Nang makita ang isa't-isa ay pakiramdam ko, hindi na ulit ako mag-isa. May kasama na ulit ako, hindi na ako malulungkot pa.
"Kailan ka umamin?" nakangiting tanong ko kay First. He just pouted.
"Alam mo, ang korni niya nung magising sa hospital, mukhang naalog pa nga ang utak." Si Dyna na nakangiwi na. Patuloy siya sa paglagay ng spicy sauce sa kaniyang pizza.
"Buti na lang may understanding akong gf." ani Persley.
"Under ka naman," pang-aasar ko. Kinuha ko ang basong may lamang juice at ininom ito. Nalungkot ako bigla, naiwanan lang yung kinakain ko kanina sa coffee shop.
"Ako naman master niya," ani Persley.
"Really?" hamon ni Dyna.
Ngumiti naman ng malawak si Persley. "Syempre joke lang, 'to namang misis ko, 'di na nabibiro."
"Kasal na kayo?" gulat na tanong ko. Nakangiti naman silang itinaas ang kamay. There's a ring. A gorgeous one.
Ang dami na palang nangyari. Habang ako, hindi makawala sa lungkot. Ang dami kong hindi nakita, napuntahan at nalaman.
"Hindi niyo man lang ako inaya." pagtatampo ko.
"Huy! As if naman na alam namin kung nasa'n ka." ani Dyna.
"Tama ka d'yan, misis ko. Alam mo, tanga-tanga talaga 'yang si Prinshy minsan 'no?" hirit pa ni Persley.
"Sige pagkampihan niyo ako." inismiran ko silang dalawa at marahas na kumagat sa pizza na hawak ko.
Nakakapagod, marami akong nalaman ngayong araw na 'to. Marami akong nakaligtaan. Marami akong hindi nalaman tungkol sa kanila.
Trane?
Nakita ko siya, hindi ako pwedeng magkamali doon.
"Trane!" pagtawag ko nang makita ulit siya. Lalapitan ko sana nang may bigalang dumaang motor sa harap ko. Paglingon ko ay wala na siya.
Napabuntong-hininga ako. Dito ko pala siya makikita.
"Sorry po," ani ko sa nakabunggo. Nang iangat ko ang aking paningin ay gano'n na lang ang gulat ko nang makita ko siya sa harap ko. Sobrang lapit ng mukha niya. Sobrang laki ng pinagbago niya. Kung dati ay gwapo na siya, ngayon naman ay mas naging maskulado siya at mas tumangkad. Mas matured na rin tignan ang itsura niya.
"Trane..." naiusal ko.
Nang tignan ko ang mga mata niya ay puno ito ng pangungulila. Dahan-dahan niyang inabot ang mukha ko.
"I missed you." pabulong niyang saad. Malumanay siyang ngumiti at tumingin siya sa'kin ng malalam.
"I miss you so much, kitten. Don't leave me again. I-I.. I'm begging you." nanghihinang saad nito. Napalunok naman ako nang makita ang namumula niyang mata. Pinipigilan niya ang maiyak.
"Trane, hindi..." Umiling ako. "hindi na kita iiwan—"
Napasinghap ako at nanlaki ang mga mata nang mapahawak siya sa aking balikat dahil sa putok ng baril. No..
Napapikit ako sa takot nang marinig ko pa ang isang putok ng baril. Nanlulumo akong napatingin kay Trane. Duguan ito habang nakahiga na sa sahig. Mabilis ko siyang nilapitan.
"Trane! Trane, 'wag ganito. B-Baby, please, open your eyes." pakiusap ko. Hindi natigil sa pagtulo ang mga luha ko. Pumalahaw ako ng iyak nang makita siyang ngumiti.
"Trane! Huwag ganito!" umiiyak kong sigaw. "H-Hindi na kita, iiwan. B-Basta 'wag mo lang akong iwan ngayon.. Trane." Halos hindi ako makahinga dahil sa sinasabi. Nagsasalita ako pero parang hindi niya naririnig. Parang, wala siyang nakikita at naririnig.
Bakit?
"Leisha!"
"Leisha!"
Napabalikwas ako ng bangon at napasinghap nang mapagtantong panaginip lang ang lahat.
Pagtingin ko ay mukha ni Kaizen ang bumungad sa'kin. Alalang-alala ang mukha niya.
"Why are you crying?" Nilapitan niya ako at hinaplos ang mukha ko.
Hindi ako sumagot at basta na lang siyang niyakap. Takot na takot ako. Takot na takot ako na baka totoo yun.
"K-Kaizen." I sobbed. "N-Natatakot ako..." humigpit ang yakap ko sakanya. "Nanaginip ako. N-Nabaril daw siya." Kumalas ako at tumingin sa kaniya. "Kaizen, nabaril si Trane!"
"Hush," pang-aalo niya. Inayos niya ang buhok ko at isinabit sa tainga. "Panaginip lang 'yon okay?"
"P-Paano kung totoo?"
"Leisha." Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at tinitigan ng maigi. "Panaginip lang 'yon. Walang totoo ang nangyari sa panaginip mo."
I shooked my head. Bakit parang totoo?
"Leisha, look at me." Pinaharap niya ako sa kaniya. "Kung gusto mong masiguro na ligtas siya, puntahan mo siya." Inilapit niya ang mukha sa akin at ngumiti. "Puntahan mo siya habang hindi pa huli ang lahat."
Napaiyak na lang ako sa sinabi niya. I missed him so much. Hindi ko yata kakayanin na mawala siya.
Dali-dali akong umalis ng kama at hinanap ang susi ng kotse. Inayos ko rin ang sarili ko at tumingin kay Kaizen. Ibinato niya sa'kin ang susi na agad ko namang sinalo. Natigil na lang ako nang may mapagtanto.
"Why?" he asked.
I shooked my head. "Hindi ko alam kung nasaan siya."
Ngumiti lang siya. "Alam mo, Lei. Alam mo kung nasa'n siya."
Alam ko? Saan?
Tama! Alam ko. Alam ko kung nasaan siya. Alam kong doon lang siya pupunta para ikalma ang sarili at isip niya. Ang dagat.
Breeze of the sea can calm him down.
"Mag-iingat ka!" pahabol pa ni Kaizen nang tumakbo ako pababa.
Sobrang nakakatakot ang napanaginipan ko na 'yon nang makauwi ako galing kila Persley. Totoong na-meet ko sila. Totoong buhay si Persley, ang best friend ko.
Halos paliparin ko na ang kotse ni Kaizen para lang maabutan si Trane na nando'n. Sigurado akong hinahanap na ako no'n. Hinahanap na ako ng boyfriend ko.
Hindi natigil sa pagtulo ang luha ko habang nasa byahe. Ang gusto ko lang makita ay ang safe siya. Na wala siyang ibang pinoproblema. Na wala siyang iniisip na kung ano-ano. Gusto kong makita kung ligtas siya.
Nang makarating sa dagat na pinuntahan namin ni Trane noong 18th birthday ko ay hindi naman ako nadismaya dahil nakita ko siyang naroon.
Nakaupo lang siya mag-isa sa buhangin at pinagmamasdan ang alon. Kahit na likod pa lang niya ay alam kong siya na 'yan. Hindi man kami nagkasama ng matagal at nailayo man kami ng matagal sa isa't-isa ay hindi ko kinalimutan ang itsura niya. Ang itsura ng minamahal ko.
Nang makalapit ako ay kaagad na tumulo ang luha ko. I missed him so much. Namiss ko ang tawa niya, ang ngiti niya, ang boses niya, ang lahat ng kaniya. Lalong-lalo na ang naramdaman kong pagmamahal galing sa kaniya.
I wiped my tears as I walked in front of him. Kaagad naman niya akong napansin at iniangat ang paningin.
Kitang-kita ko ang pagkislap ng mga mata niya nang makita ako. Mabigat ang dibdib niyang ngumiti. Sa pagngiti niyang 'yon ay tumulo ang luha niya.
"What took you so long... my home?" usal niya.
"I'm here na, I-I'm not leaving you anymore." humihikbi kong saad.
Hinding-hindi na kita iiwan, Trane. I smiled at him, a sweetest one.
Hoping that this man isn't a brokenhearted man anymore.
![](https://img.wattpad.com/cover/321789244-288-k962967.jpg)
YOU ARE READING
Loving A Brokenhearted Man [Completed]
ActionSi Leisha Dianne ay isang palaban na babae. Hindi mo gugustuhin na inisin siya dahil babatuhin ka talaga niya ng libro. Hindi siya makapaniwala nang sabihin ng Ate niya na kailangan niyang pumili ng taong po-protektahan siya para hindi siya matulad...