Kabanata 20

1.8K 75 1
                                    

KABANATA 20



"Mi, nagluto ako ng omo-rice. Hindi ba favorite mo iyon? Halika, tikman mo o!" Alok ni Gene sa hinandang pagkain. Dilaw na dilaw at makinis ang pagkakagawa noong binatil niyang itlog na sinulatan niya ng 'Yuujin' <3 'Mimi' sa gitna gamit ang ketchup. Sa tingin pa lang alam mo ng mahusay at masarap ang pagkakaluto nito.

Pero tulad pa rin ng mga nagdaang araw, titignan lamang ito ni Mimi gamit ang isang malamig na titig at pagkatapos ay iirapan saka walang awang aalis. Tatlong araw na ang lumipas mula noong mainit nilang sagutan pero wala pa ring development ang panunuyo nito sa asawa. Maging ang kambal ay nakakapansin na sa pagbabago ng pakikitungo ng kanilang mama sa kanilang papa. I saw Gene took a deep sigh.

Humugot rin ako nang isang malalim na hininga bago siya nilapitan.

"Gene," pagtawag ko sa kanyang pansin.

"Hmm? May kailangan ka, princess?" Kakalapag lang niya sa inihaing pagkain nang nag-angat ng tingin sa akin.

I cleared my throat before answering.

"Um, okay lang ba kung sa manggahan na lang muna ako tutuloy ngayong umaga?" I bravely asked. Inaasahan ko na ang libu-libo nitong katanungan kung bakit hindi muna ako pupunta sa main house katulad ng nakagawian. Kaya naman laking gulat ko na lang nang ngumiti ito.

"Sure!" Mabilis nitong tugon.

Napaawang ang bibig ko nang hindi man lang nito pinag-isipan ang aking sinabi. Usually, he'd ask questions until he could convince me to bring him along or at least five of his bodyguards just for 'precaution'.

"Sigurado kang okay lang?" Paniniguro ko.

"Bakit hindi? Maganda nga iyong maaga pa lang pinag-aaralan mo na ang mga businesses ng pamilya. It will be a great help to you in the future."

Napakurap ako sa kanyang mga sinabi. Iniisip ko kung dala lang ba ito ng depresyon niya sa pagiging malamig sa kanya ni Mimi o... Bigla na lang pumasok sa isipan ko iyong eksena sa harap ng silid ng headmaster. At parang kagabi lang, naririnig ko na naman iyong malamig na tono nito.

"No matter how much you clothe her or brand her with your crest, she is not a Kurozawa, you understand me?"

Bumalik lang ang isip ko sa pangkasalukuyan nang marahan akong hinila ni Gene at ikinulong sa isang yakap. I felt him kissed the top of my head right after.

"I know that you'll be safe there but I still want you to be extra careful, you understand me?"

Tango lang ang naisagot ko rito pagkatapos ay agaran niya naman akong pinakawalan.

"Okay, you go and prepare for your things while I continue to woo your mother," nakangisi nitong tugon na may kasamang mapaglarong kindat bago muling kinuha iyong platong may laman noong omo-rice niya, "Mimi, sige na. Tikman mo itong omo-rice na luto ko habang mainit pa. Masarap 'to!" Narinig kong sabi pa nito matapos umalis nang hindi ako tinitingnan.

It's amazing how he stayed positive even while Mimi was just avoiding him and his advances. Sana nga lang magbunga na ang mga efforts niya at mapatawad na siya nito.

Inihatid ako ni Milo sa manggahan eksaktong alas dies ng umaga. Ayaw pa sana akong iwan nito dahil may kalayuan pa mula rito kung lalakarin ko lang iyong dojo. Sinabi ko na lang na mas mainam nga iyon dahil makakapag-warm up na ako bago makarating doon.

Kahit na medyo may pag-aalinlangan, sinunod niya pa rin ang gusto ko. Umalis na rin siya kaagad kasi ba-byahe pa si Dice pa-siyudad.

Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Marami-rami na ang mga taong dumadayo. Iyong iba ay pumipila sa souvenir shop. Habang iyong karamihan ay nasa snack bar nakatambay. Inayos ko iyong dala kong backpack bago nakipila sa huli. Karamihan sa mga naroon ay mga babae na parang may hinihintay o may hinahanap. Napaangat pa ang kilay ko nang bigla na lang tumili iyong mga babaeng nakapila sa harap ko.

Paper Stars (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon