KABANATA 34
A brother.
Somehow that word saddens me. It reminded me of the darker times in my life — the times I wished I could undo. If I could, I would have indulged that person of his silliness.
Sige na, Princess, kahit isang beses lang. Tawagin mo naman akong...
I shook my head to rid of the thought. I shouldn't be thinking too much about the past when there were so much to do in the present.
Mimi had called a while ago to check on me. At kahit na may sigla ang tono nito habang kinukumusta ako, nahimigan ko pa rin ang kanyang lungkot ngayong magkawalay sila ng kanyang asawa. My guilt doubled when I heard Gun crying in the background looking for his father.
Para akong binatukan ng reyalidad at ngayon ay naalalang may mga importanteng bagay pa pala akong dapat na inuuna. Masyado kong binigyan ng atensiyon ang mga bagay na wala namang kaugnayan sa mga nais kong makamit — ang maibalik kay Gene ang nararapat na kanya.
The scene in Reign's bedroom when he was talking to Cecilia a while ago suddenly flashed in my mind. Para ko na siyang kapatid... His voice echoed in my head like a broken record and a painful knot automatically constricted in the pits of my stomach.
Tama na nga, Ayana! E, ano ngayon kung kapatid ang turing niya sa iyo? Is that a bad thing? Hindi naman, 'di ba? Dapat matuwa ka pa nga at pinapahalagahan ka niya na parang isang pamilya. Ano pa bang inaasahan mong maramdaman niya para sa iyo? Bakka! Wala tayong panahon para riyan! I admonished myself as I tried to erase the memory.
"Lady Aya?"
"P-po?" I almost jumped on my seat as I turned towards my companion.
"Kanina pa po tinatawag ang numero niyo."
Agad naman akong tumayo nang napagtantong kanina pa ako tinititigan ng cashier. I went to her and gave her my number and money for the items. Ilang sandali pa ay bitbit na ni Kuya Milo ang mga pinagawa kong kuwadra para sa aking mga naipintang larawan. Gusto kong tumulong kasi alam ko kung gaano kabigat ang mga ito ngunit mabilis naman ako nitong tinanggihan.
Nasa loob kami ngayon ng SM Seaside City at kasalukuyang tinutungo ang daan papuntang parking lot. It was nearing six in the evening at kailangan na naming makaalis bago pa matagalan ng uwi si Kuya Milo. Hindi pa naman sanay ang baby nitong hindi siya ang naghehele tuwing gabi.
"Lady Aya, okay lang po bang dumaan muna ako sa supermarket? May bibilhin lang ako saglit," paalam nitong bigla.
"Opo. Ako na pong magdadala niyang mga frames ko—" I tried to reach for the sealed frames and he quickly distanced them from me.
"Huwag na po, Lady Aya. Iiwanan ko lang ito sa baggage counter doon sa ibaba tapos kukunin ko na lang pagkatapos," sabi nito.
"E, mas mahihirapan kayo noon kasi may mga grocery bags na kayong dala pagkatapos," I told him as I looked around to find a place where he could leave me with our things, "Doon niyo na lang po ako iwan sa may Sky Garden kasama ng mga frames para hindi na kayo mahirapan."
Nilingon naman nito ang aking tinutukoy na pwesto bago tumango.
"Sige po," pagsang-ayon nito, "Hindi rin naman po ako magtatagal. Babalikan ko rin po kayo kaagad."
"Wala pong problema, Kuya. I brought my Ipad with me kaya hindi ako mababagot," I informed him as I patted my sling bag.
It had been ten minutes since Kuya Milo left for the supermarket. I busied myself studying the trends of the stock market when I heard someone whistling.
BINABASA MO ANG
Paper Stars (Self-Published)
Ficción GeneralWATTYS 2018 WINNER The Heroes Category Synopsis: For a lot of people, a name holds the very meaning of a person's existence. It's a word that defines who you are and can dictate what you're going to be in the future. But for Arianne Michelle, the na...