KABANATA 16
Naging palaisipan pa rin para sa akin iyong mga huling binanggit ni Mimi patungkol kay Gene. Kahit nakaakyat na ako sa pader ng main house at binababa na ngayon ang puno ng sakura ay iyon pa rin ang nasa aking isip.
Hindi ba at nasambit ni Drake kanina na mga miyembro sila ng Emperors? Iyon din ba ang tinutukoy ni Mimi?
Sinigurado ko munang walang tao sa paligid bago ko mabilis na inakyat ang nakabukas pa ring bintana ng library. Pagkaakyat, nakita ko agad ang pagtindig ni Himamura mula sa upuan sa harap ng piano.
"Oh, thank God, Arianne..."
Agad niya akong nilapitan at inalalayang makababa mula sa lamesa.
"Are you alright? Hindi ka naman napaano sa labas?"
Natigilan ako sa tanong nito. Sasabihin ko ba sa kanyang kamuntikan na akong masaksak kanina? Nakaka-guilty tingnan ang nag-aalala nitong mukha. I promised him that I would take care of myself outside pero may nangyari pang ganoon. I shouldn't worry him too much.
Kinuha ko mula sa pagkakaipit ko sa garter ng aking shorts iyong dalawang lalagyan ng cookies na pinadala sa akin ni Mimi at inabot ko sa kanya iyong isa. Napakurap pa ito ng dalawang beses habang nakatingin sa inaabot kong pagkain bago niya ako sinulyapan.
"Pinabibigay ni Mimi," sabi ko habang muling inaabot iyong lalagyan sa kanya.
"Thanks..." Nahihiya nitong tugon bago tinanggap iyon.
Bumalik na ako sa aking upuan at muling binuklat iyong naiwan naming tuntunin. Puna kong nakatayo pa rin siya at masuring tinitignan iyong ibinigay ko sa kanya. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at binuksan na iyong lalagyan ng share ko. Ipinagpatuloy ko iyong pagbabasa habang kumukuha ng cookies sa lalagyag nang marinig ko ang paghila ng upuan sa aking harapan.
"So... you went to Yuujin's house?"
Nag-angat ako ng tingin at nakitang nakapatong lang ang kanyang mga kamay sa ibabaw noong lalagyan ng share niyang cookies habang seryoso namang nakatuon ang kanyang mga mata sa aking mukha.
"What?"
"Sinabi mo na lang sana para masamahan kita—"
"Ayan ka na naman, Himamura. Hindi ba't nasabi ko na sa iyo kanina kung bakit?" Pagpuputol ko rito sabay kuha ng isa pang cookie.
"Okay lang naman sa akin kahit maging masama na ang tingin nila sa akin. I can take that anytime. Ang hindi ko maatim ay iyong may mangyaring masama sa iyo habang nasa labas ka. Please Arianne. Hindi ako mapakali buong panahon na wala ka rito. Gusto na kitang sundan kaya lang ayaw ko ring mapahamak ka kapag nalaman nilang wala ka rito."
Hindi ko maituloy ang pagsubo ko sa cookie na hawak habang pinagmamasdan ang kanyang pagod na mukha. Ngayon ko lang napansin ang kaibahan ng kanyang ayos mula noong iwan ko siya. Magulo na ang buhok nito. Nakahubad na ang outer coat ng kimono at nakasabit lang sa katawan ng piano. Nakatupi ang kanyang mga manggas hanggang balikat showing his well-defined biceps. Sa hitsura pa lang niya ngayon, I can only imagine what he's been through habang hinihintay ang pagbabalik ko. Napalunok ako nang wala sa oras. Mas na-guilty pa tuloy ako.
But not knowing is better than knowing and then getting more worried afterwards.
"Ang OA mo, Himamura. Para namang may kung ano sa labas na ikakapahamak ko," pagtatakip ko na lang sabay subo sa hawak kong pagkain.
Iniwasan ko na lang ang kanyang mukha at baka masabi ko pa sa kanya ang totoo. Baka sa susunod nito ay hindi na niya talaga ako pahintulutan pang lumabas!
BINABASA MO ANG
Paper Stars (Self-Published)
General FictionWATTYS 2018 WINNER The Heroes Category Synopsis: For a lot of people, a name holds the very meaning of a person's existence. It's a word that defines who you are and can dictate what you're going to be in the future. But for Arianne Michelle, the na...