"W-Why did you get her pregnant?"
Napaawang ang bibig ko at napakurap-kurap.
Nabuntis ni Railey ang girlfriend ni Carlo? Si Reiza?
Paano? I mean, bakit?!
Paanong nagkakilala ang girlfriend niya at si Railey. At... ikakasal na sila ng fiance niya, bakit nangyari 'to?
Anong ginawa ni Railey? At saka, best friend sila? Kailan pa? Bakit hindi ko sila nakikitang magkasama! Lalong-lalo na nung first day of school!
Napabaling ako kay Trane. Umiling lang siya, ayaw sagutin ang kung ano mang itatanong ko.
"I-Ikakasal na kami, Rai," mahinang saad ni Carlo.
Hindi ako makagalaw dahil sa mga nangyayari. Gulong-gulo na ako. Marami pa akong hindi alam sa mundo nila. Kung anong klaseng tao sila, kung anong pinagsamahan ang meron sila.
"S-Sorry..." usal ng nanghihinang si Railey. Kinuha nito ang kamay ni Carlo na nasa kwelyo niya at tinanggal. "Nagkulang ka,"
Napasinghap naman si Carlo. Kasunod no'n ang sunod-sunod na pagtulo ng luha niya. Hindi niya na nakayanan at napaluhod na siya sa sahig.
Doon ko lang napagtanto na sobrang mahal niya ang girlfriend niya, ang fiance niya, ang magiging asawa niya.
"Carlo..." pagtawag ko. Pinunasan ko ang luhang nasa pisngi at lumapit sa kaniya. Niyakap ko siya at wala naman siyang ginawa, hinayaan niya ako. Rinig na rinig ang pag-iyak niya kaya mas lalong sumisikip ang dibdib ko.
Totoo bang nagkulang siya? At nahanap 'yon ng girlfriend niya kay Railey?
"T-Tahan na," pang-aalo ko. Puro lang siya singhap at kuyom ang mga kamay niya.
Naramdaman ko ang paghila sa'kin ni Trane palayo kay Carlo. Pinaharap niya ako sa kaniya at pinunasan ang luha ko sa pisngi.
"Stop crying," usal niya.
Huminga ako ng malalim at tumango sa kaniya.
"He'll be okay." aniya pa.
Napansin ko ang paglapit ni Kiev kay Carlo at inakay naman ni First ang kambal niya palabas ng classroom. Huli na nang dumating ang bodyguard.
"Railey really love your girlfriend, Carlo." It's Clerard. Lumapit siya kay Carlo at tinapik ang balikat nito saka lumabas.
"Sa'kin siya, g-girlfriend ko siya..." usal pa ni Carlo Jisean.
Hindi naman porke mahal ni Railey si Reiza ay gagawin niya na yun sa best friend niya. That feeling of betrayal. Nagkulang si Carlo kaya hinanap ni Reiza yun sa iba at natagpuan niya 'to kay Railey na alam kong palaging nasa tabi niya. Siguro nawalan rin ng oras si Carlo.
Hindi nakontento si Reiza.
What if she doesn't really love Carlo Jisean?
Nalungkot ako para kay Carlo. Mukhang pure pa naman ang pagkagusto niya sa girlfriend niya. It's so hard to find someone like him na walang reklamo kahit pa malayo ka para sunduin. At puntahan ka kahit na sobrang layo mo.
Maybe Railey can take care of her.
"Trane, dati na bang magkaibigan sina Railey at Carlo?" I asked. Pababa kami ng hagdan papuntang parking lot.
As usual, nauna na si Dyna, ni hindi nga niya naabutan 'yong away ng magkaibigan daw.
"I don't think I can tell you this, but," he stopped. Bumaling siya sa'kin. "Isa si Carlo sa katulad nila Kiev na tinulungan namin."
Nangunot naman ang noo ko.
"Natagpuan namin siyang magpapakamatay sa isang tulay. He said, his father disowned him."
I suddenly feel sad. Tapos ngayon, inayawan na rin siya ng girlfriend niya. Sino na lang ang makakasama niya?
"Don't worry about him, he's brave, besides Kiev is on his side." he said as he patted my head.
Napilitan akong ngumiti. Close rin si Kiev at Carlo?
Ikinwento niya sa'kin na bata pa lang sila Kleo ay sila na Ang tumutulong rito, katulad nga ng sabi ni Kiev. He even said that close na close si Kiev at Carlo noon. Hindi niya rin alam ang dahilan bakit hindi na nagpapansinan ang dalawa.
Bago siya sumakay sa kotse niya ay may ibinigay siya sa'kin. It's an invitation card.
"Birthday ng Daddy mo?"
"Daddy natin."
Napangiwi ako sa kakornihan niya. "Sira ka," umirap ako. "Invited ako? Sigurado ba 'yan? Baka mamaya gawa-gawa mo lang 'to,"
He smiled. "You're invited, kitten."
"Sigurado?" tanong ko pa at tumango naman siya. "E paano sila Railey at Carlo?"
"I don't think CJ can come." aniya.
"Sana maging okay na siya." I sighed. Hindi naman niya yun basta-basta malilimutan. He got betrayed by his best friend.
Nang makarating si Kuya Leo para sunduin ako ay matagal pa siyang tumitig sa katabi ko. Tinulak ko na si Trane pero ayaw niya talagang magpaawat.
Nakayuko namang lumapit sa'min si Kuya Leo. "Bilisan lang daw po ang uwi, Ma'am," aniya.
Wala akong nagawa kun'di ang kumaway kay Trane. Kinaway niya naman ang phone niya at itinuro ito. Telling me not to forget to text him. I just nodded at sumakay na ng kotse.
Nang makarating kami sa bahay ay naroon si Kaizen at Daddy na nag-uusap.
"You're here," bungad ni Dad. Umupo ako sa tabi ni Kaizen.
"Bakit po?" tanong ko. Ang sabi ni Kuya Leo ay bilisan lang daw ang uwi, bakit naman?
"Malapit na ang kasal niyo, Dianne, wala ka man lang ba balak maghanda?"
Mag handa? Seryoso ba talaga siya?
"Bakit po ba kailangan niyo pa 'tong gawin?" salubong ang kilay na tanong ko.
Akala ko makakalusot na kami.
"Wala rin naman kayang silbi ng kapatid mo, kaya pakikinabangan ko na lang kayo." saad niya na nagpatayo sa'kin. Kaagad kong naramdaman ang kamay ni Kaizen sa braso ko.
"Walang silbi?! Talaga?!" sigaw ko. Nakakairita, bakit ba kailangan mangyari 'to?
"Bakit ano bang ginawa niyo para sa'kin? Hindi ba't wala? Don't make me lose my temper, Leisha Dianne!" Tumayo na siya at sinigawan ako.
"Sir! Kung sisigawan niyo na lang po siya ng gan'yan, we must leave. Anak niyo po siyaz babae siya, bakit gan'yan kayo magsalita?!" It's Kaizen.
"Really, Kaizen? Kumakampi ka d'yan sa anak ko? O baka nahulog ka na nga? Pwede na nating ituloy ang kasal kung gano'n." My Daddy smirked.
"Walang mangyayaring kasal." Madiing sabi ni Kaizen.
Hinawakan niya ang kamay ko at sinama palabas ng bahay.
"Hindi kayo makakalabas dito, Kaizen! Planado ang lahat!" My Daddy shouted.
Tumatakbo kaming lumabas ng bahay pero hindi namin inaasahan na makakasalubong ang Daddy ni Kaizen together with his bodyguard.
"Where are you going, my son?" nakangiti pang salubong nito.
"Let us go, Dad." ani Kaizen.
"Marry her, so that I can get all of her Father's money."
My lips parted. My father's money? Anong gagawin niya kapag naikasal kami ni Kaizen?
"Lahat ng pera niya at ari-arian ay makukuha ko kapag pinakasalan mo siya, Kaizen." dagdag niya pa.
Umiling lang si Kaizen.
"Okay then, hangga't walang kasal, hindi kayo makakaalis dito."
YOU ARE READING
Loving A Brokenhearted Man [Completed]
AcciónSi Leisha Dianne ay isang palaban na babae. Hindi mo gugustuhin na inisin siya dahil babatuhin ka talaga niya ng libro. Hindi siya makapaniwala nang sabihin ng Ate niya na kailangan niyang pumili ng taong po-protektahan siya para hindi siya matulad...