Nang makauwi ako ay nagkulong lang ako sa kwarto ko.
Dati, hindi ko alam ang sinasabi nilang sakit kapag nagmamahal, ngayong naranasan ko na, masasabi kong hindi madali ang pinagdadaanan nila. Oo at hindi ko pa naranasan noon ang magmahal, pero hindi ko rin alam na ganito rin pala kasakit magmahal.
If you're not hurting, that's not love.
I let out a sigh. Ginulo ko ang buhok ko pagkatapos mag shower, lumapit ako sa upuan at nanalamin.
Ang pangit ko na.
Who would have thought na iiyak ako ng ganito? Hindi ko kailanman inisip na magkaroon ng boyfriend. All I want is to graduate from college and have a nice job, so that makakaalis na ako sa bahay na 'to.
Nang matapos kong patuyuin ang buhok ay kinuha ko ang cellphone ko. Walang message sa kahit na sino.
Bakit ba ako nag e-expect?
Hinayaan ko na lang ang sariling hilahin ng antok. Napagod rin ako sa mga nangyari sa araw na 'to.
Kinabukasan ay hindi na ako pumasok. Wala akong mukhang ihaharap sa kanila, lalo na kay Trane. Baka nga mas gusto pa no'n na hindi ako makita.
"Pikit ka." ani ng makeup artist. Nilagyan niya ng eyeshadow ang mata ko habang ang isa naman ay kinukulot ang buhok ko, sa ibabang parte lamang. Lagpas balikat lang naman ang buhok ko, kahit yata i-straight ay okay na lang sa'kin 'yon.
Ang bilis ng araw. It's finally my 18th birthday and my... engagement party.
"Please all welcome our debutant, Leisha Dianne Fernandez that soon-to-be Villare."
Muntik na akong masuka sa sinabi ng emcee. Siya nalang magpakasal sa unggoy na 'to kung gusto niya.
Naka angkla ang kamay ko kay Kaizen habang naglalakad dito mismo sa hotel. He's wearing his usual black suit. At alam niyo ba kung sino ang may bitbit ng mahaba kong gown sa likod?
"Pakibilisan po Ma'am ang lakad, naaapakan ko po kasi." Reklamo ni Dan.
Napabuntong-hininga ako sa inis. Ako na yata ang pinakanaiinis sa mismong araw ng birthday niya! Mga tao ngayon pa bwesit ng pa bwesit!
Binilisan ko na lang ang lakad ko kahit pa nakasuot ako ng heels. Mabuti na nga lang na ang naipili kong gown ay walang ano mang sagabal sa loob kapag susuotin mo.
Naupo ako sa trono ko daw at tinignan ang mga taong dumalo. Nakita ko ang iba kong mga classmate at ibang strand. Invited talaga sila ha?
On the left side, nakita ko si Dyna, looking beautiful in his pink floral dress. Katabi nito si Kiev at Kleo. Kumaway sila kaya ngumiti ako. Okay lang, at least, pumunta sila.
May itinuro si Kiev kaya lumingon ako rito. I saw Carlo together with his girlfriend.
Nag thumbs up nalang ako kay Kiev para sabihing ayos lang 'yan.
Nangunot ang noo ko nang marinig ang kantang 18 ng one direction. Ang OA talaga kung sino man nag organize nito! Kanina This I Promise You nung naglalakad kami ni Kaizen, ano 'yon ikakasal na kami?! Hello?! It's my birthday kaya!
Okay sana yung 18 ng one direction kung hindi lang ako naiinis sa pagmumukha ni Kaizen!
"I have loved you since we were 18. Long before we both thought the same thing, to be loved and to be in love..."
"All I can do is say that these arms
Are made for holding you, oh-oh"Napansin ko ang mga taong palinga-linga sa paligid. May hinahanap yata. Sobrang daming tao, halos lahat ay hindi ko naman kilala.
Talaga bang inimbita sila ni Dad?
"I wanna love like you made me feel...
When we were 18."Nagsimula na ang okasyon, I just dance with the boys slash my 18 roses. Iyong iba ay dala-dalawa ang ibinibigay na bulaklak. Most of them ay hindi ko talaga kilala, isa pa 'yang si Kaizen. For my first dance, it's Dad. Binilinan niya pa ako na 'wag gagawa ng eksena.
"He is sensible and so incredible
And all my single friends are jealous..."And for my last dance, it's Kiev.
"Gorgeous mo." Aniya.
"He says everything I need to hear, and it's like
I couldn't ask for anything better..."Hahampasin ko sana siya nang mapansin ang cast. May mga sulat ito at iba iba pa ang kulay.
"Can I write?" I asked. Walang pake sa mga nanonood sa'min. Pakialam ba nila, kaibigan ko 'to e.
"He opens up my door and I get into his car
And he says, you look beautiful tonight...""Of course." Kinuha niya ang pentelpen sa bulsa niya at ibibigay sa'kin. Inilapit niya naman sa'kin ang braso niya.
Chase your dream, K. :)
"And I feel perfectly fine... But I miss screaming and fighting and kissing in the rain. And it's 2 a.m. and I'm cursing your name. So in love that you act insane... And that's the way I loved you."
Ibinalik ko ang pentelpen sakanya at napansin ko naman ang pagngiti niya.
I patted his head as he walked away from me. Bumalik ako sa inuupuan kanina at nagsimula naman magbigay ng messages sa'kin si Dyna, Kleo, Kiev, at Kaizen.
Ate Leiren is not here yet. Kanina pa nagsimula ang party pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya.
"We're all happy that we have you guys here." Saad ni Dad. "We're going to witness the love of my daughter and his fiancé Villare."
I bit my lower lip. He's really doing this? To his own daughter?!
He raised his glass and the crowd cheers for my Daddy's speech.
Naikuyom ko ang aking kamao. Is he really doing this?!
Kaya pala gano'n na lang ang galit ni Ate no'ng inanunsyo na ikakasal na siya. Napakasama! Puro iniisip ay pera! Hindi pa ba sapat sakanya ang kinikita ng kompanya?! Kailangan niya pa talaga ng mas maraming pera? Para ano? Para ipagmayabang?!
"And I was dying inside to hold you.
I couldn't believe what I felt for you...""Congratulations, hijo."
Nakipagkamay si Kaizen sa mga kaharap na matanda. Hawak niya ako sa baywang at sobrang higpit no'n. Napairap ako. Akala mo naman ay tatakasan ko siya.
"Dying inside, I was dying inside.
But I couldn't bring myself to touch you.""Naiihi ako." Bulong ko kay Kaizen. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa'kin. He looked at me.
"Faster." Saad niya. Hindi siya makaalis dahil sa mga kausap niya. Kapag ginawa niya 'yon, magmumukha siyang bastos kausap.
Talagang naniwala siya na naiihi ako? Tanga ba siya? Paano naman ako iihi sa itsura kong 'to.
I smiled at them. I turned my back at hirap na bitbitin ang mahabang gown.
Sino ba kasi may sabing ito ang piliin ko?
"Kapag talaga napa hindi ko si Dad, ay uupakan ko 'yan si Kaizen. Kapal ng mukhang hawakan ako sa beywang." I murmured. Inis na inis, lalong lalo na sa pagmumukha niya.
"One hello changed my life.
I didn't believe in love at first sight.""I'm sorry." Saad ko sa nakabangga. Inangat ko ang aking paningin, only to see Trane. Looking at me intently.
Lalagpasan ko na sana siya pero hinawakan niya ang kamay ko at pinaharap sa kanya.
"What?!"
"Dance with me."
YOU ARE READING
Loving A Brokenhearted Man [Completed]
ActionSi Leisha Dianne ay isang palaban na babae. Hindi mo gugustuhin na inisin siya dahil babatuhin ka talaga niya ng libro. Hindi siya makapaniwala nang sabihin ng Ate niya na kailangan niyang pumili ng taong po-protektahan siya para hindi siya matulad...