Nang makarating sa sinasabing lugar ni Dyna ay kaagad kong sinugod si Persley nang makita ko 'to.
Chill pa siyang nakaupo habang nakangisi sa'kin.
Hindi niya inaasahan ang pagsampal ko sakanya kaya napahawak siya sa pisngi niya.
"The hell?! Ba't mo'ko sinapak?!" bulyaw niya.
"First." rinig kong saad ni Trane, puno ng awtoridad. Lumapit siya sa'kin at hihilahin sana ako palayo sa kaibigan niya nang sigawan ko si Persley-gago.
"Bagay na bagay talaga sa pangalan mo na kadugtong ang salitang gago kasi gago ka!" dinuro ko siya.
Napatayo na siya at salubong ang kilay. "Teka naman, prinsesa. Ano bang pinagsasasabi mo?"
"Talaga? Wala kang ginawa?" tanong ko pa. Tinuro ko si Dyna. "Umiiyak 'yan kasi nilooban mo siya sa kwarto niya!" inis na bulyaw ko dito.
Hinayaan ako ni Travis na makalapit kay Persley-gago. "Alam mo namang ayaw sa'yo nung tao, First." mariing saad ko na agad ko ring pinagsisihan.
Naging blangko ang mukha niya. "Pasensya na, hindi ko naman alam na gano'n niya ako ka-ayaw." ngumiti siya. "Sobrang sama ko palang tao sa paningin niya."
Naglakad siya papalayo at siya naman ang paglapit sa'kin ni Dyna. Doon ko napansin si Kiev at Railey na nakinig lang sa usapan.
"Thank you." ani Dyna.
Tumango lang ako at lumingon kay Trane.
"I don't think Persley can bear it." aniya. "Let's go?" pag-aya niya pa. "Dyna, you can go with Rai."
Lumapit ako sa kaniya at umangkla sa braso niya. Masaya sana kung kasama si Dyna. Kaso baka magtaka ang parents niya kapag wala siya sa kwarto niya.
Na-guilty ako bigla sa sinabi ko kay Persley.
Bakit ba kasi kailangan niya pang pumasok sa kwarto ni Dyna? Pwede naman siyang tumawag. Pwede niyang tawagin si Kiev para sunduin ako kasi hindi naman siya kilala ni Kuya Leo pero si Dyna ang napili niyang desisyon para makalabas ako.
I pouted. Kawawa si Dyna pero mas kawawa naman si Persley dahil sinalo niya lahat ng panunumbat ko. Nasaktan pa tuloy siya nang wala sa oras.
Kainis.
Dinala ako ni Trane sa isang park. Gabi na pero madami pa rin ang mga tao. Lalo pa't pasyalan ito at maraming pailaw.
I run towards Travis. Iniwan niya ako kay Kiev para bumili ng milktea. Sabi na nga ba, iyan lang naman ang puntirya niya. Ayaw niya talaga akong i-date.
Hindi pa talaga ako isinama na bumili!
Nahihiya ba siya?
"I can take a picture of you." Napabaling ako kay Trane. Napansin niya sigurong kanina pa ko nahuhimaling sa mga umiilaw na bulaklak at iba't-ibang kulay 'to.
Sobrang ganda. I would like to visit this place again and again.
"Do like this."
Natawa ako nang mag peace sign siya habang hawak ang cellphone niya ay pini-picture-an ako.
"Isa, Leisha."
"Here!" masayang sabi ko at nag peace sign. Nakangiti niya naman akong kinuhanan ng picture.
Lumapit ako sakanya kahit na tinitignan niya pa ang mukha ko sa kuha niya.
Kinuha ko ang cellphone sa kaniya at kinuha ang kamay niya. Inilapit ko siya sa may mga ilaw and I took a photo of him.
He even do a peace sign.
I was laughing when he pointed the camera to me.
"Beautiful." aniya pa.
Naramdaman kong uminit ang pisngi ko.
Heh! Anong beautiful? Sabi mo cute ako?
Kinuha ko muli ang cellphone niya at inilapit pinayuko siya. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya and took the photo. I even kissed him on his cheeks!
He was too stunned to speak. Nauna ang mata niyang tumingin sa'kin bago ilingon ang ulo.
"B-Bakit?" tanong ko.
"Isa pa."
"Ha?!" bulalas ko. Kaagad naitikom ang bibig dahil sa kahihiyan. Marami nga pala ang tao rito.
Mukha siyang batang gusto pa ng kendi! Jusko naman! Si Travis Dane ba talaga 'to?!
"B-Baliw ka ba?"
Hindi niya ako sinagot at kinuha ang cellphone sa'kin. Napatingin ako doon at hindi inaasahan ang paghalik niya sa'kin sa pisngi.
"Hoy!"
"What?" inosenteng tanong niya. Inayos niya pa ang pagkakatayo at kaswal na tinitigan ng mga nakuhang litrato sa cellphone niya.
Ang kapal!
"Nakauwi na raw sila Kuya Railey." ani Kiev na lumapit sa'min. Gusto ko mang asarin siya sa bagong style ng buhok niya ay hindi ko magawa.
Kaasar na Trane!
"Let's go?"
Napabaling ako sakanya. "Uuwi na rin ba tayo?"
"Nah."
"Saan tayo pupunta?" tanong ko. Lumingon ako kay Kiev.
"Sa dagat."
Dagat?
Tama nga, dinala nila ako sa dagat. Sa dating hinintuan namin ni Trane nung birthday ko. Dito mismo kami sumayaw at dinama ang mga hampas ng alon at simoy ng hangin at ang pagkanta niyang malumanay at masarap pakinggan.
Naiwan si Kiev sa kotse habang dinala naman ako ni Travis Dane sa pampang. Naupo kami at tinanaw ang dagat na kumikinang dahil sa maliwanag na buwan.
"Bakit gusto mong laging pumupunta dito?" tanong ko kay Trane.
"The breeze of sea can calm me down."
"Na p-pressure ka ba?"
"Saan?"
"Sa buhay mo?"
"I'm a Villaquer, Leisha. I'm trained."
Trained?
"Ano ka aso?"
Salubong naman ang kilay na napalingon siya sa'kin. Naitikom ko ang aking bibig nang hindi siya umimik.
"And you're a kitten."
"Kitten?!"
"Galit na ang kuting." saad niya pa kaya mas lalong humaba ang nguso ko. Hindi ko siya pinansin at itinuon na lang ang atensyon sa dagat.
Kay Trane ko naranasan lahat ng saya at sakit na sinasabi nilang pagmamahal. Mahirap siya paibigin pero masarap mahalin. Masaya pala ang may kasama. Sa nagdaang taon kasi ay kay Ate at Mama lang umiikot ang mundo ko. Hindi ako nakikihalubilo sa kung kani-kanino.
Dyna and Persley made me realize that having a friend is not bad at all. Hindi masama ang magkaroon ng kaibigan kahit minsan. Dahil lahat ng mga nakikilala mo ay temporary lang. Walang permanente kasi lahat naman sila ay aalis at maghahanap ng ibang circle or kaibigan.
For Trane, tinuruan niya ako kung pano magpaibig ng isang tao. Sa kaniya ko dinanas ang sakit ng may minamahal at saya kapag may minamahal.
Until now, hindi ko pa rin alam kung sigurado siya sa'kin. Hindi lumabas sa bibig niya ang salitang 'gusto kita', inangkin niya lang na girlfriend niya ako, pero walang aminan ang nangyari.
"What are you thinking?"
I shooked my head. "Wala naman."
"I bet you're thinking about us."
Wala na akong nagawa nang siya na mismo ang nagsabi. Kahit yata itanggi ko pa ay halata sakaniya na 'yon nga ang iniisip ko.
"I'm not sure about my feelings for you, that's the truth."
YOU ARE READING
Loving A Brokenhearted Man [Completed]
AcciónSi Leisha Dianne ay isang palaban na babae. Hindi mo gugustuhin na inisin siya dahil babatuhin ka talaga niya ng libro. Hindi siya makapaniwala nang sabihin ng Ate niya na kailangan niyang pumili ng taong po-protektahan siya para hindi siya matulad...