"Ate!" Pagkababa ko ng kotse ay siya kaagad ang nakita ko sa main door. Tumakbo ako palapit sakanya at mahigpit siyang niyakap. Hindi pa man siya nagsasalita ay naiiyak na ako.
I miss her so much.
Inilayo niya ang mukha ko para mapagmasdan ang itsura ko. Tumulo ang luha ko nang matitigan ang mga mata niya.
Ngumiti siya pero naiiyak rin naman siya. "You're still a crybaby," aniya pa.
"I-I miss you so much, Ate, b-bakit ngayon ka lang? Akala ko iniwan mo na rin ako." Nagtatampong saad ko at yumakap ulit sa kaniya.
Halos isang taon na kaming hindi nagkikita. Kasal na siya at doon na nga tumitira sa asawa niya. Ako ba ay handa ring maikasal pagtungtong ng dise-otso? Hindi.
Ayokong matulad kay Ate na ipinakasal lang ng dahil sa pera. Walang pagmamahal na involve doon.
"I miss you too, Lei, I'm sorry, ngayon lang si Ate." Patuloy niya na ibinubulong ang salitang 'I'm sorry'
Tinignan ko ang mukha niya, kabuuan niya kung okay lang ba siya. Doon ko napansin ang pasa sa kanang braso niya. Totoo ba ang balitang nakarating sa'kin na sinasaktan siya ng asawa niya?
"Hindi ka ba niya pinapalabas ng bahay?" Nag-aalalang tanong ko. "At saka, ano 'to?" Turo ko sa braso niya.
Mabilis niya naman itong tinakpan at saka pinunasan ang mga luha. "W-Wala 'to, nahulog kasi ako sa hagdan kahapon kaya gan'yan, s-sa susunod mag-iingat na ako."
"Ate..."
"Totoo nga, Lei, nahulog ako sa hagdan, okay?"
Napabuntong-hininga ako, wala akong nagawa, iyon nga talaga ang nangyari.
"Kamusta ka naman sa bagong school mo?" Nakangiting tanong ni Ate.
Matapos ang iyakan namin kanina ay dinala ko siya rito sa garden namin. Nagdala rin ako ng makakain baka sakaling hindi pa siya nag me-meryenda.
Kumagat muna ako sa sandwich na hawak ko at nakangiting tumingin sakanya.
"Ayos naman, Ate, need mag adjust kasi iba talaga siya sa dati kong school." Lalo pa't may mga gago sa school ko ngayon.
"Masanay ka na, dalawang taon ka pa doon,"
"Oo naman, Ate," at dalawang taon rin akong bi-bwisitin ng Persley na 'yon.
"So, do you have a friend?"
Agad akong napatango. "Opo, Dyna ang pangalan niya,"
"E, boyfriend?"
Napataas naman ang kilay ko. "Ate? Malamang wala,"
"Lei, kailangan meron," naging seryoso na naman ang mukha niya. "Ayokong matulad ka sa'kin. You should find someone na maipaglalaban ka. Someone na willing kang protektahan. Malapit ka na mag eighteen. I don't want you to suffer."
Sa sobrang inis ko ay naiyak na lang ako sa isipin na kapag wala akong mahanap na sasagip sa'kin sa sitwasyon na 'yon ay mapupunta ako sa hindi ko kilalang tao at ipapakasal pa talaga rito.
"Why does that have to happen?" Huminga ako ng malalim. "B-Bakit kailangan 'yon gawin ni Daddy? B-Bakit ang dali lang sakanya na ipamigay tayo sa taong hindi natin kilala? Tinanong ba niya kung agree tayo sa desisyon niya?"
Umiiyak namang tumayo si Ate at nilapitan ako saka niyakap.
"Why does that have to happen, Ate. Why?" Humigpit ang yakap ko kay Ate habang hindi ko na napigilan ang umiyak ng malakas.
Gusto kong marinig ako ngayon ni Daddy para lang itigil niya na 'tong kahibangan niya. Anak niya kami, parehas kaming babae pero ipapamigay niya lang? Does he have a heart? Mahal ba talaga niya kami? And where's Mom? Did she really abandoned us?
Bakit... Bakit ang unfair nila?
"Lei, listen to me." Hinawakan niya ang pisngi ko upang mapaharap sakanya. "I want you to find someone na kaya kang protektahan at ipaglaban, even kay Dad. Choose one, yung comfortable ka kapag kasama mo siya, 'yong safe ka kapag kausap mo siya. Choose that person, Lei."
Mas lalo lang akong naiyak dahil sa sinabi niya. Ilang buwan na lang at eighteen na ako. Ano na lang ang mangyayari sa buhay ko kung hindi ako makahanap ng taong kaya akong ipaglaban?
Biglang sumagi sa isip ko si Clerard. Siya ba? Agad rin akong nanlumo nang maalalang may girlfriend nga pala 'yon. Si Kleo ay hindi pwede, sa apat pa nga lang ay takot na 'yon, kay Daddy pa kaya? Mas lalo na si Kiev, bata pa ang isang 'yon. Isang tao na lang ang naiisip ko.
Trane.
"Promise, Ate, hindi ko hahayaan na gawin ni Dad sa'kin ang ginawa niya sa'yo."
She smiled. "I love you, Lei."
"I love you too, Ate." usal ko pero napalitan lang din kaagad ng hagulhol.
-
"Operation: paibigin ang snaberong poging lalaki sa school."
"Ang korni mo." Asik ko kay Dyna. Anong snaberong poging lalaki snaberong lalaki lang, walang pogi, na kay Siopao na 'yon e.
It's Monday pero hindi ako nagsayang ng oras para hindi makwento ang lahat kay Dyna. Iba't iba ang reaksyon niya, lalong-lalo na nung nabanggit ko si Trane.
"Tama naman ah? Ayaw mo ba na tulungan kita?" Inosenteng tanong niya pa.
"'Wag na, kaya ko naman, alis na, nand'yan na raw si Ma'am niyo."
"Ang sarap mo sampalin! Ikaw na nga tinutulungan."
"Sumbong kita sa teacher niyo na palagi kang nangangapitbahay kaya ka laging late."
"Heh!"
Masama ang mukha niyang lumabas ng classroom namin. Sa totoo lang, kahit na kailangan ko man ng tulong niya e hindi naman niya ako matutulungan kasi bukod sa hindi kami nagkakasama, ay hindi rin siya siguro maalam sa mga tricks kung pano magpaibig ng isang lalaki.
"Hi!" Kaway ko kay Siopao nang makapasok sila ng classroom. He waved back at naupo na sa silya niya sa unahan. Nasa pinakalikod naman si Trane. Na-adjust kasi ang inuupuan ko, nasa second to the last row na ako nakaupo. Pangit rin pala kapag nasa pinaka last talaga.
Umpisahan ko na ba?
Malamang! Baka gusto mong mag eighteen ka muna bago mo umpisahan?
Napabuntong-hininga ako at lumipat ng upuan, katabi ni Trane. Siya lang 'yong nasa likuran nakaupo. Iyong kambal ay nasa unahan na kasama si Clerard.
"Hi." Bati ko. Hindi man lang ako pinansin. He's chewing gum at sobrang fine ng jawline niya.
"The fuck are you doing?"
I stiffed as I heard his manly voice. Shet na malagkit. Ganito pala boses at itsura niya kapag nasa malapit. Sa sobrang tulala ko kanina ay hindi ko na napansin na nakahawak na pala ako sa panga niya.
Napaawang ang labi ko no'ng nag-angat ng tingin dahil sa lapit ng mga mukha namin.
Those eyes.
"I said, what are you doing?"
"A-Ah..." Wala akong masambit na salita.
"Can you please back to your seat?" Nagsalita ulit siya.
Ultimo paggalaw ng labi niya ay napaka sexy. Sexy? No way.
"O-Okay," na lang ang nasabi ko. Habang pabalik sa upuan ay sakanya parin ako nakatingin. Bakit yata parang pumo-pogi siya? May isa pa akong napapansin e.
Bakit?
Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?!
YOU ARE READING
Loving A Brokenhearted Man [Completed]
AcciónSi Leisha Dianne ay isang palaban na babae. Hindi mo gugustuhin na inisin siya dahil babatuhin ka talaga niya ng libro. Hindi siya makapaniwala nang sabihin ng Ate niya na kailangan niyang pumili ng taong po-protektahan siya para hindi siya matulad...