Noon lang ay iniisip ko na ano kaya ang magiging future ko? O may future pa ba ako? Walang wala na ako noon. Pati ang minamahal ko ay iniwanan na ako. Hindi ko na alam ang gagawin pa sa sarili ko. Hindi ko na alam kung itutuloy ko pa ba ang buhay ko.
But thinking about the people who truly love me made me realize that they're still there. Supporting me silently. Loving me silently.
Habang iniisip ang nakaraan, gusto ko na lang maiyak. Kahit yata na pabalikin ako sa taong yun ay iyon pa rin ang pipiliin kong mangyari. Dahil kung hindi, hindi ko rin alam kung ano ako ngayon.
Masasabi kong nakayanan ko.
Hindi pa ako iniwan ng lahat. I have him. I have them. I have my two best friends, my Ate's and my Mom. Hindi pa huli para magbago. Hindi pa huli para maging matatag. Makakayanan ko hanggang ngayon.
"Baby?"
"Hmm?" mahina kong tanong. Feeling ko pagod na pagod ako kahit wala naman talaga akong ginagawa.
Lumapit siya sa'kin at inayos ang hibla ng buhok ko.
"Ang aga-aga nilalanggam ako." ani Persley sa tabi ko. He's lonely, hindi niya kasama ang asawa niya dahil may pinuntahan ito kasama ang family niya. Inasar ko pa kanina na baka hindi siya sinama ay dahil sa hindi naman siya pamilya.
"How are you feeling?" he asked. Umupo siya sa tabi ko at umusog naman si Persley, busy sa pagkain. He's always here at my house, pinapapak ang mga chocolate ko sa ref na dapat ay kay Kyron at sa mga pamangkin ko lang 'yon.
Huminga ako ng malalim at hinawakan ang may umbok kong tiyan.
"I'm sleepy," I pouted. Sumandal ako sa balikat niya at agad niya namang hinawakan ang ulo ko at hinaplos ito.
Tapos na ba ang trabaho niya? Baka tinakasan na naman niya ang Daddy niya para sa'kin.
"What do you want for dinner?" he asked.
"Ako gusto ko 'yung masarap," sabad ni Persley.
"Ikaw ba tinatanong?" iritado kong sabi rito. Nakakainis pa rin siya minsan, hindi naman siya ang kinakausap pero sagot siya ng sagot.
"Pinapasagot ba kita?" Nakangusong sabi nito.
"Siya." Itinuro ko si Trane. "Tinatanong niya ako kaya malamang ay sasagot ako."
"Don't mind him." ani Trane kaya muli akong sumandal sa balikat ni Trane. Sinabihan ko na lang siya na siya na ang bahala sa uulamin namin mamaya. Baka nga pumunta pa rito si Kiev. Hindi pa siya sa'kin nagk-kwento tungkol kay Carlo. Kamusta na kaya siya? Kamusta na kaya sila.
Kaagad akong napabusangot kinabukasan nang makita na naman si Persley na naghahalungkat ng makakain sa ref.
Kumuha ako ng sandok at pinukpok sa ulo niya.
"Palagi ka na lang nand'yan sa ref sa tuwing pumupunta ka rito!" asik ko.
Hawak ang ulo nang humarap siya sa'kin. Namilog naman ang bibig ko nang mapagtantong hindi siya si Persley. It's Railey.
Doon ko narinig ang malakas na tawa ni Persley sa likuran.
"S-Sorry, Leisha ang sabi kasi ni First ay pwede akong kumuha rito, I'm with my son." ani Railey.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at nanggilid ang mga luha ko. "S-Sorry..." parang tangang bulong ko. Bakit ba ako naiiyak.
"I-It's okay, Leisha, don't cry." Napakamot sa kaniyang ulo si Railey. "Kasalanan mo 'to!" asik ni Railey sa kapatid.
Napahagulhol ako sa hindi malamang dahilan. Lumipas ang buwan na ganito ako palagi, umiiyak ng walang dahilan, palaging gutom at palagi ring inaantok.
"Huy! Prinsesa, tahan na." Pang-aalo sa'kin ni Persley. Lumapit siya sa'kin at hinaplos ang likod ko.
YOU ARE READING
Loving A Brokenhearted Man [Completed]
AksiyonSi Leisha Dianne ay isang palaban na babae. Hindi mo gugustuhin na inisin siya dahil babatuhin ka talaga niya ng libro. Hindi siya makapaniwala nang sabihin ng Ate niya na kailangan niyang pumili ng taong po-protektahan siya para hindi siya matulad...