Nagkagulo ang paligid at kaagad naman akong nahila ni Pat palayo roon. Sigurado akong may nakapasok na naman na kalaban ng mga Villaquer.
"Sandali! Saan mo'ko dadalhin?!" Sigaw ko rito.
"'Wag ka nang mag tanong, sumunod ka na lang!" asik niya pa.
Sa inis ko ay bumitaw ako sa kanya at nag-iba ng direksyon. Narinig ko pa siyang tinawag ako. Patuloy lang ako sa pagtakbo habang nagkakagulo sa paligid ko.
Napadapa ako nang may tumulak sa'kin. Naapakan pa nila ang paa ko kaya napadaing ako.
Nasaan na ba si Persley? Akala ko ba mabilis lang siyang babalik?
Sinubukan kong umupo pero napahawak lang ako sa tainga nang makarinig ng putok ng baril. Nagtago ako sa ilalim ng lamesa at napahilamos sa mukha.
Kailan ba matitigil 'to?! Kailan ko dadanasin ang lungkot na 'to?! Kailan ko dadalhin ang galit na 'to dahil sa nagpanggap kong Ama?!
Pinunasan ko ang luhang tumulo at lumabas ng lamesa. Nakayuko pa ako habang patuloy sa paglalakad para makaalis na rito.
All I want is to go home. The real home.
Humihikbi akong naglalakad na parang malantang gulay kahit pa man na nagkakagulo na sa paligid. Nakita ko pa si Tito Tyron na nakatingin sa'kin. Akma siyang lalapit sa'kin nang hilahin siya palayo ng asawa.
"Hanapin mo muna ang mga bata!" utos ng asawa niya.
Pilit akong ngumiti at umiba ng direksyon. Walang may gusto sa'kin. I don't have anyone anymore. Pati ang boyfriend ko ay ayaw na rin sa'kin.
Talaga bang nung nalaman niya lang ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Ate Leiren ay hindi niya na ako pinansin? Pinamukha niya pang rebound lang ako, isa lang akong panakip butas.
"Leisha!" boses ni Austin.
Naramdaman ko ang paghawak nito sa braso ko. Nilingon ko siya kahit na nanlalabo ang mata dahil sa luha.
"L-Let me go," inalis ko ang kamay niya pero mas lalo niya lang itong hinigpitan.
"'Wag kang makulit." seryosong sabi nito. "Ilalayo na kita rito." aniya.
Itinakbo niya ako palabas ng bahay ng mga Villaquer. Gusto niya pa nga akong buhatin dahil sa bagal ko. Ewan, nawawalan ako ng gana sa lahat. Mas gusto ko pa ngang maiwan na lang doon sa loob.
"Travis! Stop!"
"Rad, please, please, forgive me."
"Travis, tapos na! Tigilan mo na ako!"
Napatingin ako sa nag-sisigawan na sana hindi ko na lang pala ginawa. Natigil ako sa pagtakbo at gano'n din si Austin.
Kitang-kita ko kung paano halikan ni Trane si Ate. Kitang-kita ko ang mapusok niyang halik.
Parang pinipiga ang puso ko ngayon na makita siyang gan'yan. Kaya ba hindi niya maituloy ang gusto niyang gawin kagabi ay mas gusto niyang kay Ate 'yon gawin?
Dumilim ang paningin ko. Hindi dahil s nahimatay ako. Kun'di dahil sa kamay ni Austin na tinakpan ang mga mata ko.
Nanghihina ko itong tinanggal at hinayaan niya naman ako. Mas lalo lang akong nanlumo nang makita kong nakaluhod na si Trane sa harap ni Ate.
Sunod-sunod na tumulo ang luha ko nang mapasinghap siya.
Nandito ako, Trane...
Nandito ako, baby, hinding-hindi kita iiwan.
"C-Comeback to me. Comeback to me, Rad. I-I'll promise to you... P-Pinapangako ko na hindi na kita iiwan." sabi ni Trane na dumurog sa'kin.
He wants Ate back. How about me? I don't have anyone, don't you want to choose me?
YOU ARE READING
Loving A Brokenhearted Man [Completed]
ActionSi Leisha Dianne ay isang palaban na babae. Hindi mo gugustuhin na inisin siya dahil babatuhin ka talaga niya ng libro. Hindi siya makapaniwala nang sabihin ng Ate niya na kailangan niyang pumili ng taong po-protektahan siya para hindi siya matulad...