Kabanata 40

1.6K 69 24
                                    

KABANATA 40




I have never ran in my entire life as I have ran to my horse a while ago. Hindi ko na nga napansin ang pagtawag noong tagabantay sa akin basta makaalis lang agad ako. Ayokong malaman kung nakasunod ba ang taong iyon o hindi.

Saka lang ako lumingon nang marating ko na ang kabalyerisa. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang walang nakasunod. Humugot ako nang malalim na hininga para pakalmahin ang sarili.

"Good job, Thunder," bulong ko sa matandang kabayo sabay himas sa kulay abong buhok nito.

"Lady Aya!"

Pababa na ako nang makita ang kumakaway na bulto ni Kuya Milo. Mabilis itong patungo sa aking kinatatayuan at may bitbit na supot.

"Tapos na po kayong mamasyal, Lady Aya?" Tanong nito nang nakalapit.

"Opo," sagot ko habang hinihila ang kabayo papunta sa loob ng kabalyerisa pero kaagad niya namang kinuha ang lubid mula sa akin.

"Ako na po, Lady Aya. Doon na lang po kayo maghintay sa sasakyan," nakangiting tugon nito.

"Pero—" Tututol sana ako pero natigil nang iabot niya ang hawak na supot.

"Pakidala na rin po nito, Lady Aya."

Sinilip ko ang nilalaman ng supot at may nakitang anim na pirasong mais.

"Masarap daw po iyan habang mainit pa kasi bagong luto. Siguradong matutuwa iyong kambal kapag natikman iyan. Tiyak na babalik kaagad ang loob nila sa inyo."

I gasped when I realized what he meant. Nag-angat ako ng tingin at nakita itong nakangiti sa akin.

"Hintayin niyo po ako sa sasakyan. Dadaanan natin iyong manggahan para makabili rin tayo ng mango shake. Hindi ba paborito rin nila iyon?"

Isang marahang haplos ang naramdaman ko sa aking puso. I bit the inside of my lip to stop it from shaking before giving him a big smile.

Hawak ko ang dalawang supot na naglalaman ng mga pasalubong ko para sa mga kambal. I was so excited to see their happy faces once they see what we got for them. Papasok na sana ako sa pintuan nang may narinig akong nag-uusap mula sa loob. Doon ko lang napansin ang kulay silver na Honda Civic ni Gene na nakapark sa kabilang parte ng daan.

He's home! I thought and my excitement doubled.

Mabilis akong pumasok para hanapin ang mga isusurpresa. Hindi naman ako nabigo nang matagpuan ko itong nakatalikod at nakapamaywang.

Wait till he hears about what I have discovered in the grape farm! Saglit na dumaan sa isipan ko iyong namimilog na mga berdeng titig. Well, except for that.

I was about to jump on him but stopped on my tracks when I heard the bits of their conversation.

"Hanggang kailan tayo magiging ganito?"

"Alam mo kung anong sagot ko tungkol sa isyu na iyan, Mi! Konting tiis lang naman ang hinihiling ko--"

"Konti?! Konti pa ba ito, Gene?! Nakikita mo ba ang sitwasyon ng mga anak mo?!"

"Oo! Nakikita ko! Hindi naman ako bulag, Mi! Hindi ako manhid para hindi masaktan para sa kanila! Ginagawa ko naman ang lahat para makabawi--"

"Well, then, what you're doing is not enough!"

Natahimik si Gene sa sinigaw ng asawa at hindi agad nakasagot. Mimi took advantage of that because she continued speaking.

"Sinabi ko sa iyo noon na hindi isyu sa akin kahit mawalan ka ng mana. I love you for the person that you are and not with what your name entails. Pero kapag ang mga anak ko na ang naaapektuhan at nasasaktan, ibang usapan na iyon."

Paper Stars (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon