plato.

It had been six months since Gene went to Malaysia to re-start his own firm. Umuwi na muna sina Mimi sa Japan para doon manirahan habang sinisikap ng asawang maibangong muli ang nasirang kompanya.

Matapos inanunsiyo ng angkan na hindi na bahagi ng pamilya ang mag-anak ni Gene, agad na nagsipag-pull out ang kanyang mga partners at investors. Ganoon din ang dati nitong malalaking mga kliyente.

It was heartbreaking to see Gene's hardwork fall apart. Kung hindi dahil sa matibay na pananalig at pagmamahal ni Mimi para sa asawa, pati ang pagsasama nila ay matagal na rin sanang nasira ng ama nito.

Paper Stars (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon