Simula nang iwan ako ni Trane kagabi ay hindi ko na siya nakitang bumalik pa.
Ngayon iniisip ko sa sarili ko kung ano nga ba ang making nagawa ko. May mali ba sa'kin? May nagawa ba ako? May nagawa ba ako na hindi niya nagustuhan? Pagod pa rin ba siya?
Pwede naman siyang magpahinga ah, tapos kausapin niya ulit ako.
"Ganda mo, Prinshy!"
Napilitan akong ngumiti. "Nambola ka pa," malumanay kong sabi kay Persley.
It's Tito Tyron's birthday. Pinasuot lang ako ng pinsan ni Trane ng isang simpleng blue dress, below the knee. She even bought a pair of sandals para mahiram ko.
"Bakit naka blue ka rin? Ano 'to kasal?" nakangiting tanong ko sa kaniya.
"Epal, gusto ko matchy-matchy tayo e, bakit ba?"
I just smiled at him. Bumaba na kami galing sa kwarto ni Trane. Marami na rin ang tao sa baba. Halos lahat ay mga matatanda, lahat ay ka-business.
"Mabuti pa sila may mga jowa," it's Persley.
"Inggit ka lang kasi 'di mo mapasagot si Dyna."
"Inggit na inggit talaga ako," umirap pa siya. "Wala man lang akong mapag-inartehan."
I chuckled. "Talagang 'yan ang iniisip mo?"
"Oo, bakit kayo lang ba mga babae pwede mag-inarte?"
I pouted. Nag-iinarte rin pala ang mga lalaki sa girlfriend nila.
Hinila niya ako palapit sa buffet. Kanina pa nagsimula at sumasayaw na ngayon ang mga tao. I saw Tito Tyron, kahit na may edad na ay hindi pa rin nawawala ang kagwapuhan nito. Katabi naman nito ang asawa niya.
"Dito ka lang ha?" bilin niya. Tumango naman ako. Wala naman akong ibang kasama rito kaya wala akong magagawa.
Kiev and Kleo, hindi ko alam kung nasaan sila. Kahit na sila Clerard ay wala.
Even Trane, kaninang umaga ko pa siya hindi nakikita. Nagalit ba siya?
"Hello,"
Nang lingunin ko ito nakangiting aso na siya. Sinimangutan ko lang siya at tumalikod para harapin ang mga pagkain.
"Sungit," bulong niya.
"Bakit ka ba nandito?" mahinahong tanong ko. Lumapit naman si Austin sa katabi ko.
"Sinama ako ni Kai, nand'yan siya, gusto mo ba sumama?"
I turned my gaze at him. "Anong ginagawa niya dito?"
"He's invited?" Hindi pa siguradong sabi niya.
"Tapos sumama ka?"
"Yeah, remember? Kukunin ko pa mga damit ko—"
"Kunin mo sa bahay namin." tumalikod na ako at aalis na sana nang hawakan niya ang braso ko.
"Are you... okay?" he asked.
"Nag chismis na naman siguro sa'yo si Kai," napilitan akong ngumiti. "Okay lang ako, 'wag kang OA."
"You're not, Leisha." saad niya na nagpabuntong hininga sa'kin.
I deeply sighed. "Kunin mo na lang 'yung gamit mo sa bahay," tinanggal ko na ang kamay niyang nasa braso ko.
Hindi ko naman siyang nakitang sumunod pa.
"Uy! 'Di ba sabi ko dun ka lang?" bungad ni Persley nang makita akong nakaupo mag-isa sa silya sa likod ng bahay nila Trane, sa may garden. May mangilan-ngilan din namang mga bisita dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/321789244-288-k962967.jpg)
YOU ARE READING
Loving A Brokenhearted Man [Completed]
ActionSi Leisha Dianne ay isang palaban na babae. Hindi mo gugustuhin na inisin siya dahil babatuhin ka talaga niya ng libro. Hindi siya makapaniwala nang sabihin ng Ate niya na kailangan niyang pumili ng taong po-protektahan siya para hindi siya matulad...