Kabanata 45

1.5K 60 1
                                    

KABANATA 45



"Cecilia, let me explain..."

"Explain mo mukha mo! Sasabihin mo sa aking totoo ka sa amin? Utot mo!"

"Hindi ko naman iyon sinadya—"

"Dalawang taon na ang nakalipas simula nang nakilala ka namin, hindi mo sinadya? Utuin mo na ang lahat, inday, huwag ako. Hindi ako si Ren. Hindi mo ako madadala sa mala-anghel na ngiti mo," asik nito.

Her words were harsh. But she was speaking the truth. Sinadya ko ngang huwag sabihin sa kanila ang totoo. Natakot akong mataboy na naman sa oras na malaman nilang hindi ako lalaki. Natakot na baka magbago na ang pakikitungo nila sa akin. Masyado akong naaliw sa bawat araw na nakasama ko sila, hindi ko na naisip na sabihin pa sa kanila ang totoo. Chigau yo. Naisip ko iyon pero pinairal ko ang pagiging duwag kaya nagpatuloy ako sa pagkukunwari.

Tama siya. I am a liar and a fraud!

Nagbaba ako ng tingin at mariing napahawak sa sariling braso dahil sa hiyang naramdaman.

"Sasabihin ko rin naman sa inyo ang totoo," mahina kong tugon, "Humahanap lang ako ng tamang tiyempo—"

"Tamang tiyempo talaga, ha? Kailan naman iyon? Noong isang taon ko pa alam ang totoo, hanggang ngayong naghahanap ka pa rin?"

Napapitlag ako nang magmura pa ito. She looked like she's running out of patience. I couldn't blame her though. Hindi ko rin mapapatawad ang sarili ko kung ako ang nasa katayuan niya. Ikinuyom ko sa naisip ang nanlalamig kong mga kamay.

"Bigyan mo pa ako nang kaunting oras, Cecilia. Sasabihin ko rin sa kanila ang lahat."

Mataman niya akong tinitigan, tila tinitimbang ang pangakong binitawan. Ilang sandali pa ay kumilos ito at nilapitan ang aking kinatatayuan.

"Siguraduhin mo lang na totohanin iyang sinabi mo. Dahil kung hindi, ako mismo ang hahatak sa iyo palabas ng Asteria," asik nito. Binangga pa nito ang aking balikat bago umalis.

Hindi ako takot kung gagawin niya man sa akin ang pinangako niyang paghatak. Mas takot ako sa posibleng maging reaksyon ng mga kaibigan nito. I'd rather have her pull my hair than see the disgust and hatred on their faces — on that person's face.

Hindi ako nakatulog nang maayos buong magdamag. Iniisip ko kung anong mabuting paraan para ipaalam sa kanila ang tunay kong kasarian.

Should I show up in a dress?

"Are you still there, my precious, beautiful daughter?"

"Ha?" Napatingin ako sa screen ng aking computer nang marinig ang pamilyar na boses. Nakalimutan kong nag-uusap nga pala kami ni Gene.

"Parang ang lalim yata ng iniisip ng maganda kong anak ngayon, a? May problema ba? Baka may maitulong si Daddy..." Natauhan ako nang makita ang nag-aalala nitong hitsura.

"Sorry, Gene, that's not it. Medyo napuyat ako kagabi kasi may tinatapos akong libro. Ang ganda kasi ng kwento kaya hindi ko tinigilan hangga't hindi ko siya natatapos," pagdadahilan ko.

Sinungaling!

Parang may bumundol sa dibdib ko nang maalala ang sinabi ni Cecilia.

"Sou ka! You've been reading books..." There was nostalgia in his eyes when he said that. Doon ko lang naalalang mahilig nga pala sa pagbabasa ng mga libro ang asawa nito. Muli ko na namang naramdaman ang mariing pagpiga ng aking puso.

"Ano, Gene..."

"Nakakatuwa siguro iyong nabasa mo, ano? Hindi mo na nabitawan dahil kapanapanabik iyong mga eksina?" Nakangiti siya pero hindi ito abot sa kanyang mga mata.

Paper Stars (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon