Dalawang linggo.
Dalawang linggo ng hindi pumapasok ang apat. Hindi ko rin sila makita na pagala-gala rito sa school.
Totoo ba ang sinasabi ni Pat na nawawala sa sarili si Trane?
Dalawang linggo na pero ako pa rin ang topic ng mga students dito sa Cleram High School.
"Siya 'yon."
"Hindi ko alam kung mabibilib ako sakanya e."
"Paano niya naman nagawa 'yon?"
Sa dalawang linggo, araw-araw akong nakakarinig ng mga gan'yang salita, sinasanay ko na lang ang sarili dahil mukhang matagal humupa ang anumang isyu na nagaganap rito.
"Good morning, Leisha, can I see your notes?" Bungad ni Kleo. Naupo naman ako sa silya ko at agad na kinuha ang kailangan niya.
Iniabot ko ito sakanya at nagpasalamat naman siya, aniya ibabalik na lang mamaya pagkatapos niya magsulat.
Napabuntong-hininga ako.
Dalawang linggo and tomorrow is my birth month. Magagawa ko kayang mapapayag pa si Trane gayong hindi naman siya nagpapakita?
Napalingon kaming lahat sa labas ng classroom nang may nagsitakbuhan na mga estudyante. Napatayo ako. Napatingin pa ako sa magkapatid na hindi man lang natinag sa nangyayari sa labas.
What's happening?
"Tama na!"
"Tigilan mo na ako!"
Mas lalong dumami ang tao sa labas at dahil na cu-curious ako kung ano ba talaga ang nangyayari ay lumabas na rin ako ng room. Only to see Trane, punching someone. Nakapatong si Trane sa isang lalaki habang walang awang pinagsusuntok ito.
Nangunot ang noo ko nang makita ang tatlo na hindi man lang inaawat si Trane. Ni teacher ay walang dumadating upang pigilan sila.
Ang mga nanonood ay tahimik lang, walang balak na sumigaw o gumawa ng anumang ingay.
Nang tumigil sa pagsuntok si Trane ay tumayo ito. Binigyan naman siya ni Persley ng tissue para ipunas sa kamay niyang puro dugo. Napansin ko rin ang maliit na pasa sa pisngi ni Persley at sa may bandang noo naman ang kay Railey.
Sa'n sila nanggaling at anong ginawa nila?
Para akong tuod na nakatayo lang sa pwesto ko nang maglakad palapit sa'kin si Trane, titig na titig ako sakanya habang papalapit siya pero nilagpasan niya lang ako.
Did I do something wrong? Or hindi niya lang talaga ako napansin?
Agad naman na sumunod si Railey at Clerard na nilagpasan rin ako. Nahuli si Persley pero tumigil siya sa kinatatayuan ko.
"Pinagtripan lang kita noon pero hindi ko alam na magagawa mo 'yon kay Trane. You really are something, Leisha." saad niya, hindi man lang ako tinitigan.
Napabuntong-hininga ako. Kasalanan ko ba talaga 'yon? Wala naman akong ginawa ah?
"Ang hindi maglinis, aasawahin ko!" sigaw ni Carlo nang matapos ang morning class. Kahit na nandito na sila Trane malakas pa rin loob niya gumawa ng kalokohan.
Nakita ko na agad na kumuha ng walis tambo si Kiev na sinundan naman ni Kleo. Narinig ko naman ang tawa ni Carlo.
Nang lumabas sila Trane ay agad ko itong sinundan. Halos madulas pa ako dahil sa pagtakbo. Naabutan ko siyang nasa parking lot at ang iba niyang kasama ay nauna nang nagpa-andar ng kani-kanilang kotse.
Pumunta ako sa unahan ng kotse niya at iniharang ang dalawa kong kamay. Nang malaman kong napansin niya na ako ay dumiretso ako sa may bintana ng kotse niya at kumatok.
Hindi niya binaba ang bintana pero paghawak ko sa pinto ng kotse ay hindi ito naka lock kaya kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para makapasok sa kotse niya.
"Trane," pagtawag ko pero hindi man lang niya ako nilingon. "G-Galit ka ba?"
"No."
"B-Bakit 'di niyo ako pinapansin?"
"Ako lang ang hindi pumapansin sa'yo, anong niyo?" Biglang sagot niya. Namangha naman ako nang marinig ang tagalog niya.
"Pati sila Clerard hindi ako pinapansin e,"
"Kasalanan ko?" tanong niya pa. Pinaandar niya ang kotse at lumingon sa'kin.
"T-Teka, sa'n mo'ko dadalhin?" tanong ko pero hindi niya naman ako pinansin.
Nakakainis talaga! Kung may libro lang sana ako rito kanina ko pa siya nabato.
Nakarating kami ng Mall at nakasunod lang ako sakanya. Tumigil siya sa may food court ng Mall at naupo sa may table. Hindi pa man siya nag-o-order ay may dumating na.
Milktea. Dalawa, akin yata ang isa. Wala naman siyang sinabi at itinusok na lang ang straw niya saka uminom.
"What do you want?" Biglaang tanong niya. Napatingin naman ako sakanya pero sa cellphone niya siya nakatingin.
Napaayos ako ng upo. "Ano..." Hindi ko alam ang sasabihin lalo pa't ngayon lang ulit kami nagkita.
"W-Will you be my boyfriend?" I asked. At gaya ng inaasahan ko, the fuck lang ang isinagot niya.
"Boyfriend. As in, boyfriend. Well, ano, g-gusto kita, k-kaya gusto kong maging boyfriend ka." Naiilang kong saad. Fuck! Am I really doing this? At saka gusto? Kailan pa ako nagkagusto sakanya?
"No."
Sa haba ng sinabi ko, no lang ang sagot niya? Hindi pwede! July na bukas! My gosh, talaga bang maikakasal ako sa hindi ko kilala? Mas gugustuhin kong si Trane iyon kesa naman ibang lalaki na hindi ko pa nakikilala.
"Sige naman na o! Gusto talaga kita. Bakit mo naman ako dinala rito kung ayaw mo naman pumayag sa gusto ko?"
"Did I just say that I want to talk to you?" He looked at me. "No, right? I dragged you here because it'll be rude if I let you out of my car."
Bwisit!
Bakit parang tama ang sinabi niya?!
Wala pa man kaming fifteen minutes dito ay naubos niya na kaagad ang milktea at hindi ko man lang nakalahati ang akin dahil gusto ko talaga siyang makausap ng matino!
"Trane, sige naman na, I know your past pero nire-respeto ko 'yon, m-may problema lang talaga ako—"
"Then don't let me in to your problem. 'Wag mong idamay ang past ko rito, Leisha, you know nothing." He seriously said.
Natigil naman ako dahil sa sinabi niya. Masyado na ba akong nakikisawsaw sa buhay niya?
Napabuntong-hininga ako at hindi na lang ulit nagsalita, baka kapag nagpatuloy pa ako ay hindi na niya ako ibalik sa school.
Tahimik lang kaming dalawa hanggang makabalik sa school. Umiba ako ng daan para hindi na ako pagpiyestahan pa ng mga estudyante rito. 'Yong unang isyu nga hindi pa humuhupa ito pa kaya.
"Leisha!" Si Dyna na nakaabang na naman sa labas ng classroom namin. Hindi talaga 'to magpapahuli sa kwento ng buhay ko.
"Ano? Sabi ni Kleo sumunod ka daw kay Trane, sa'n kayo galing?"
"Mall. Mahilig pala siya sa milktea?" Pumasok ako ng room at sumunod naman siya.
Tumango siya at naupo sa tabi ko. "How's your Operation: paibigin ang snaberong poging lalaki sa school?"
"Failed."
"Baka kasi wala ka namang ginagawa?" tanong niya pa.
Napaisip naman ako. Oo nga, panay lang ako kausap sakanya, wala man lang akong ibang ginagawa para paibigin siya.
Bakit ang bobo ko sa part na 'yon?
YOU ARE READING
Loving A Brokenhearted Man [Completed]
БоевикSi Leisha Dianne ay isang palaban na babae. Hindi mo gugustuhin na inisin siya dahil babatuhin ka talaga niya ng libro. Hindi siya makapaniwala nang sabihin ng Ate niya na kailangan niyang pumili ng taong po-protektahan siya para hindi siya matulad...