Kabanata 28

1.6K 65 4
                                    

KABANATA 28



A small splash was made as I submerged myself in this seemingly different world. A dimension filled with vivid colors, life and tranquility. There was beauty on every graceful movement of every breathing organism in here. Every sway, every flick, every wave was a dance creatively choreograph by the Most High. In here, I could find my heart at peace.

As usual, my eyes feasted upon the sight which unfolded in front of me. My body relaxed as I took the magnificence in and committed it to memory. I was planning to make another painting out of this trip.

Another splash from a distance got my attention. I turned around and saw one of my friends swimming towards me. He stopped and briefly looked at our surroundings before he returned his gaze to me. Both his cheeks were puffed as he was trying to hold his breath before pulling a finger and pointed it upwards. I signaled okay to him using my hand. Matapos noon ay mabilis na nitong tinungo ang ibabaw. Minsan ko pang pinasadahan ng tingin ang paligid at nang makontinto, agad na akong sumunod.

My lungs welcomed the first batch of air as my face broke through the surface of the ocean. Kaagad kong natagpuan ang kaninang pinagtalunang bangka at nakitang patungo na roon ang aking kaibigan. Sandali kong nilangoy ang distanya ng aming bangka. Nang marating, humawak agad ako sa katig nito.

"Balik na raw tayo sabi ni Kulas, Yan," sabi ng aking kaibigang nakakapit din dito.

Pinasadahan ko pa ang basa kong buhok gamit ang aking kamay bago tumango sa ipinaalam nito.

"Sapat na ba iyong huli natin?" Tanong ko sabay silip sa mga baldeng punong-puno ng mga isda.

"Huli namin, Yan. Kung maka-natin ito parang may naitulong, o!" Palag ni Jepoy na nasa loob ng bangka at inaayos na iyong lambat.

"Sus, tumulong kaya ako," sagot ko rito sabay ahon ko para makasakay na rin dito.

"Saan doon? E, kung hindi ka pa nga sinisid ni Nonoy, aakalain naming naging isda ka na rin!"

Tumawa si Nonoy sa sinabi ng aming kaibigan habang inaangat ang sarili para makasakay na rin.

"Tss. Bahala ka riyan basta huwag mong kakalimutang lagyan iyong dala kong supot," sagot ko na lang sabay turo roon sa isang plastic bag na inipit ko malapit sa kanya.

"Wow, take home, bai! Lumangoy-langoy ka lang, may isda ka na!" Muling angal ni Jepoy habang pinapausad na ni Nonoy ang sinasakyan namin.

"Sige na, Jep. Konti lang naman! Iilan rin lang naman kaming kakain niyan sa bahay. Please? Please? Please?" Pagkokombinse ko rito na sinabayan ko pa ng konting pagpapa-cute.

"Tss," kahit nagmamaktol ay kinuha niya pa rin iyong supot at padabog na binuksan, "Wow, konti lang raw pero extra-large supot naman iyong dala!"

"Eto naman... huwag na kasing umangal. Wala na kasing ibang plastic bag sa bahay. Iyan na lang. Huwag mo na lang punuin kasi konti lang talaga iyong kailangan ko"

Minsan pa akong tiningnan nito nang nagsalita si Nonoy.

"Pagbigyan mo na lang iyong bata, Jep. Ikaw nga tinuturuan niyang mag-gitara, hindi ka naman sinisingil ng talent fee."

"Oy, oy, oy... wala iyong kinalaman dito, a!" Namimilog ang mga mata nitong tugon habang nakatanaw sa kaibigang natatawa. Tinapunan pa nito ng paing naming bulate nang hindi ito tumigil sa katatawa bago ako muling binalingan, "Tss... kung hindi ka lang namin pinangga..." Bulong pa nito bago muling binuklat iyong supot at sinimulang lagyan ng mga isda.

Paper Stars (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon